"Ano ang sinabi mo, Mikel? Tama ba ang narinig ko? Ibig mo na sabihin ay umariba na naman ang babaero mo na ama at ngayon ang target naman niya ay ang mismo na asawa mo?" Hindi makapaniwala si Stan sa mga narinig buhat sa kan’yang kaibigan na si Mikel.
Pinatawag ni Mikel ang matalik na kaibigan na si Stan at nasa meeting room sila ngayon upang pag-usapan ang tungkol sa kan’yang ama. Alam ni Mikel na kakailanganin niya ang tulong ni Stan upang masiguro na mailalayo si Tamara sa ama niya na loko-loko at nababaliw na yata talaga.
Napasandal si Mikel sa kan’yang kinauupuan habang patuloy na hinihimas ang noo. "Yeah, iyon na nga. My asshole of a father wants my wife, at kilala mo ang hayop na iyon, wala siyang hindi gagawin makuha lang ang gusto niya. At kaya kita tinawag dito ay upang masiguro natin na hindi makakalapit ang walanghiyang ama ko sa asawa ko. Ayaw ko nang bigyan pa si Tamara ng rason upang patuloy na matakot at mag-alala para sa kapakanan niya. Kailangan ko na protektahan ang asawa ko."
"What the f**k, man?! Ano ang naisip ng tatay mo at pati asawa mo ay gusto niya? Nauubusan na ba siya ng mga babae na nabibingwit? Iyan ba ang rason kaya siya pumunta rito at nais ka na makausap?" muli ay tanong ni Stan.
"Hindi ako sigurado, pero may pakiramdam ako na nagmamanman na siya. Inaalam na niya ang mga bagay-bagay patungkol kay Tamara. f*****g s**t talaga! Sumasakit na ang ulo ko sa mga Lucero na iyan. Una sa ama ko, pangalawa ay si Wyatt na patuloy pa rin na umaali-aligid kay Tamara."
"Baka nakakalimutan mo, bro, isa ka rin na Lucero. So, ano ito? Battle of the Lucero’s over Tamara Ilustre?" Panloloko pa ni Stan sa kaibigan na problemadong-problemado na sa oras na ito.
"As much as I hate it, yeah, I am still a Lucero. Bakit nga ba hindi ko pa naisip na palitan ang apelyido na iyan? At bakit ba riyan pa bumagsak ang nanay ko sa walang-kuwenta na tao na iyan?"
"Ano ang plano mo ngayon?" muli na tanong ni Stan.
Hindi nakasagot si Mikel dahil ang katotohanan ay hindi pa rin niya alam kung ano ang kan’yang gagawin. Ang tangi na naiisip niya ay protektahan lamang ang kan’yang asawa, pero sa kung paano na paraan ay wala pa siya na ideya.
Wala sa sarili na nagpakawala ng malakas na buntong-hininga si Mikel. "Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang plano. Wala pa naman talaga ako na naiisip na plano eh. Ang alam ko lang ay kailangan ko na protektahan ang asawa ko at ilayo siya sa ama ko."
"Kung huwag mo na muna kaya papasukin si Tamara rito sa opisina?" Suhestiyon ng kaibigan niya na si Stan.
Alam ni Mikel na magwawala si Tamara kapag muli niya na ikinulong sa kanilang bahay ang asawa niya. Sigurado siya na hindi papayag ang asawa niya na hindi magtrabaho, pero kapag narito naman siya sa kumpanya niya ay mas malaki ang tsansa na makita siya ng kan'yang ama. Magka gano'n man ang iniisip na lamang ni Mikel ay mas maayos na rin iyon dahil mas mapoprotektahan niya ang babae kung kasama niya ng madalas.
"Ang bagay na iyan ang hindi maaari na maging option at this point. Sigurado ako na kilala mo na ang asawa ko by now, not unless na gusto mo na magtalo kayo at masaktan ka sa bugbog niya, then by all means, ikaw ang magsabi niyan."
"Sinasabi mo ba sa akin ngayon na si Mikel Lucero ay isa nang takusa ngayon?" Muli ay pang-aasar ni Stan, kaya naman ay hindi na napigilan ni Mikel na ibato sa kan’ya ang ilang papel na nasa kan’yang harapan. Patuloy naman na pinagtawanan ni Stan ang kaibigan.
"Hindi ako takusa. Alam mo naman na may pagkabungangera iyan asawa ko, baka gusto mo na rito pa magwala iyon. And besides, we need a better plan than that. A more solid plan."
Pareho sila na natahimik. Alam nilang dalawa na kailangan nila ng plano, pero sa puntong ito ay wala sila na ibang naiisip kung hindi na siguraduhin na lagi na may makakasama si Tamara na isa sa kanila.
"Si Wyatt kaya?" Madidilim na tingin ang ibinato ni Mikel kay Stan nang marinig na banggitin nito ang pangalan ng pinsan niya.
"What?! Gusto mo ba na ako na mismo ang mauna na manakit sa’yo ngayon?" inis na inis na tanong niya.
"Ang ibig ko sabihin ay baka naman sa pagkakataon na ito, puwede natin magamit si Wyatt to our advantage? Tutal naman ay nais niya na mapalapit sa asawa mo."
"Baliw ka ba talaga? Sa lahat ng tao ay si Wyatt pa talaga ang naisip mo?" Unti-unti na naman na rumerehistro ang galit sa mukha ni Mikel.
Simula nang traydurin siya ni Wyatt ay nasira na ang relasyon nila na magpinsan. Aminado si Mikel na dati ay sobra ang lapit nila ng pinsan niya sa isa't-isa. Sanggang-dikit sila sa lahat ng bagay kaya mas lalo na masakit kay Mikel na tanggapin ang katotohanan na pumatol si Wyatt kay Janine kahit na alam na nito na fiancee niya ang babae.
"Alam ko kung ano ang iniisip mo, pero makakatulong sa atin si Wyatt para mabantayan si Tamara."
"Paano siya makakatulong? Baka hindi nga ang ama ko ang magtagumpay, pero ang isa pa na walanghiya na lalaki na iyon ang makaagaw sa asawa ko. Iyon ba ang gusto mo na mangyari?" Nabubuwisit na talaga si Mikel sa mga sinasabi ni Stan ngayon. Alam ng kaibigan niya ang mga nangyari sa buhay niya, kaya hindi niya talaga maintindihan ang rason nito para sabihin na si Wyatt ang makakatulong sa kan’ya para maprotektahan si Tamara.
"Listen, Mikel, hindi natin kaya na pareho na tutukan na lamang si Tamara. Hindi naman sa asawa mo lang iikot ang bawat oras natin dito sa opisina. May mga pagkakataon na hindi mo siya masasamahan at mababantayan, at gano’n din ako. Sino sa tingin mo ang gagawa na magbantay kay Tam kung wala tayo pareho?"
"Bodyguards. Kukuha ako ng mga bodyguards."
"At sa tingin mo ay papayag ang asawa mo sa naisip mo na iyon? Sa tingin mo ay hindi magwawala ang asawa mo kung sasabihin mo na may mga bodyguard na bubuntot sa kan’ya saan man siya pupunta? Ikaw ang magsabi sa akin, tutal mas kilala mo ang bagsik ng asawa mo."
Muli na napasandal si Mikel sa upuan. May punto si Stan, pero kaya ba niya na muli na ipagsapalaran ang relasyon niya? Agad siya na napailing sa kan’yang naisip. Ano nga ba ang pinoproblema niya kung ang lahat naman ng namamagitan sa kanila ni Tamara ay isang kontrata lamang. Pagkatapos ng dalawang taon na palugit nila ay maghihiwalay na rin sila at magiging malaya na sila buhat sa isa’t-isa. Kaya kung gugustuhin man ni Tamara si Wyatt pagdating ng panahon na iyon ay wala na siyang pakialam pa.
Ang tangi na konsiderasyon ni Mikel ay ang sa buhay nila ngayon. Habang asawa niya si Tamara ay sisiguraduhin niya ang kaligtasan ng babae na pinakasalan niya. At may punto si Stan, sa mga oras na ito ang mas mabuti na opsiyon na mayro's sila ay si Wyatt kaysa sa ama niya.
"Miks, sigurado naman din ako na hindi papayag si Tamara na isahan siya ni Wyatt. I mean, amasona ang asawa mo at kayang-kaya niya na ipagtanggol ang sarili niya kay Wyatt. Ang prayoridad natin dito ay ang seguridad ni Tamy. Sigurado naman ako na papanig sa atin si Wyatt oras na malaman niya ang katotohanan sa plano ng ama mo. Galit din naman ang pamilya nila sa tatay mo dahil sa mga kalokohan nito."
Naiiling na lamang si Mikel. Ayaw man niya sa ideya na ito ay wala naman siyang iba na pamimilian. Kahit na kamag-anak niya si Wyatt sa side ng ama niya ay galit din naman ang buong pamilya nito sa tatay niya nang lokohin at ipagpalit sila ng kan’yang ina sa kung kani-kanino na babae lamang.
"Fine. I’ll talk to that asshole. Wala naman nang iba pa na choice, kaya para magampanan ko ang husband duties ko kay Tamara ay papayag na ako sa suhestiyon mo na iyan."