Chapter 24 - The Truth Behind His Answers

1407 Words
"What’s wrong with you, Mikel? At bakit ba hindi ka mapakali riyan? At bakit mo ba ako pinapunta pa rito?" Hindi malaman ni Stan kung ano ang dahilan ng kaibigan niya at pinapunta siya nito sa bahay nila. Kanina sa opisina ay mainit na ang ulo nito at hindi nga niya alam ang rason kung bakit bigla na lamang na umuwi si Mikel at pinasunod pa siya. Palakad-lakad si Mikel sa harapan ni Stan. Naiinis siya at nagngingitngit na naman siya kay Tamara. "Teka, huwag mo sabihin sa akin na may LQ agad kayo ng asawa mo? Kakakasal ninyo pa lang ulit noon isang linggo, hindi ba dapat ay nasa honeymoon stage pa kayo? Nakapag-honeymoon na nga ba ulit kayo?" tanong pa muli ni Stan. Mikel doesn’t know how to admit to his friend the truth. Hindi rin siya sigurado kung tama lamang ba na aminin na niya na ang lahat ng nangyayari sa kanila ni Tamara ay isang pagkukunyari lamang. Ayaw man niya sana pero nais nang sumabog ng puso niya, kaya alam niya na kailangan na niya na sabihin kay Stan ang totoo. He needs to let this all out. "I need to tell you something." Seryoso na salita niya sa kaibigan niya. Umupo siya sa harapan nito at tinitingnan ang reaksyon nito sa sinabi niya. Wala naman naiba sa ekspresyon ng mukha ni Stan at inaasahan na niya ito. "Okay. Sabihin mo na kung ano ang problema. Nag-away ba kayo ni Tamara? Naglayas ba ang asawa mo dahil hindi na nakatiis sa kasungitan mo?" At hindi niya masisisi si Stan sa mga nagiging salita nito sa kan’ya ngayon. He admits that he hasn’t been treating Tamara well, at hindi iyon dahil sa ayaw niya, sadya lamang na may mga dahilan siya kung bakit lagi na lamang siya na parang naiinis sa asawa niya. "What is it, Mikel? Wala akong balak na tumunganga sa papalit-palit na reaksyon ng mukha mo. Mabuti pa na sabihin mo na ang pinag-awayan ninyo." "Hindi kami nag-away. Hindi ko siya inaway." "Nasaan ang asawa mo kung hindi mo inaway?" muli na tanong ni Stan. "She’s with Wyatt." Nanlaki ang mga mata ni Stan at hindi makapaniwala sa narinig. Paano napapayag ni Tamara si Mikel na pasamahin siya kay Wyatt. "At bago ka mag-isip ng kung ano-ano, they are with my mom." "Teka, hindi ba ikaw ang anak ng nanay mo at ikaw ang asawa ni Tamara? Bakit parang nagkapalit na? Bakit parang si Wyatt na ang anak ni tita at siya na rin ang asawa ni Tamara?" Nagsalubong agad ang kilay ni Mikel sa naging pagbibiro na iyon ni Stan. Hindi niya nagustuhan ang mga sinabi nito at lalo lamang na nadadagdagan ang inis na nararamdaman niya. "Can you shut-up? Hindi ba at sinabi ko na may sasabihin ako sa’yo? Paano ko masasabi ang mga gusto ko na sabihin kung walang preno ‘yan bibig mo sa kakatanong at kakasingit sa bawat sasabihin ko?" inis na balik niya sa kaibigan. "Ngayon ay alam ko na kung bakit kanina pa mainit ang ulo mo at hindi maipinta ang pagmumukha mo." Napapa-iling pa si Stan at patuloy na pangisi-ngisi kay Mikel. "Everything is a hoax." Napamaang sa kan’ya si Stan at bigla na natahimik sa sinabi niya. "Everything about my marriage with Tamara is a hoax." dugtong pa niya. "Ano?" naguguluhan na tanong pa ni Stan. Paano nga ba niya sisimulan na ipaliwanag ang mga bagay-bagay kung siya mismo ay naguguluhan sa mga nangyayari? Is this still considered as fake, kung alam niya na may bahagi nang nararamdaman niya sa asawa niya na tunay na? And this is why he doubted this idea in the first place. Ayaw niya ng complications sa planado niya na buhay. "This is all just an act, Stan. We were supposed to end the marriage the moment na malaman namin na naikasal kami dahil sa sobrang kalasingan, pero nakiusap siya sa akin. She needed my help para tuluyan na makatakas sa tangka na pagpapakasal sa kan’ya ng kapatid niya sa walanghiya na ama ko." "So you knew all along na ang ama mo ang nakatakda niya na pakasalan?" "No. Hindi ko alam ang tunay na katauhan ng pakakasalan ni Tamara. I only found out about it a few days after the party. Everything about us is a contract marriage, Stan." "Contract marriage? Kung gano’n ay bakit kinailangan ninyo pa na magpakasal ulit?" "Alam mo naman si mama. She likes Tam so much, at hindi siya pumayag na isang mabilisan na kasal lamang sa huwes ang naibigay ko kay Tamara. Everything about us will end after two years. And that’s also enough time for her para makahanap ng konkreto na solusyon para tuluyan na makalaya sa sapilitan na kasal na ipinipilit ng kapatid niya." "Ano ngayon ang problema mo kung matatapos naman pala ito after two years?" "Number one rule is not to fall in love." Agad na sumilay ang ngiti sa labi ni Stan sa narinig kay Mikel. He knows where this conversation is going, at hindi man iyon aminin ng kaibigan niya ay sigurado siya na hindi nakatupad si Mikel sa rule na iyon. "And let me guess, you failed to follow the rule? Tama ba ako, Mikel?" Sandali na natigilan si Mikel at saka naiinis na inihilamukos pa ang kamay sa kan'yang mukha. "No! But I think she does. She failed to follow our rules." "You're a liar! Keep lying to yourself, Mikel, because we both know the answer to that question." Napasandal na lamang si Mikel sa kinauupuan niya. Hindi siya sigurado sa nararamdaman niya dahil kahit siya ay naguguluhan na nagagawa na ni Tamara na sirain ang pader na ginawa niya para sa sarili niya bilang proteksyon niya. He doesn’t know how she was able to slowly creep into his system, but she did. "She asked me if I’m falling in love with her." Pagkukuwento pa ni Mikel. "At ikaw, bilang si Mikel, you denied, right?" Sarkastiko pa na tanong ni Stan sa kan’ya. "You denied your own feelings because of your own ego." "To be fair to me, at that time, I am confused as hell. Naguguluhan din ako sa bilis ng mga pangyayari na gano’n siya kabilis na nakapasok sa sistema ko. She’s not even my type!" "Yeah, not even your type, but you’re eventually falling for her. Ano ngayon ang problema mo? Si Wyatt ba? Because obviously, Wyatt knows how to treat your wife right." "f**k you! You’re not helping, Stan." "I am your friend, Mikel. But I won’t tolerate you being an ass. Tama nang isa lang sa atin dalawa iyon. Sa tingin ko naman ay mahal ka rin ng asawa mo. I mean your set-up might just be a hoax, pero sigurado ako na ang lahat nang ipinapakita ni Tamara sa’yo ay totoo. She’s the most genuine person I’ve ever met." "She doesn’t like me, Stan. I asked her the same question that she asked me, and she said she’s not in love with me." May mumunti na pagkirot sa puso ni Mikel kapag naaalala niya ang tagpo na iyon sa kanila ni Tamara. Her words disappointed him, but the expression in her eyes made him believe that something was there. "Why don’t you ask her again? Malay mo naman na baka masyado lang siya na nasaktan dahil sa pagtanggi mo kaya tinanggihan ka rin. Women have pride too, Mikel" Pinag-iisipan ni Mikel ang mga sinabi ni Stan. Iyon talaga ang gusto niya na gawin. Ang muli na tanungin si Tamara sa tunay na nararamdaman nito para sa kan'ya. And this time, he wants to admit his truth. Nais na rin niya na aminin na may bahagi na ng puso niya na okupado na ng asawa niya. But Tamara is stubborn, and Mikel knows that it won’t be easy. Kaya kailangan niya na makaisip ng paran kung saan hindi makakapag sinungaling sa kan’ya si Tamara. "Alam ko na!" May pagkasabik pa na salita ni Stan. "Bakit hindi mo yayain na mag two bots si Tamara. Mukha naman lightweight ang asawa mo at mabilis na malalasing." Napangiti siya sa sinabi ni Stan. Maybe that plan will work. Kapag nalalasing ang isang tao ay mas nagiging malakas ang loob nito na aminin ang mga bagay na hindi niya kaya na aminin sa normal na disposisyon. At maari na pareho sila ni Tamara na matutulungan ng espiritu ng alak upang maamin sa isa’t-isa ang tunay na nilalaman ng mga puso nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD