Chapter 18 - A Friend in Him

1660 Words
Marami ang mga naging pagbabago sa mga nakalipas na linggo. Kagaya ng mga pangako ni Mikel sa akin ay nanatili ako na ligtas mula sa kan’yang ama sa piling niya. Hindi na muli na nagkrus ang landas namin ni Leonardo Lucero matapos ang araw na iyon na nagkita kami sa pagtitipon at malaki ang pasasalamat ko kay Mikel dahil doon. Naging maayos din ang lagay ko sa opisina sa kabila ng halos wala rin naman ako na ginagawa rito. Kadalasan nga ay ginugulo ko na lamang si Diane kapag buryong na buryong na ako na mag-isa sa opisina ni Mikel. Sa kabila noon ay wala naman ako na mahihiling pa. Bukod sa pinapasuweldo naman niya ako rito kahit na madalas ay petiks naman ako, ay may libre pa ako na pagkain sa araw-araw. Kaya ano pa ba ang kakailanganin ko? Wala na dahil naibigay na sa akin ang lahat bago ko pa man iyon hilingin. "Peaches, let’s go?" Pagyaya sa akin ni Wyatt habang nakaupo ako sa tabi ni Diane rito sa may lamesa niya. Sabay pa kami na nag-angat ng ulo ni Diane nang marinig ang boses niya at tumingin sa kan’ya. "Saan na naman?" tanong ko. "Saan pa ba tayo madalas na pumupunta? Tinatanong pa ba iyan? Natural sa kainan." Isa pa ito sa mga hindi ko inaasahan na pagbabago sa pagitan nina Mikel at Wyatt. Ngayon ay malaya na nakakalabas-pasok si Wyatt dito sa kumpanya ni Mikel at malaya rin ako na nakakasama sa kan'ya basta narito ako. Hindi ako sigurado kung konektado ito sa narinig ko noon mag-usap sila, pero kung ano pa man ang dahilan ay masaya ako. "Ikaw na naman, Sir Wyatt? Kung hindi lang madalas na nakikita si Mam Tamara na kasabay na pumapasok at umuuwi ni Sir Mikel ay iisipin na nila na ikaw ang asawa eh. Ikaw ang parati na nakabantay rito sa magandang binibini." Makahulugan na turan ni Diane kaya naman ay pinandilatan ko siya ng mga mata ko. "Hoy, Diane, bruhilda ka. Tsismosa ka talaga. Ano ba ang mga pinagsasasabi mo riyan?" "Mam Tamara-" "At ano ang sinabi ko sa’yo sa pagtawag-tawag mo sa akin ng mam?" "Tamara pala. Totoo naman ang sinasabi ko. Ang dami na nga na mga bubuyog dito at lagi nang nagtatanong at nag-iinterbyu sa akin kung ano ba ang mayro’n sa inyo ni Sir Wyatt." "Ganyan talaga ang mga guwapo, Diane, lagi talaga kami na nasa balita. Tsaka, magkaibigan lang kami ni Tamara. Alam mo naman na hindi ganyan ang tipo ko." Malakas na hampas ang inabot sa akin ni Wyatt kaya natatawa na naman siya na binalingan ako. "Amasona talaga, lagi na mapanakit. Tingnan mo nga, Diane, ganyan ba ang magugustuhan ko? Battered best friend na nga ako niyan." "Kapal mo! Anong best friend? Hindi tayo best friend, acquaintance lang tayo." "Halika na nga at ang dami mo na naman na satsat. Diane, kapag hinanap siya sabihin mo ay sa canteen lang kami." Inakbayan pa ako ni Wyatt at iginiya papunta sa elevator kaya walang nagawa si Diane kung hindi ang mapailing na lamang sa amin. Pilit ko na tinatanggal ang kamay niya sa balikat ko pero pilit naman din niya iyon na binabalik. "Ano ka ba? Dikit ka nang dikit, kaya tuloy kung ano-ano na ang balita na lumalabas dito. Lumayo-layo ka nga sa akin." "Napakasungit mo talaga. Hindi kita type dahil ang laki ng kaibahan mo sa mga babae na kinahuhumalingan ko." "Hoy, baka akala mo nakalimutan ko na ang sinabi mo sa akin dati. Ang sabi mo sa akin, you like me." "Hoy ka rin! Kapag sinabi na like sa tingin mo gusto na agad na ibang lebel ang ibig sabihin no'n? Puwede naman iyon ipakahulugan na gusto kita maging kaibigan. Lakas din ng bilib mo sa sarili mo." Hindi na lamang ako sumagot at sumimangot na lamang sa kan’ya. Lagi yata talaga ako na talunan sa pagdidiskusyon sa magpinsan na ito. Ako ang lagi na natatameme kapag hiniritan na ako ng dalawang ito. Nang bumukas ang elevator ay nagmamadali ako na lumabas upang lumakad sa direksyon ng kantina. Mabilis naman na naakbayan pa rin ako ni Wyatt kaya kapansin-pansin ang pagtingin sa amin ng ilan mga empleyado roon. Bubungangaan ko na dapat siya pero bago ko magawa iyon ay isang matinis na boses na ang pumailanlang sa tainga ko. "Wyatt?!" At kitang-kita ko ang salubong na kilay sa akin ni Janine. "Ano ang ginagawa mo rito, Janine? Gusto mo ba na magwala na naman si Mikel kapag nakita ka rito?" "What are you doing here with her?" Mataray na tanong pa niya habang patuloy ako na pinapasadahan ng tingin niya. "What I do with her is none of your business. Ano ang ginagawa mo rito?" Imbes na sagutin si Wyatt ay muli na itinuon sa akin ni Janine ang atensyon niya. Nakataas pa ang kilay niya sa akin habang kitang-kita ang gigil sa kan'yang mga mata para sa akin. "Tingnan mo nga naman. A nobody like you, now plays between the two Luceros. Hindi ka pa nakontento sa asawa mo at ngayon naman ay pati si Wyatt?" Nagpanting ang tainga ko sa narinig ko buhat sa babae na kaharap ko. Ang lakas ng loob niya na paratangan ako samantalang siya ang tumuhog sa magpinsan. "Janine, stop. Alam na alam mo na lalo mo lamang gagalitin si Mikel sa mga ginagawa mo." “Are you siding with her now, Wyatt?" "No. Ang sinasabi ko lang, if you wanted Mikel to forgive you, know your boundaries. Especially when it comes to his wife." "Wife? That title should have been mine." Muli ay nanggigigil siya sa akin pero hindi ako nagpapatinag sa kan’ya. "Tama ka naman. That title should have been yours, kung hindi mo lang sana kinalantari ang pinsan niya." Pareho na namilog ang mga mata nila ni Wyatt sa akin. Pero hindi pa ako tapos sa pagratrat sa kan’ya lalo na at ako ang pinaparatangan niya kanina. "Janine, it seems like, hindi mo alam ang ibig sabihin ng ex kaya ipapaliwanag ko sa’yo para mas maintindihan mo, kasi hindi ka lang pala makati, may pagka sa tanga ka pa. Ex means past. At ikaw iyon at wala nang iba pa. Ako ang present, and that will stay. Ako ang asawa kaya kahit na magngangalngal ka pa riyan ay hinding-hindi mo na makukuha ang titulo na iyon sa akin." "Okay, stop the catfight." Pag-awat ni Wyatt sa amin. "Leave, Janine, bago pa makaabot kay Mikel ang eksena na ginagawa mo rito." Pagkasabi no'n ay hinawakan ako ni Wyatt sa braso at iginiya na papunta sa canteen. Wala naman din ako na balak na gumawa pa ng eksena roon kung hindi lamang ako inumpisahan ng babae na iyon. Siya na nga ang nanloko ay siya pa ang may lakas ng loob na mang-away ng tunay na asawa? Aba, bumaligtad na yata talaga ang mundo. Ang mga nais na kumabit ang sila pa na matapang sa mga totoo na asawa. Wala kaming kibuan ni Wyatt hanggang sa makarating kami sa kantina. Diretso na ako na umupo habang siya ay bumili na ng pagkain. Nakasanayan ko na rin naman ang ganito kapag kasama ko si Wyatt. Hindi rin naman ako mapili kaya kung ano ang bilihin niya ay kinakain ko naman. Pilit ko na pinapakalma ang damdamin ko. Alam ko naman na talagang ginagalit ako ng babae na iyon, pero ayaw ko lang na sa akin niya iparatang ang mga bagay na siya ang gumawa at nagsaya. Aba, masyado naman siya na sinusuwerte kung siya ang nagpakasarap tapos sa akin ang hirap at sisi. "Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis ako na pati ako nadamay sa mga hirit mo kay Janine." Wika ni Wyatt sa akin habang inilalapag sa harapan ko ang hotdog sandwich at fries. "Alam mo, hindi ko na kasalanan kung madamay ka man o hindi. Una sa lahat, damay ka naman na talaga dahil iyon ang totoo." "Fine. But you could have keep that fact to yourself." "Ay! Bakit, sikreto pa ba iyon? Mukhang alam na alam naman ng lahat ng empleyado rito. Gagawa-gawa ka ng kalokohan tapos ngayon ay ikakahiya mo?" Ipinagkrus ko pa ang mga braso ko sa aking harapan habang nakatitig sa kan’ya. "Sino ang may sabi na ikinakahiya ko? Hindi ah! Ang punto ko rito ay dapat hindi mo na pinatulan si Janine." "At ano ang dapat, ang tanggapin ko na lamang ang mga paratang niya sa akin? No way! Siya ang nagpakasarap na tuhugin kayo na magpinsan, tapos ipapasa niya sa akin ang pagiging makati niya. Ka-urat siya!" "Bakit, gusto mo rin ba na matuhog?" May pagkapilyo pa na tanong niya sa akin. "Bugbog gusto mo? Huwag mo nga ako matulad-tulad sa babae na iyon. At isa pa, ano ba kasi na katangahan ang pumasok diyan sa utak mo at ginawa mo ang mga bagay na ginawa mo?" "What? She’s hot." Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi ni Wyatt. Ang mga lalaki yata talaga ay mga manyak by nature. "Manyak ka lang talaga? Granting that she’s hot, alam mo naman na fiancée na siya ng pinsan mo tapos pinatos mo pa? Ano ang nais mo na patunayan?" "Hep! Acquaintance pa lang tayo sabi mo, bakit kung makapagtanong ka sa akin parang matalik na kaibigan na kita ngayon? I’ll tell you soon, when I’m ready." "Hindi kita pipilitin na sabihin ang mga bagay na ayaw mo. Lahat naman tayo ay may kan’ya-kan’ya na mga rason at dahilan at lahat tayo ay may pinagdadaanan. Gusto ko lang din sabihin sa’yo na handa ako na makinig. Hindi man tayo best friends at lagi man kita na binabara ay tunay na kaibigan na ang turing ko sa’yo, Wyatt." Malapad na ngiti ang isinagot niya sa akin. “I like that, Tamara. And soon, we will be best friends." "Siguraduhin mo lang na wala kang pagnanasa sa akin dahil kapag ako ay iniisahan mo lang ay talaga na makakatikim ka sa akin ng sakit na hindi mo pa nararanasan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD