"Ano na, Tamara? Halika na at sumama ka na sa akin para kumain. Nakakalungkot kaya ang mag-isa. Bakit ba kasi ayaw mo? Huwag mo sabihin sa akin na natatakot ka na sa asawa mo?"
Nananahimik ang buhay ko rito sa opisina ni Mikel nang dumating na naman ang makulit na pinsan niya na si Wyatt. At simula kanina pa, pagkapasok pa lang niya ay wala na siyang ginawa kung hindi ang yayain ako na lumabas at kumain. Pinipigilan na nga siya kanina ni Diane na pumasok dito dahil alam nito na magwawala na naman ang amo kapag naabutan si Wyatt dito, pero dahil sa katigasan ng ulo ng lalaki na ito ay wala na lamang nagawa ang sekretarya ng asawa ko.
"Bakit ka ba kasi narito na naman? Hindi ka ba nagsasawa sa kakapunta rito o napapagod man lang?"
"Bakit naman ako magsasawa at mapapagod? Narito ka kaya at hindi ako magsasawa na makasama ka."
"Puwes, ako ay nagsasawa na makita ka!" Pa-ismid ko na sagot sa kan’ya saka itinuon muli ang atensyon ko sa mga dokumento na nasa harapan ko.
"Huwag ka na kasi magpanggap diyan. Sigurado ako na wala naman ipinapagawa sa’yo si Mikel. It’s either nagpapanggap ka lang or sobrang bored ka lang talaga kaya tinititigan at kinakausap mo na ang mga papel sa harapan mo." Muli ako na nagtaas ng tingin kay Wyatt. Kinunutan ko pa siya ng noo ko saka ako humalukipkip. "Ano, tama ba ang hula ko?" muli na tanong niya.
"Mali." tipid na sagot ko.
"Bakit ba ang sungit mo sa akin? Hindi ka ba nalulungkot sa buhay mo na masyado na seryoso? Masaya kaya ako na kasama. Don’t you want to be my friend?" Sunod-sunod na tanong pa niya sa akin kahit na wala na ulit sa kan’ya ang atensyon ko.
"Leave, Wyatt, at huwag ka na magpa-abot pa kay Mikel dito. Ayaw ko na magtalo na naman kayo ng asawa ko sa harapan ko. Wala akong balak na maging referee ninyong dalaya, kaya puwede, umuwi ka na?"
"Tamara, maybe we have started on the wrong foot. Siguro ay panay mga negatibo ang naririnig mo tungkol sa akin, pero bakit hindi mo muna ako bigyan ng pagkakataon para makilala mo ako? You're judging me without even knowing me. Wala akong gagawin na masama sa’yo. I just wanted to be friends with you. Nothing more and nothing less."
"Sa tingin mo ay maniniwala ako sa’yo? Sa tingin mo ay maniniwala ako na pagkakaibigan lang ang pakay mo sa akin? Excuse me lang, Wyatt, I am not that naïve."
"No offense, Tamara, Janine and you are the exact opposite."
"Lekat ka talaga! Ano ang ibig mo sabihin sa sinabi mo ha?" sigaw ko sa kan’ya habang siya naman ay patuloy na nangingiti sa akin dahil nakakuha na siya ng reaksyon sa akin buhat sa sinabi niya.
"Uulitin ko, you are judging me without even knowing me. Kailangan ko rin na ipagtanggol ang sarili ko at kung ano ang pagkaka-intindi mo sa sinabi ko, ‘yon na iyon. Gusto mo pa ba talaga na maging sobrang honest ako sa’yo?"
"Ay, naku, buwisit na lalaki ka! Sapakin kita riyan nang makita mo. Huwag mo nga ako na kinokompara pa sa babae na iyon." Itinaas ko pa ang kamao ko sa kan’ya pero imbes na mainis sa akin ay tinawanan lamang niya ako.
Ito ang malaki na pagkakaiba nila ni Mikel. Kay Wyatt ay kaya ko na maging natural sa bawat kilos at salita ko. Hindi ako nangingimi na ipakita ang totoo na ako. Sa kabilang banda, kay Mikel ay para akong manika na de susi na sumusunod sa anong nais niya. Bawal magwala at bawal magpakatotoo.
But don’t get me wrong. I am very thankful for Mikel. Kung hindi siguro kami nakasal ay hindi ko na alam kung ano ang buhay ko sa ngayon. Pero may mga pagkakataon na gusto ko lang na maging ako. At siguro nga walang masama kung makikipagkaibigan man ako kay Wyatt.
"Alam mo, Tamy, alam ko naman na tsismosa ka eh. Kapag naging magkaibigan tayo, malay mo, maikuwento ko sa’yo ang mga nangyari sa pagitan namin nina Mikel at Janine. Kaya puwede, huwag mo rin muna ako na husgahan?" Bigla na namilog ang mga mata ko sa sinabi niya at bago pa man ako makasalita ay muli na naman na nagsalita si Wyatt. "Uy, na-excite siya! Pero, tsaka na kapag close na close na tayong dalawa."
"Ang lakas din ng tiwala mo sa sarili mo. Sa tingin mo ay papayag ako na makipagkaibigan sa’yo?" Nanghahamon na tanong ko naman sa kan’ya.
Tumayo siya sa kinauupuan niya at lumapit sa lamesa ko. Ipinatong pa niya ang kan’yang dalawang kamay sa ibabaw ng mga dokumento na kanina ko pa pinagpapanggapan na basahin. Yumuko siya ng bahagya sa akin kaya ang mukha niya ay nakatapat sa mukha ko.
"Choice mo naman kung papayag ka o hindi. Nasa sa’yo na iyon kung gusto mo na mapanisan ng laway sa apat na sulok ng silid na ito araw-araw at kung gusto mo rin na lagi nagugutom ay ayos lang sa akin. Baka nga naman diet ka, kasi you're more on the bulky side."
"Hoy! Lalaki ka, talipandas ka! Ano ang ibig mo sabihin ha? Maka-bulky ka, hindi ako mataba."
"Hmm, tama naman. Hindi ka naman nga mataba. Forgive me, then." Iiling-iling pa na sabi niya. "Not as sexy as Janine, though."
"Binubuwisit mo ba talaga ako, ha? Ganyan ba ang gusto na maging kaibigan ko? Pinupulaan at inaasar-asar ang tao na gusto nila na maging kaibigan?" Ayaw ko na mapikon, pero may bahagi ko ang napipikon na sa patuloy niya na pagkokompara sa akin sa Janine na iyon.
"Bakit, magkaibigan ba tayo?" Taas-kilay na tanong pa niya sa akin.
"Bakit ayaw mo na ba? Kanina lang ay ikaw ang pilit nang pilit sa akin, tapos ngayon nag-aarte ka pa?" Dinaan ko na lang sa lakas ng loob ang pagkapahiya na nararamdaman ko. Paano na lang kung sabihin niya na nga na nagbago na ang isip niya at ayaw na pala niya ako na maging kaibigan"
"Friends then." Ngiti pa niya sabay lahad ng kamay sa akin.
"Loko ka talaga! Pakaba ka pa, buwisit." bulong ko na lang habang nakipagkamay na rin sa kan’ya.
"Sabi naman sa’yo, Tamara, sometimes you have to use words to your advantage. Halika na at kumain."
"Hindi ako puwede. Narito si Mikel at kausap lang si Stan, sa susunod na lang."
Bago pa man muli na makahirit sa akin si Wyatt ay bumukas na ang pintuan ng opisina at pumasok si Mikel kasunod si Stan. Pareho sila na nangunot ang noo nang maabutan ang posisyon namin ni Wyatt at ang kamay namin na magkahawak pa.
Mabilis ako na napatayo sa kinauupuan ko at bumitaw kay Wyatt. Siya naman ay nakangiti na humarap kina Mikel at Stan. "Pinsan, mabuti naman at nakabalik ka na agad. Paalis na kami ng asawa mo para kumain, mabuti na lang at naabutan mo pa kami." Sumulyap pa si Wyatt at kumindat sa akin nang sabihin iyon.
"Tamara, sumama ka na kay Stan palabas. We’ll have lunch outside. Susunod na rin ako pagkatapos ko na kausapin ang bisita mo." Seryoso at may diin na utos ni Mikel sa akin.
Ayaw ko man sana na sumunod, pero sa oras na ito ay iyon ang sa tingin ko na mas mabuti na gawin. Kaysa naman ang mapasama na naman ako sa gulo nila na magpinsan ay mas nanaisin ko na lang na sumama kay Stan at kumain. Walang sagot na lumakad ako palapit kay Stan. Sumulyap pa ako kay Wyatt at kumaway sa kan'ya upang magpaalam. Tinugon naman niya iyon ng ngiti.
Sumunod ako kay Stan na lumabas ng pintuan, ngunit hindi ako mapakali. Kaya bilang ako si Tamara na tsismosa ay gumawa ako ng paraan. Nang papasakay na sa elevator ay mabilis ako na nagsalita, "Ay, Stan, may naiwan ako. Susunod na lamang ako."
Hindi ko na siya hinintay pa na makasagot sa akin, tumalikod na ako at bumalik sa direksyon ng opisina ni Mikel. Mabuti na lamang din at wala na si Diane sa lamesa niya. Nang makalapit sa may pintuan ay idinikit ko ang tainga ko roon upang marinig kung ano ang pinag-uusapan nilang dalawa.
"Just know, Wyatt, hindi ko ito ginagawa para sa sarili ko. I’m doing this for my wife, pero oras na may gawin ka na kalokohan ay hindi ako mangingimi na patulan ka na sa pagkakataon na ito."
Wife? Ako ba ang tinutukoy ni Mikel kay Wyatt? Malamang. Sino pa nga ba ang asawa niya kung hindi ako lang naman. Pero ano ba iyon at bakit ako nasali na naman sa magulo na usapan nila?
"Truce then?" sagot ni Wyatt kay Mikel.
Dahil aligaga ako sa pagsulyap kung may tao na paparating ay hindi ko marinig ang ibang pinag-uusapan nila. Putol-putol at bahagi lamang ng kanilang usapan ang bahagya ko na naririnig. Truce? Ibig sabihin ay maayos na sila ngayon? Mabuti naman kung gano'n at hindi na magagalit si Mikel kung makipagkaibigan man ako sa pinsan niya. Hay, salamat naman at maayos na sa kanila ang lahat.
Paalis na sana ako at lalayo na sa pintuan nang pabitaw pa lamang ako sa doorknob ay bigla nang pumihit iyon at bumukas kaya naman diretso ako na bumunggo sa dibdib ng hindi ko malaman kung sino sa pagitan ng asawa ko at sa pinsan niya.
"Tamara! What are you doing?!" Boses ni Mikel ang umalingawngaw sa tainga ko kaya sigurado ako na ang dibdib na naman niya ang hawak ko ngayon.
"Tsismosa talaga." Naiiling na bulong ni Wyatt kahit na narinig ko naman at pangiti-ngiti pa sa akin. Pinandilatan ko na lang siya ng mata ko.
Inangat ko ang ulo ko at malambing na ngiti na lamang ang itinugon sa asawa ko na si Mikel. "Ah, kain na tayo?"