Hindi mapigilan ang mga ngiti sa labi ni Wyatt. Simula nang ihatid niya si Tamara pabalik sa opisina ng pinsan niya na si Mikel ay wala silang ginawa ng babae kung hindi ang mag-asaran at magbiruan. At masaya siya sa pagkakaibigan na iyon na nabubuo sa pagitan nilang dalawa.
Ibang-iba si Tamara sa mga babae na nakasanayan niya. Ibang-iba kay Janine na kinahumalingan din niya. Pero sa kabila nito ay hindi maipaliwanag ang tuwa niya kapag nakikita at nakakasama niya ang babae na asawa na ngayon ng kan'yang pinsan.
But he lied to her. And he is still lying to her. Dahil hindi totoo ang sinabi niya rito na hindi siya ang tipo niya. Maaari na tama na hindi ang tipo ni Tamara ang type niya sa isang babae, pero sa kabila noon ay iba ang nararamdaman niya para rito. Ang katotohanan ay gusto niya ang babae. Gustong-gusto niya ang asawa ng pinsan niya. And this time, it is for real.
Wyatt likes Tamara for who she is. Hindi kagaya ni Janine na ginusto lamang niya dahil sa pisikal na katangian nito, at bukod pa ro’n ay dahil sa s****l tension that Janine ignited between the two of them. But for Tamara, it is different. He likes her without being sexually intimate to her. Bonus na lamang kung magagawa niya iyon sa babae, pero sa ngayon ay ibang lebel ang pagkagusto niya para rito.
Gusto niya si Tamara. Ang buong pagkatao ng babae ay parang magnet na patuloy na umaakit sa kan’ya. At habang mas nakikilala niya ang asawa ng pinsan niya ay mas lumalalim ang nararamdaman niya para rito. At isa lang ang naiisip ni Wyatt na mangyayari kaya patuloy siya na nakikipaglapit sa babae: ang agawin niya si Tamara sa pinsan niya na si Mikel.
Yes, they may have been on a truce. And yes, he promised to be on a truce with his cousin. But he didn’t promise that he wouldn’t fall for his wife. Dahil sa una pa lang na nakita niya si Tamara ay iba na ang naramdaman niya. And Wyatt doesn’t believe that Mikel could easily fall for someone else, at higit sa lahat sa tipo pa ni Tamara na exact opposite ni Janine.
He knows that maybe, just maybe, Mikel is only using Tamara to get even with him and Janine. At nakukuha na ng pinsan niya ang reaksyon na nais niya na makuha kay Janine dahil kitang-kita ni Wyatt ang galit at selos kay Janine lalo na at kagaya niya iniisip rin nito na hindi niya ka lebel si Tamara.
Kaya ano ang plano ni Wyatt ngayon? Simple lang. Ang kaibiganin si Tamara at kunin ang loob nito at hayaan na mahulog sa kan’ya ang babae. He will do everything to make her fall for him. And fall for him, hard. It’s like hitting two birds with one stone. Makukuha niya ang babae na nais niya at mapapasakitan pa niya ang pinsan niya na si Mikel. He can never let Mikel have everything habang siya ay patuloy na nawawalan. Kaya sisiguraduhin niya na sa huli ay magiging sa kan’ya si Tamara.
Wyatt and Mikel are close cousins. Growing up together makes them the best of friends. Lalo na sa mga problema na pinagdaanan ni Mikel sa sarili na pamilya at lalo pa sa sarili na ama. Pero ang karansanan na iyon na dapat ay mas magbuklod sa relasyon nila na magpinsan ay mas lalo na nagpalayo sa loob ni Wyatt kay Mikel.
He hates Mikel. Wyatt hates Mikel dahil patuloy siya na naikokompara ng sarili na ama sa pinsan. Bakit nga ba hindi? Sa dami ng problema na kinaharap ni Mikel ay umasa ang lahat na magrerebelde siya at sisirain ang sariling buhay. Pero sa kabila ng lahat ng iyon ay mas pinili niya ang maging matatag at lumaban sa hamon.
Mikel did it even without the help of his father. Nagawa ng pinsan niya na itaguyod ang sarili at ang ina na hindi umaasa sa yaman at impluwensiya ng sarili nitong ama na pinili na talikuran ang pamilya at sumama sa ibang babae. At dahil sa mga ginawa na iyon ni Mikel ay patuloy sila na pinagkokompara ng mga sariling magulang ni Wyatt. At ito ang rason kung bakit patuloy ang galit at inis na nararamdaman ni Wyatt para sa sariling pinsan.
Hindi niya matanggap na sa kabila ng lahat ay patuloy na itinataguyod ni Mikel ang sarili at nagawa pa na makapagtayo ng sarili na kumpanya. Mikel is now an established CEO while Wyatt continues to work his ass off para mapunta sa kan'ya ang kumpanya ng ama niya sa hinaharap.
Mikel is a direct opposite of Wyatt's meandering ways. Habang siya ay patuloy na nagliliwaliw at walang balak na magseryoso, si Mikel ay nagawa nang planuhin ang lahat sa kan’yang buhay. And this is his sole reason why he did what he did with Janine. Nang makilala niya si Janine ay totoo na nagkaroon siya ng instant attraction sa babae. She is perfect in all its essence. Maganda, sexy at higit sa lahat liberated. Everything that a man will look for in a woman.
Everything a man like him would look for in a woman, kaya hindi niya maintindihan bakit kay Mikel siya napunta. And once again, Mikel planned everything for his life. Naiplano na niya agad ang buhay nila ni Janine. At iyon ang pinakamalaki na pagkakamali na nagawa ni Mikel sa sarili niya. He thought Janine was it for him, pero dahil liberated ang syota niya, hindi niya inakala na kaya ng babae na tumikim ng ibang putahe. Something that would excite her and ignite her lust even more, at doon pumasok si Wyatt sa eksena.
Wyatt’s charms and s*x appeal captured Janine in an instant. Sa una na pagkakakilala pa lamang nila ay nagbigay na agad ng motibo sa kan’ya ang girlfriend ng pinsan niya. And he even tried to stay away. Sinubukan niya na lumayo dahil alam niya kung gaano ka-importante kay Mikel ang relasyon. Sa kabila ng kagustuhan niya na pasakitan ang pinsan niya ay hindi niya ninais na sirain ang pangarap nito na pamilya.
But fate had other plans for them because, as much as he tried to stay away, she kept pushing him to his limits. And Janine made it all happen. At lalaki lamang si Wyatt na hindi kailanman nanalo sa tukso. At ang isang beses na iyon ay naging paulit-ulit at pareho sila na nalulunod ni Janine sa makasalanan na relasyon at tawag ng laman na iyon. And no one can blame him. Janine is an expert in bed. And as much as he wanted to stay away, he just couldn’t. The pleasure they both have with each other is incomparable to any other he has ever tasted.
Pero ngayon ay hindi na tawag ng laman at pagnanasa lamang ang nasa isip ni Wyatt. Tamara made him realize that he could actually like someone without being intimate at the onset. And he likes whatever he is feeling now. At ngayon ay handa si Wyatt na sirain ang pamilya na binubuo ng pinsan niya para sa nararamdaman niya kay Tamara. He can't let her be with Mikel.
Tumunog ang telepono ni Wyatt kaya nahinto ang pag-iisip niya patungkol kina Tamara at Janine. Agad na sumilay ang ngiti sa labi niya nang mapagtanto kung kanino nanggaling ang mensahe na iyon.
"Hoy, Wyatt! Kinuha ko ang number mo kay Diane, huwag ka magalit sa kan’ya ha. I just wanted to say thank you. Thank you for being my friend. Madalas lang ako na may pagka-amasona pero totoo ako na kaibigan. And don’t take my harsh words seriously all the time, I don’t mean the things I say always."
Sinimulan niya na magtipa ng isasagot na mensahe kay Tamara, pero bago pa niya magawa iyon ay isa pa na text message ang pumasok galing rito.
"Oha, ang galing ko mag-English ano? Kala mo kayo lang ang mga socialite rito? Hindi ah, nagtrabaho rin ako sa high-end restaurant where English speaking is a must at isa pa nakapag-aral naman ako kaya huwag ka mahihiya na kausapin ako ng English."
Hindi na napigilan ni Wyatt ang matawa sa mga kalokohan ni Tamara. And this is why he likes her. She can simply make everything so light and enjoyable. This is the reason why he is really starting to fall for her.
“I know that, baby. I’ll see you tomorrow." Nilagyan pa niya ng winking emoji bago ipinadala ang mensahe kay Tamara.
Ilang segundo pa lamang ang lumipas ay mabilis ang naging sagot ni Tamara. "Baby ka riyan?! Hoy, Wyatt, ayusin mo ang buhay mo. Don’t you dare fall in love with me because I won’t catch you. Instead, I’ll just let you fall hard. On the floor." Ang sagot na iyon ay may kasama pa na laughing emoji buhat kay Tamara.
Napailing na lamang si Wyatt. It’s too late now, Tamara. Too late to warn him, dahil alam ni Wyatt na nahulog na siya kay Tamara at hindi siya makakapayag na hindi siya sasaluhin nito sa huli.