Confusion would be the right word to describe what I am feeling right now. At sigurado ako na hindi lang ako ang nakakaramdam ng confusion na ito na sinasabi ko.
Ilang araw na ako na naguguluhan sa mga inaakto ni Mikel sa akin, at sa totoo lang ay pati ang nararamdaman ko ay litong-lito na rin. Hindi ko maiwasan na mag-expect na may mga ibig sabihin at nais ipakahulugan ang mga pagbabago na ipinapakita niya sa akin. Sabihin nang assumera ako at assumptionista, pero iyan ang nararamdaman ko.
At hindi ko maiwasan na bigyan ng konti na pag-asa ang sarili ko na baka nga sakali ay may tsansa na mahulog din siya sa akin. Kasi kung ako ang tatanungin, ang totoo ay unti-unti ko na rin na nararamdaman ang pagbabago ng nararamdaman ko para sa kan’ya.
Alam ko na mali iyon dahil sa umpisa pa lamang ay malinaw na sa kontrata namin na hindi puwede na ma-in love, pero maari ko ba na pigilan ang sarili ko? I can’t help but feel something for him slowly, lalo na at nakikita ko ang kabutihan ng puso niya sa kabila ng mga pagsusungit na ginagawa nya sa akin.
Pakiramdam ko kasi ay ginagawa niya lang na magsungit sa akin upang maprotektahan ang kan’yang sarili. Lahat ng tao na nasaktan sa nakaraan ay gumagawa ng paraan upang hindi na muli na maulit na masaktan sa kasalukuyan. And maybe, that’s what Mikel is doing.
Mikel’s façade is slowly letting me have a glimpse of the real him. At sa hindi iisang beses na pinagtangkaan niya ako na halikan, kung tama ang pakahulugan ko sa mga kilos na iyon ay naniniwala ako na may namumuo na rin siya na espesyal na pagtingin para sa akin. And this is me speaking with my full confidence.
"Aba, himala at wala ang guwardiya sibil mo, peaches." Bungad sa akin ni Wyatt nang pumasok siya sa opisina ni Mikel.
"Ano ang ginagawa mo rito?" tanong ko naman agad sa kan’ya.
"Grabe naman ‘yan, peaches, wala man lang ba na, I miss you, at talagang pagtataray agad?" Sumimangot pa siya na parang totoo na nagtatampo siya sa akin.
Nirolyohan ko na lamang siya ng mata ko dahil sa sobrang pagda-drama niya. "Hindi bagay sa’yo. Makapag-drama naman, wagas na wagas, nagtanong lang naman ako kung ano ang ginagawa mo rito."
"Ano ba ang ginagawa ko kapag napunta rito? Siyempre ang yayain ka na kumain, ‘yon naman ang paborito mo na gawin."
"Ewan ko sa’yo. Bakit ang tagal mo na hindi pumunta rito?" tanong ko pa habang nakatuon na muli ang atensyon ko sa aking computer.
Lumakad naman siya papalapit sa lamesa ko. Ipinatong ang mga kamay sa ibabaw no’n at yumuko sa akin. "Bakit, na-miss mo ba ako?" Titig na titig siya sa mga mata ko nang magsalita kaya bahagya ako na hindi nakagalaw. Wala rin akong salita na naisagot sa kan’ya at nanatili lamang na nakatingin sa mga mata niya.
"Ano? Is it a yes or a no? Na-miss mo siguro ako talaga para matulala ka sa akin ng ganyan."
Nagsalubong ang kilay ko at agad ko na inilagay ang kamay ko sa mukha niya upang takpan ang ginagawa niya na pagtingin sa akin. "Feelingero ka talaga!"
Lalo lamang ako na nagulat nang hawakan niya ang kamay ko na nasa mukha niya at halikan ang palad ko. Namilog ang mga mata ko at hindi na naman nakapagsalita. Napalunok ako sa naging pagkilos ni Wyatt at hindi ko alam ang gagawin ko.
"Halik pa lang sa palad ay natulala ka na, paano pa kung sa-"
"What are you doing here?" sigaw ni Mikel nang maabutan na naman kami ni Wyatt sa posisyon na gano’n. Naningkit ang mga mata niya sa amin lalo nang makita niya na ang kamay ko ay hawak pa ng pinsan niya at nakalapit pa sa labi nito. "What’s happening?" tanong niya muli.
Napalunok na lamang ulit ako kasabay ng malalakas na pagtambol ng dibdib ko. Hinatak ko ang kamay ko na hawak-hawak pa rin ni Wyatt na nakangisi pa rin ng nakakaloko kay Mikel.
"Pumunta ako rito kasi yayayain ko si peaches na kumain." Direkta na sabi ni Wyatt sa pinsan niya.
"Well, the answer is no." Tipid ngunit may diin na sagot naman ni Mikel.
"Bakit, ikaw ba si peaches? And besides, its not your decision to make." Pinandidilatan ko ng mata ko si Wyatt dahil mukhang nagsisimula na naman siya ng gulo sa pagitan nila na magpinsan. Pero ang loko-loko na kaibigan ko ay sadya ako na hindi pinapansin at ang atensyon ay na kay Mikel lamang.
"Walang peaches dito. My wife’s name is Tamara. And having said that she is my wife, then I have a say in that decision. Aside from me being her husband, I am also her boss." Pigil na pigil ang inis na sagot naman ng asawa ko.
Hindi pa rin nagpatinag si Wyatt at lalo pa na iniinis ang pinsan niya sa hindi ko malaman na dahilan. "Asawa mo pala. Ang akala ko kasi ay tatay ka niya sa sobra na pagka-istrikto mo sa kan’ya."
Nag-igting ang panga ni Mikel sa sinabi ni Wyatt kaya naisipan ko nang pumagitna na sa dalawa kaysa sa kung saan na naman mapunta ang walang saysay na pagtatalo nila na ito. "Wyatt, ano nga ang tinatanong mo sa akin patungkol do'n-"
Hindi pa man ako natatapos sa sinasabi ko ay sumagot na agad ang buwisit na lalaki na ito. "Wala akong tinatanong sa'yo. Niyayaya kita na kumain at ang sinasabi ko na halik-"
"Busog pa ako. Oo, busog pa ako at marami ako na ginagawa ngayon, kaya sa next time na lang tayo magsabay kumain." Tumayo pa ako sa kinauupuan ko at humarap sa kan’ya habang patuloy siya na pinandidilatan ng mga mata ko.
"You heard my wife, Wyatt. Hindi siya sasama sa’yo, kaya makakaalis ka na." singit naman ni Mikel.
"Bakit ba parang takot na takot ka sa presensya ko, Mikel? Don’t tell me na hindi ka pa-"
"Wyatt, alam mo naalala ko na parang sabi mo sa akin ay may pupuntahan ka pa." Lumapit ako at hinila si Wyatt sa braso kaya naman lalo ang pagsasalubong ng kilay ni Mikel sa amin.
"Ako, may pupuntahan?" tanong naman ni Wyatt sa akin.
Hininaan ko ang boses ko upang hindi na ako marinig ni Mikel habang iginigiya ko si Wyatt sa direksyon ng pintuan. "Utang na loob, Wyatt. Masasaktan na talaga kita. Alam mo na nga na mainit ang ulo ay lalo mo pa na iniinis. Kaya puwede ba, lumabas ka na at umalis? Sa susunod mo na lamang ako yayain na kumain. Sige na, go."
Itinutulak ko na siya sa pintuan pero pinagtatawanan niya lang ako. "What are you even scared of?" tanong niya rin sa akin sa mahinang boses.
"Nothing. Hindi ako natatakot, pero ayaw ko lamang ng gulo. Kaya, tsupi ka na dahil kung hindi F/O na tayo, tandaan mo ‘yan. Sisiguraduhin ko na friendship over na talaga tayo." pagbabanta ko pa sa kan'ya.
"Ang harsh mo, peaches. Pasalamat ka at gustong-gusto kita na maging bestie. Sige na, aalis na ako." Ikinagulat ko pa ang biglaan niya na paghalik sa pisngi ko na ikinabilog na naman ng mga mata ko. Nang makalabas si Wyatt ay ramdam ko ang dagundong ng puso ko dahil sa sigurado ako na nakita iyon ni Mikel.
At hindi nga ako nagkamali dahil nang lingunin ko siya ay matapang na nakatingin siya sa akin at ang mga kamay ay ipinagkrus pa niya sa kan’yang dibdib. "We're going home." Galit na turan niya sa akin at diretso na lumabas ng opisina niya.
Naiwan ako na nakatunganga at hindi alam ang gagawin. Nang maisip ko ang sinabi niya na going home ay nagmamadali ako na nagligpit ng aking mga gamit at sumunod sa kan’ya papunta sa parkingan. Takang-taka rin ang itsura sa akin ni Diane kaya nagkibit-balikat na lamang ako. Hindi ko rin naman alam ang nangyayari na topak ng asawa ko at sumusunod lamang ako sa utos ng boss ko.
Buong biyahe pauwi sa bahay ay nanatili na tahimik at walang kibo si Mikel. Hindi na lamang din ako nagsalita dahil baka mauwi na naman kami sa pagtatalo kung ibubuka ko pa ang walang preno na bibig ko. Nang makapasok sa loob ng bahay ay wala pa rin siya na imik. Dumiretso siya sa sala at naupo habang ako naman ay nagdadalawang-isip kung saan pupunta.
"Ano ba talaga kayo ni Wyatt? Don’t you think you are too close to him? Way too close for my liking?" Nagulat ako sa pagsasalita niya at napahinto sa paghakbang ko. Pupunta na sana ako sa kuwarto ko pero dahil binuksan na niya ang usapan, siguro ay dapat lamang na magkaalaman na nga rin kami nang mawala na ang confusion ko.
Humarap ako sa kan’ya at kahit na naiilang ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin ay sinagot ko siya. "We’re friends."
"Are you sure na pagkakaibigan lang ang habol sa’yo ni Wyatt? Kilala ko ang pinsan ko na ‘yon at alam ko kung kursunada niya o hindi ang isang babae."
Napa-ismid ako sa tinuran niya. "Huwag ka nga na judgemental. Hindi porke’t close kami ay may gusto na agad. At isa pa, hindi ako kagandahan na kagaya ng ex mo kaya huwag ka mag-alala dahil safe na safe na hindi ako ang tipo ng pinsan mo."
He just smirked at me in response, "If I were you ay hindi ako magtitiwala sa lalaki na 'yon. Mas kilala ko si Wyatt kumpara sa’yo."
"Teka nga, bakit ba g na g ka parati kay Wyatt pagdating sa akin? Don’t tell me na nagseselos ka sa pinsan mo? Pero bakit ka naman magseselos kung pagpapanggap lang naman ang lahat sa atin, hindi ba? Not unless, ay, teka ulit, do you have feelings for me? Na-de-develop ka na ba sa akin?" Dire-diretso ko na salita at huli na bago ko mapagtanto ang mga sinabi ko sa kan'ya.
Kitang-kita ko ang pagsalubong ng kilay niya sa akin. "Ulitin mo nga ang mga sinabi mo?" utos niya sa akin sa istrikto na boses.
At parang tanga naman ako na inulit ko nga ang tanong na kahit ako ay pilit ko na itinatanong sa sarili ko. "Mikel, are you falling in love with me?"