Hindi ko man na inaasahan, pero mas nagiging maayos ang pagsasama namin ni Mikel. Pilit niya na ginagampanan ang kan'yang papel bilang butihin na asawa ko. At totoo naman na napakasuwerte ko, hindi lamang sa mga bagay na naibibigay niya para sa pamilya ko, kung hindi sa patuloy na pagbabantay sa seguridad ko laban sa ama niya.
Mikel's actions made me realize how good of a person he is. At sa bawat oras na nakakasama ko siya ay hindi ko rin maiwasan na unti-unti na magkaroon siya ng puwang sa puso ko. Ayaw ko man, pero iyon ang katotohanan. Masyado na mabait si Mikel at walang babae ang hindi mahuhulog sa kabaitan niya na iyon.
Pero patuloy ko na sinusubukan na lagyan ng dibisyon ang tratuhan namin bilang mag-asawa. Kailangan ko na lagi ipaalala sa sarili ko na ang lahat ng ito ay isang kasunduan lamang. At kasama roon ang pinaka-importante na kondsiyon niya: ang bawal ako na mahulog sa kan'ya.
Sa kabila ng maayos namin na pagsasama ay hindi pa rin naman nawawala ang paminsan-minsan na pagiging istrikto ni Mikel at masungit sa akin. Kagaya na lamang ngayon na ilang araw na naman na hindi maipinta ang pagmumukha niya sa akin. Kapag nasa opisina kami ay lagi na lang na salubong ang kilay niya at hindi makausap. Hindi naman niya ako lubusan na sinusungitan, pero kapansin-pansin ang pagiging tahimik niya. Kapag narito si Wyatt ay mas lalo naman na nakakunot ang noo niya. Madalas din na hindi siya nagpapa-set ng meeting bago magtanghalian. At sa nakalipas na mga araw ay lagi kami na sabay na kumakain dito mismo sa opisina niya.
Noon isang araw ay pinuntahan ako ni Wyatt upang sabay kami na kumain, pero hindi ako pinayagan ng magaling ko na asawa. Maaari lamang daw ako na sumabay sa pinsan niya kapag wala siya. Pero nitong mga huling araw ay parati naman siya na narito, kaya paano pa kami makapagsasabay ni Wyatt sa tanghalian? Minsan gusto ko nang isipin na nagseselos siya sa pinsan niya pero agad ko iyon na binabawi sa isipan ko. Malayo na magselos siya dahil ang lahat naman ng ginagawa namin ay pagpapanggap lamang.
"Sweetie, are you done?" Mabilis ako na napaangat ng aking ulo nang marinig ang tinig ni Mikel na iyon. Napalingon ako sa kan'ya upang alamin kung sino ba ang kinakausap niya.
Napakunot ang noo ko nang makita na may kausap siya sa telepono. Nakaipit ang telepono sa pagitan ng kan'yang tainga at balikat habang patuloy na pumipirma sa ilang dokumento na nasa harapan niya. Nagkibit-balikat na lamang ako at muli na ibinalik ang atensyon ko sa laptop.
Sweetie?! Sino ang tinatawag niya na sweetie? Akala ko ba ay bawal ang makipagrelasyon sa iba habang kasal kami? Pero ngayon, ito siya at may tinatawag na sweetie! Nagpupuyos ang kalooban ko na hindi ko maintindihan. Alam ko na wala ako na karapatan na magalit o makaramdam man lamang ng selos, pero sweetie talaga?!
Dahil sa inis ko ay hindi ko namalayan na napapadiin na pala ang pag-type ko sa keyboard sa laptop. Naiirita ako sa sarili ko dahil nakakaramdam ako ng mga ganitong bagay. Sa simula pa lamang ay pilit ko nang nilagyan ng harang ang sarili ko, pero pa-unti-unti ay napapasok na ni Mikel ang bakod na iyon dahil sa mga mabubuti na bagay na ginagawa niya para sa akin.
"Sweetie, are you okay?" Muli na salita niya kaya lalo na naman ang inis ko. Hindi na ako sumulyap sa kan’ya dahil baka makita pa niya ang inis na reaksyon ko sa mga naririnig ko buhat sa kan’ya, at nakakahiya iyon kapag nangyari.
Napaka-istrikto pa naman ni Mikel sa mga pagtupad sa pinagkasunduan at hinding-hindi ko nakakalimutan ang una niya na kondisyon sa akin na huwag ako mai-inlove sa kan’ya. At iyon ang ginagawa ko dahil ayaw ko na masaktan lalo sa huli kapag nagkataon.
Sakto naman na tumunog ang telepono ko kaya agad ko iyon na kinuha sa bag ko. Nang makita na galing kay Wyatt ang text message ay hindi ko maiwasan na mangiti. Mabuti na lamang at lagi na sumasakto si Wyatt sa mga pagkakataon na kailangan ko siya.
"Hey! Ang higpit ng bantay mo. Ilang araw nang hindi siya abala sa mga meeting niya. I miss you, my friend."
Nagtitipa pa lamang ako ng isasagot kay Wyatt nang may mukha na tumapat sa mukha ko. Namilog ang mga mata ko nang mapagtanto na si Mikel iyon at lapit na lapit na ang mukha niya sa akin. Bigla na kumabog ang dibdib ko at nanginginig ang mga kamay ko na nakahawak sa telepono ko.
"Kanina pa kita kinakausap pero hindi mo ako sinasagot. Simangot na simangot pa ang mukha mo riyan. Tapos ngayon, isang pagtunog lang niyan telepono mo ay ngiting-ngiti ka na?" Nasa tono ng pananalita niya ang pagtatampo. Nababaliw na yata ako kung iniisip ko na nagtatampo siya. Bakit naman? Ano ang dahilan?
"Kinakausap mo ba ako? Pasensya na hindi ko narinig."
"Hindi mo narinig ang sinasabi ko pero ang tunog ng telepono mo ay narinig mo?"
"Natural naman, ang lapit lang ng telepono ko sa akin eh, pero ikaw ay medyo malayo."
"Who’s texting you again, sweetie?"
"Si-, ano? Ano ang sabi mo?" Hindi ko naituloy ang isasagot ko nang marinig ko ang salita na sweetie na iyon ulit buhat sa kan'ya.
"Huwag mo sabihin na hindi mo narinig eh ang lapit-lapit ko na sa’yo." Patuloy na kumakabog ang dibdib ko. Tinawag niya ako na sweetie? Ibig ba sabihin ay ako ang kinakausap niya kanina pa? Sino ang nasa telepono kung gano’n?
"Sweetie?" Wala sa sarili na naibulalas ko.
"Yes, sweetie. Bakit, sino pa ba ang tao rito? Wala nang iba kung hindi tayong dalawa lang, sweetie. Now, answer me, who’s texting you again?"
"Si-"
"Huwag mo na pala sagutin. Sabihin mo sa magaling ko na pinsan to stop texting you if it’s not work related."
"Huh?!" Naguguluhan na tanong ko muli sa kan’ya.
"You heard me. Come on, let’s go. Maaga tayo na lalabas ng opisina ngayon."
"Ha? Uuwi na agad tayo? Pero hindi ko pa tapos ang mga ginagawa ko. Mauna ka na lamang at susunod na lang ako sa bahay."
Ipinatong niya ang dalawang kamay niya sa lamesa ko at muli ay yumuko at inilapit ang kan’yang mukha sa akin. "Sweetie, I said, it’s time to go. Kapag uuwi na ako ay uuwi ka na rin. Kung nasaan ako, ay naro’n ka rin. Understood?"
"Pero hindi pa nga-"
"Ako ang boss, Tamara. At ako rin ang asawa mo. Kapag sinabi ng boss mo na uuwi ka na, for you to spend time with your husband, iyon ang mangyayari."
Mas lalo na nagkakaloko-loko ang takbo ng utak ko. Spend time with my husband? Ano ba ang tumatakbo sa isipan ni Mikel at pinapagulo niya ang sistema ko? Mayro’n ba siya na hindi sinasabi sa akin na dapat namin gawin na pagpapanggap?
"Bakit ba? Saan ba tayo pupunta?"
"Malapit na ang kasal natin, Tamara. At baka nakakalimutan mo, naroon na ang pamilya natin, and we need to show them how much in love we are with each other. We need practice, at iyon ang gagawin natin."
Bigla ang pagkadismaya ko sa narinig ko buhat kay Mikel. Ano pa nga ba ang inaasahan ko? Am I really thinking that he wants to spend time with me? I am being delusional again. Hay naku, Tamara, hindi ang mga lebel ni Mikel ang nanaisin na makasama ka, baka si Wyatt pa, pero ang asawa ko ay sigurado na hindi.
"Sige, mag-aayos na ako." Tipid na sagot ko na lamang upang hindi niya mahalata ang pagkadismaya sa akin. Kailangan ko maging maingat sa lahat ng pagkakataon sa pagpapakita ng emosyon ko kay Mikel. Parang ang bilis pa naman niya na basahin ang mga kilos ko.
Inayos ko na ang ilan sa mga gamit ko at naghanda na sa aming pag-alis. Hindi naman lumayo si Mikel sa lamesa ko at patuloy pa rin na nakatitig sa akin. "Galit ka ba? Is it something that I said?" May bahid ng pag-aalala sa tanong niya sa akin.
"Galit? Bakit naman ako magagalit? Hindi ba at sabi mo ay aalis na tao? Kaya nagliligpit na rin ako para makauwi na tayo."
"Sweetie," Nag-aalangan na tawag niya muli sa akin. “I didn’t mean to offend you sa sinabi ko. It’s just that, kailangan talaga natin sila na mapapaniwala na ang lahat ng ito sa atin ay totoo. Are you mad because of that?"
"Ano ka ba, Mikel? Wala naman problema. Ano ba ang mga pinagsasasabi mo riyan? I’m good to go, okay ka na ba? Let’s go." Tumayo na ako sa kinauupuan ko at binitbit ang bag ko. Nagdiretso ako sa malapit sa pintuan upang hindi makita ni Mikel ang mga emosyon na lumulukob sa akin.
Ano ba ang mayro’n ngayon araw na ito at nagiging paranoid at sensitive ako? Wala naman masama sa sinabi ni Mikel talaga, pero bakit nasasaktan ako? Am I expecting more than what the contract states? Humugot ako ng malalim na hininga saka humakbang muli papalapit sa pintuan pero bago pa man ako makakilos ay mga kamay na ni Mikel na pumipigil sa braso ko ang nagpahinto sa akin. Nang humarap ako sa kan’ya ay nagtagpo ang mga mata namin at pareho kami na naestatwa na lamang.
Everything turned into slow motion. Ang nakikita ko lamang ay kaming dalawa at ang mga mata niya na titig na titig sa mga mata ko. Why am I feeling this way? Bakit bigla ako na nalulunod sa mga pagtitig niya?
"Sweetie." Banggit ni Mikel sa akin habang unti-unti na inilalapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Nanlalaki ang mga mata ko at pigil-pigil ko ang hininga ko. Is he going to kiss me? Pero bakit? Napapikit ako nang hindi inaasahan at parang naghihintay na lamang na dumampi ang labi niya sa labi ko.
"I-I’m sorry, Tamara. Let’s go." Napamulagat ako sa narinig ko at ang sumunod na nakita ko ay ang nagmamadali na si Mikel na papalabas na ng opisina niya.
Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin niya sa mga ikinilos niya. What the heck just happened? Hahalikan ba niya ako? Pero bakit? Ngayon ay mas lalo na gumulo ang isipan ko. Who is more confused between the two of us? Siya ba o ako? Pero isa lang ang nasisiguro ko, ang muntikan na halik na iyon ang mas lalo lamang na nagpagulo sa magulo ko nang pag-iisip.