Chapter 20 - First Wave of Jealousy

1657 Words
"Who are you texting? At bakit pangiti-ngiti ka pa riyan habang nakatutok sa telepono mo? Are you crazy?" Ito ang iritang-irita na tanong ni Mikel sa asawa, sa kunyari na asawa na si Tamara. Naiinis siya dahil simula nang bumiyahe sila papauwi ay wala nang ginawa si Tamara kung hindi ang dumutdot sa telepono niya at may kasama pa na pag ngiti-ngiti. Alam ni Mikel na mayro’n na ka-text ang asawa niya dahil kanina pa ang pagtunog ng telepono kahit na pilit na hinihinaan ang tunog nito. Ang nais niya na malaman ay kung sino ang kausap ng asawa niya at nangingiti pa si Tamara kahit na mag-isa. "Tamara, I am asking you. Bakit hindi ka sumasagot?" Salubong na ang kilay ni Mikel habang patuloy na nakasentro ang atensyon sa pagmamaneho. "Masama ba na ngumiti? At isa pa, hindi naman siguro masama ang mag-text dito sa kotse mo, diba?" May pagkapilosopa pa na sagot ni Tamara sa kan’ya. Napakapit na lamang si Mikel ng mahigpit sa manibela upang mapigilan ang nagbabadya na inis at galit na nais kumawala para sa asawa. "And who are you texting?" muli ay tanong niya kay Tamara. Sinulyapan siya ni Tamara habang salubong ang kilay. Lumingon pa ang babae sa likuran na bahagi ng sasakyan at akala mo ay may sinisipat-sipat doon. "Ano ang hinahanap mo?" muli na tanong ni Mikel. "Tinitingnan ko lang kung may ibang tao ba tayo na kasama sa sasakyan na ito na hindi ko alam. Wala naman kasi sa usapan natin na kailangan ko i-report sa’yo ang mga makaka-text ko kapag tayo lamang na dalawa. Hindi ba at ang usapan natin ay ang pagpapanggap lamang kapag may ibang tao? So, what’s your point of meddling with what I am doing?" mahaba na litanya na naman ni Tamara kay Mikel. Bumuntong-hininga ang lalaki at sasagot na sana ng kan’yang argumento nang muli na magsalita si Tamara, "Oha! English iyon, panis ka ngayon sa kaka-English mo sa akin. Mas mahaba ang sinabi ko na linya kaysa sa’yo." Hindi napigilan ni Mikel ang mapabulalas ng mura, "Fuck." "Hoy! f**k, f**k ka riyan! Baka gusto mo na i-fu–" Bigla naputol ang sasabihin ni Tamara nang mapagtanto niya na mali ang kan’yang masasabi. "Complete the sentence, bu. I’m waiting." Paghahamon ni Mikel sa kan’yang asawa. "I changed my mind. I don’t let dirty words come out of my mouth. Kaya puwede ba, tigil-tigilan mo nga ang kakasabi ng mga ganyan na salita." Paghalukipkip pa ni Tamara at itinuon na lamang ang pansin sa bintana. Gusto na matawa ni Mikel sa asawa niya, pero pinigilan niya na lamang. Mahigit dalawang buwan na rin siguro sila na magkasama ni Tamara sa iisang bahay, pero hanggang ngayon ay hindi niya masakyan ang ugali ng asawa niya. Kadalasan ay natutuwa naman siya rito, pero mas madalas ang naiirita siya at nakukulitan sa babae na ito. Pinipilit naman ni Mikel na maging maayos ang lahat sa pagsasama nila, ngunit kadalasan nga lamang ay hindi niya maintindihan kung paano pakikitunguhan si Tamara. Ibang-iba si Tamara kay Janine, and this is why Mikel is having a hard time adjusting to her. Masyado siya nasanay sa pagka-refined ni Janine at ka-sosyalan kaya nahihirapan siya sa ugali ni Tamara. Mikel doesn’t want to treat Tamara harshly, but most of the time, his patience run thin. Kayang-kaya ubusin ni Tamara ang baon niya na pasensya sa lahat ng pagkakataon. But he is slowly learning to get used to it. At times, he even enjoys her company. Huwag nga lang lalabas ang pagkabungangera at amasona ng babae ay sa tingin naman ni Mikel ay magkakasundo sila ng asawa niya sa loob ng termino ng kanilang kontrata. "I’m sorry." usal ni Mikel kaya muli ay nabaling ang atensyon ni Tamara sa kan’ya. Bilog na bilog ang mga mata nito na nakatunghay sa kan’ya habang nakabukas ang bibig. “I said, I’m sorry for saying those things. And saying harsh words most of the time to you." Patuloy lamang na nakatitig sa kan’ya si Tamara at parang naestatwa na. "Tamara, close your mouth." Nang sabihin ni Mikel iyon ay roon lamang natauhan si Tamara at mabilis na isinara ang bibig. Kitang-kita ni Mikel ang pamumula ng mukha ng asawa niya kaya agad siya na napangiti. "You’re blushing." "Hindi ah! Bakit naman ako magba-blush?" tipid na sagot ni Tamara sa kan’ya. "Sino na nga ang ka-text mo?" muli ay singit ni Mikel na pagtatanong. May hinala na si Mikel kung sino ang kinakausap ni Tamara sa text kaya ayaw nito na sabihin sa kan’ya, pero gano’n pa man ay nais pa rin niya na marinig buhat sa asawa ang totoo. "Wala ka naman siguro na itinatago sa akin na kabit ano?" "Hoy, Mikel, grabe ka naman! Kanina lang may pa-sorry ka pa, tapos ngayon naman ay may pagbibintang ka na." "Then tell me, sino ang ka-text mo?" "Ay, naku! Bakit ba nais mo pa na malaman? Ang tsismoso mo lang din. Personal ko naman ito na buhay, tsaka wala naman tayo na ibang kaharap, kaya huwag mo nang alamin." Gusto na naman mainis ni Mikel. Naiinis siya na kailangan pa isikreto ni Tamara sa kan’ya kung sino ang ka-text nito kaya hindi niya tuloy na mapigilan ang maghinala sa asawa niya. "Gusto ko lang masiguro na hindi mo ako niloloko. May kontrata tayo, Tamara. No other relationships for two years o hangga’t nananatili tayo na kasal. I don’t like cheaters." Mikel knew he sounded bitter, pero ano ang magagawa niya? Hindi niya maiwasan na hindi maghinala. Mikel is having a hard time trusting others. Trusting women, especially after what Janine did to him. Masuwerte pa nga si Tamara at sa kagustuhan ni Mikel na maipakita na naka-move on na siya kay Janine ay napapayag siya nito sa kanilang kasunduan. Yes, he accepted the agreement even without fully trusting Tamara dahil iba ang pakiramdam niya sa babae. He feels that she won’t double-cross him. Sigurado siya roon kaya siya pumayag sa kontrata. Pero iba na ngayon. Iba na ang ihip ng hangin kay Mikel when cheating is concerned. Naranasan na niya iyon at ayaw na niya na maulit. Kahit lokohan lang ang lahat sa kanila ni Tamara, he can’t let her hurt him again in front of their families. Ayaw niya na kaawaan ng malalapit sa kan’ya kapag nalaman ng mga iyon na naloko siya muli. Hindi na sumagot si Tamara kay Mikel hanggang sa makarating sila sa kanilang bahay. Mabilis na bumaba ang babae sa sasakyan at nagdiretso papasok ng bahay. Alam ni Mikel sa sarili niya na nasaktan na naman niya si Tamara sa mga salita niya. Pero nais niya lamang na maging totoo sa nararamdaman niya. Alam ni Tamara ang mga nangyari sa pagitan nila nina Janine at Wyatt, kaya umaasa siya na habang kasal sila ni Tamara ay patuloy na igagalang nito ang relasyon na iyon. Nagulat si Mikel nang mabungaran ang asawa na naghihintay sa kan’ya sa may sala pagkapasok niya sa bahay. Kadalasan kasi kapag naiinis si Tamara sa kan’ya ay diretso na siya sa kuwarto at magkukulong na roon, o kaya naman ay diretso sa kusina upang maghanda ng hapunan at buong magdamag na siya na hindi kikibuin. "Mikel." mahina na tawag sa kan’ya ni Tamara. Tinaasan niya lamang ang babae ng kan’yang kilay at naghintay sa sasabihin nito. "Mikel, I’m sorry. I don’t plan to keep secrets from you. Wala rin ako na plano na magloko habang nasa kasunduan tayo. Iginagalang ko ang kasal na ito at tutuparin ko ang lahat nang napag-usapan natin." Patuloy lamang na nakatitig si Mikel kay Tamara. Hindi naman ang paghingi ng tawad ng asawa niya ang nais ni Mikel. Ang gusto niya ay ang malaman kung sino ang ka-text nito at nagagawa pa niya na ngumiti habang nakaharap sa telepono niya. Ang gusto niya na malaman ay kung sino ang may kakayahan na magpalabas ng tunay na ngiti sa labi ni Tamara. "I know how hurt you’ve been in the past, kaya maniwala ka na hindi ko iyon gagawin kahit na lokohan lang ang lahat ng ito sa atin. Hindi ko iyon magagawa sa’yo at sa mama mo. Tinanggap ninyo ako na parte ng pamilya na ito, at hanggang sa huli ay igagalang ko iyon." Muli pa na paliwanag ni Tamara. Tipid na ngiti lamang ang sagot ni Mikel. He is still waiting for that one name na sabihin ni Tamara. For what? Hindi niya rin alam at hindi niya rin maintindihan. Basta ang alam niya ay nais niya na pangalanan ni Tamara ang ka-text niya para matapos na ang issue na ito sa pagitan nila. Gustong-gusto ni Mikel na muli na itanong sa asawa kung sino ang nagpapangiti sa kan'ya, pero hindi niya alam kung kaya pa niya ulitin iyon dahil ilang beses na niya na nagawa. Ayaw naman niya na isipin ni Tamara na napaka big deal sa kan’ya ng bagay na iyon, kahit na ito naman talaga ang totoo. Big deal para kay Mikel na malaman kung sino ang nagpapasaya kay Tamara. "It’s Wyatt. Si Wyatt ang ka-text ko." Ang tipid na ngiti na kanina ay nakaplaster sa labi ni Mikel ay unti-unti na nawawala. s**t! He had an inkling about it. Alam na niya kanina pa at ang gusto niya lamang ay manggaling mismo kay Tamara ang lahat. Pero bakit na ngayon na alam na niya at kumpirmado na ay bumabangon ang galit sa kan’ya? Ano ang karapatan niya na magalit? Ano ang karapatan niya na mainis? Wala! Dahil ang lahat sa kanila ni Tamara ay pagkukunyari lamang. Pero ang puso niya ay hindi matanggap na kaya ni Wyatt na mapalabas ang mga ngiti na iyon kay Tamara. It should have been him. Siya dapat ang nagpapangiti at nagpapasaya sa asawa niya. Pero bakit nga ba na dapat ay siya? Hindi ba at scripted lamang ang lahat ng ito? If it is scripted, then why does he feel a sudden pang of jealousy about all of this?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD