Chapter 23 - His Raging Answer

1382 Words
As I slowly walked down the aisle towards Mikel ay hindi ko sigurado ang mararamdaman ko sa lahat ng ito. This is our wedding day. Again. The intimate wedding that I and Mikel’s mother agreed upon. Pero sa mga oras na ito ay hindi ko alam kung gusto ko pa ba na ituloy ito at maglakad hanggang sa maabot ko si Mikel na nakangiti na naghihintay sa akin sa may altar. He is really a good actor and a great pretender. Napakagaling niya na magpanggap, kaya kahit ako ay kamuntikan na rin na mapapaniwala. Hindi pala muntikan, dahil naniwala na talaga ako. I assumed that he is feeling something for me, at iyon ang rason kung bakit ko tinanong sa kan’ya ang bagay na ‘yon. And maybe, I shouldn’t have asked, dahil kung hindi ako nagtanong ay hindi sana ako masasaktan ng ganito sa ngayon. Hindi sana magkakaro'n ng ibang pakahulugan ang kunya-kunyarian na kasal na ito sa pagitan namin. His hand is reaching out for me nang makaabot ako sa kan’ya. At kahit na gusto ko na i-plaster ang tunay na ngiti sa labi ko ay hindi ko magawa. I am hurting inside. Nasasaktan ako sa katotahanan sa mga sinabi niya na hanggang ngayon ay paulit-ulit na naglalaro sa isipan ko. Iginiya niya ako sa gitna ng altar kung saan naghihintay sa amin ang pari. At sa muli ay iniisip ko na sana kagaya ng nauna namin na pagpapakasal, sana ay lasing na lamang ulit ako para wala ako na matandaan sa lahat ng nangyayari at mangyayari pa. I am physically present but my mind is wandering elsewhere. May parte ko na nais na talaga na tigilan ang pagkukunyari na ito upang mabigyan pa ng pagkakataon ang sarili ko na makaligtas sa sakit na sigurado ako na kakaharapin ko. I shouldn't have played this game. Hindi ako dapat na sumali sa isang laro na alam ko na magiging talunan ako sa huli. I should have read the signs, bago ko siya pinilit na manatili sa kasal namin. "Mikel, say your vows." Narinig ko na utos ng pari. "Bu, I love you." Hindi ko maiwasan na mapatitig kay Mikel sa narinig ko. I know that this is all part of an act at bilib na bilib na talaga ako sa kan’ya sa pagsasabi ng mga salita na iyon na akala mo ay totoo niya na nararamdaman para sa akin. "Three simple words that I will always say to you because it is the truth. I fell in love with you at the first sight, and I will marry you time and time again just to prove to you how much I love you. You are the reason of my existence, and my forever started the day that I married you." Bakit kailangan na sumentro ang vows niya sa pagsasabi ng I love you? Imbes na matuwa ako ay lalo lamang na nagngingitngit ang kalooban ko sa kan’ya. I hate the fact na ginagamit niya ang salita na pagmamahal ng paulit-ulit sa akin without even meaning to. Those three words are very special to me, kaya ayaw ko na nagagamit ang mga salitang iyon sa lahat ng pagkukunyari namin. At hindi ko maiwasan na sa gitna ng kasal namin ay manumbalik ang pag-uusap namin na iyon. Three days ago, I bravely asked him that question. That burning question that I have been contemplating for awhile. "Mikel, are you falling in love with me?" Ang tanog ko na 'yon na may kung ilang sandali rin na nagpatahimik kay Mikel. And then his face showed indifference and annoyance. At ang mga sumunod na salita niya ang nagpasira ng kumpiyansa ko sa nararamdaman ko para sa kan'ya. "What?! Do you really think na magkakagusto ako sa’yo?" Nakakunot ang noo na sabi niya sa akin. Hindi ako umimik at nanatili lamang na nakatingin sa kan’ya. Huminga siya ng malalim at muli na nagsalita. "Tamara, don’t tell me you’re falling in love with me?" Pagbabalik tanong niya sa akin ng tanong ko sa kan’ya. Natilihan ako sa tanong niya na iyon. Tunay nga na hindi ka kaagad na makakasagot kapag naharap ka sa burning question na iyon. "What now? Answer me, Tamara. Are you falling in love with me?" ulit niya pa sa akin. Napalunok muna ako at matapang na tumingin sa kan’ya. "Mikel, ikaw ang una ko na tinanong, kaya huwag mo ako sagutin ng katanungan din. I need answers and not another set of question." "I don’t." Matipid, diretso at may diin na sagot niya. Parang unti-unti na sumasakit ang puso ko sa dalawang salita na iyon. Dalawang salita na kahit na alam ko na iyon naman talaga ang totoo ay inasahan ko pa rin na sana ay tama ang nararamdaman ko. Sana ang sagot niya ay makapagbibigay ng ngiti sa akin. But I was so wrong. "Hanggang ngayon ba naman ay hindi ka pa sanay, Tamara? Kailangan ko pa ba na ulit-ulitin sa’yo? This is all just an act. Hindi ba at ito ang usapan natin? Ang magpanggap na mahal na mahal natin ang isa’t-isa para mapapaniwala natin sila sa relasyon natin. Kaya kung ano man ang tumatakbo sa isipan mo ay tigilan mo na. You know that will never happen. You are free to have a relationship once our contract ends. And I won’t be stopping you by then. But for the meantime, stay away from my cousin, because as much as you don’t want to, you are still bounded by the contract of marriage with me." At dala marahil sa pagkapahiya ko sa sarili ko, for even assuming that someone like Mikel could actually fall in love with me, ay nangako rin ako na pigilan ang kung ano man ang damdamin na mayro’n ako para sa kan’ya na nabubuo sa ngayon. No more playing games with my heart. No more mind games with Mikel. Ang boses ng pari ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan na kasal namin na ilang beses na pala na nagsasalita sa akin. "Tamara, please say your vows." Nang lingunin ko sila ay pareho sila ni Mikel na mataman na nakatingin sa akin. Isang ngiti ang pinakawalan ko at humarap ako kay Mikel upang ibigay ang wedding vows ko. "Mikel, love is a very complicated feeling that I never thought I could feel. I never planned it, but I felt it for you. Wala rin akong rason kung bakit ko nararamdaman ito. But maybe because in the midst of my darkness, you were there to stand as my light. Thank you for accepting me and making me feel things I never knew I was capable of feeling." I love you. Gustong-gusto ko na idagdag at sabihin sa kan’ya, but my pride is preventing me from doing so. Kahit na isa lamang ito na palabas ay hindi ko na muli na bibigyan ng kahihiyan ang sarili ko for even assuming things that I am feeling. The wedding ceremony continues, pero wala rito ang isipan ko. At kung ako lang talaga ang tatanungin baka sa umpisa pa lang ng seremonya ay tumakbo na ako. Pero hindi ko magawa dahil I still owe Mikel a lot for saving me, for saving me from marrying his father. "You may now kiss the bride." Dumagundong ang puso ko sa sinabi na iyon ng pari. Hindi ko napaghandaan ang parte na ito ng kasal dahil hindi ito nangyari sa amin sa unang pagpapakasal namin. At ang sabi pa ni Stan ay hinimatay na ako bago pa man kami makaabot sa parte ng kiss the bride. Dahan-dahan na inangat ni Mikel ang belo na tumatabing sa mukha ko. Napapansin ko ang panginginig ng mga kamay niya kaya sigurado rin ako na hindi niya napaghandaan ang parte na ito. Unti-unti niya na inilapit ang mukha niya sa mukha ko at bago pa man dumikit ang labi niya sa labi ko ay awtomatiko nang sumara ang mga mata ko. At doon ko naramdaman ang labi ni Mikel. Kung gaano iyon kabilis na dumapo sa labi ko ay gano'n din kabilis ito na nawala. The kiss was short but sweet and full of emotions. Napadilat ako nang maramdaman na wala na ang labi ni Mikel at pagbukas ko ng mga mata ko ay nakatunghay ang malamyos na mata niya sa akin. "Presenting the newlyweds, Mr. and Mrs. Mikel Lucero."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD