"Tamara, tell me the truth! Tama ba ang mga narinig ko na sinabi mo? Ang ama ko ba at ang matanda na bilyonaryo na sinasabi mo na bumili sa iyo sa pamilya mo ay iisa? Sagutin mo ako!" Kitang-kita ko ang galit sa mga mata ni Mikel kaya naman ay naestatwa na lamang ako sa kintatayuan ko at nanatili na nakatanghod lamang sa kan'ya.
Paano ko nga ba aaminin ang mga bagay na kahit ako mismo ay hindi ko mapaniwalaan? Paano ko ba sasabihin sa isang anak ang mga mali na ginagawa ng kan'yang ama na hindi masisira ang ano man magandang imahe nito para sa ama? Pero mayro'n pa nga ba na natitira na magandang imahe si Mikel sa tatay niya?
"Kinakausap kita, Tamara! Ano ang totoo? Tama ba ako? Iisa ba ang tao na tinutukoy natin? f**k it! Sagot!"
At sa mga oras na ito ay lubha ako na natatakot sa galit na nakikita ko sa mga mata ni Mikel. Ito ang unang beses na nakitaan ko siya ng ganito katindi na emosyon. Ito ang unang pagkakataon na hindi niya na nakokontrol pa ang sarili niya. Mas matindi ang galit na ito na rumerehistro sa kan'ya ngayon kaysa sa mga panahon na nakaharap niya si Wyatt o kahit ang ex niya na si Janine.
"Tamara, I’m waiting! Sagutin mo ang itinatanong ko sa'yo dahil hindi mahirap ang sagot. Just answer me with a yes or a no!" Muli ay sigaw niya sa akin habang ang mga mata ay nanlilisik pa rin sa galit.
Kanino ba ang galit na iyon? Sa akin ba? Ito na ba ang kinatatakutan ko na mangyari? Napaatras ako ng bahagya dahil sa gulat at takot ko. Alam ko na nakita ni Mikel ang pagrehistro ng emosyon na iyon sa mukha ko dahil ipinikit niya ang kan’yang mga mata at humugot ng malalim na buntong-hininga. Nanatili siya na nakapikit ng ilang segundo habang kinakalma ang kan'yang sarili. Ako naman ay patuloy lamang din na nakatingin sa kan’ya.
Nang magdilat siya ng mga mata ay muli niya ako na binalingan. "Tamara, I need to know the truth. Sumagot ka naman, please. Ngayon ko kailangan ang pagkabungangera at maingay mo. Hindi ko kailangan ng katahimikan mo ngayon dahil ang kailangan ko ay ang malaman ang buong katotohanan. Ngayon, uulitin ko ang tanong ko sa'yo, ang ama ko ba na si Leonardo Lucero ang sinasabi mo na matanda na bilyonaryo na bumili sa’yo?"
Kahit na pilit ko na gusto na ibuka ang bibig ko upang tugunin ang mga katanungan ni Mikel ay hindi ko magawa. Nanatili ako na walang kibo at naramdaman ko na lamang ang paglapit niya sa akin at paghawak sa aking mga braso. Sa dismaydo na boses ay sinubukan niya ako muli na kausapin. "Tamara, sorry kung nasigawan kita. Hindi ko sinasadya iyon at hindi ako galit. I mean, hindi ako sa’yo nagagalit. Pero kailangan mo na sabihin sa akin ang katotohanan tungkol sa bagay na ito. I need to know so that I can protect you. Kapag patuloy mo na itinago sa akin ang tungkol dito, hindi ko alam kung paano kita mapoprotektahan laban sa kan’ya. I know my father so well, Tamara. He won’t stop to get you. Hindi siya titigil hangga’t hindi niya nakukuha ang gusto niya. At kung ikaw ang gusto niya ay mas lalo na kailangan ko siya na mapigilan sa mga masasama na balak niya."
Nang marinig ko ang mga salita na iyon ay tumulo na lamang ang mga luha ko. Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan namin ni Mikel ay handa siya na protektahan ako laban sa ama niya, kahit na sabihin pa na hindi niya talaga ako responsibilidad. Kaibahan ito sa inaasahan ko na magiging reaksyon niya kapag nalaman niya ang totoo.
"Tamara." Muli ay tawag niya sa akin, ngunit sa mahina at kalmado na tono na ngayon.
Tumaas-baba ang ulo ko bilang tugon ko sa kan’ya. "O-oo. Ang bilyonaryo na pinagbentahan sa akin ni Chad ay ang iyong ama, si Leonardo Lucero."
"f**k it! Tang-inang matanda talaga iyon!" Walang kagatol-gatol na mura pa ni Mikel. Muli ako na napaatras dahil sa gulat sa bigla niya na pagmumura. "What’s his plan, Tamara?"
"Hi-hindi ko alam. Iyon din ang dahilan kung bakit ko tinawagan si Chad. Gusto ko malaman kung ano pa ang mga plano ni Leonardo sa akin, pero wala naman detalye pa na naibigay si Chad. Ang sabi niya lang ay hindi pa rin umaatras ang ama mo sa plano niya. Nakapagbayad na siya kay Chad para sa akin, at hindi na niya iyon ipinapabalik pa sa kapatid ko. Iisa lang ang ibig sabihin noon, may balak pa rin siya na asawahin ako sa kabila ng kaalaman niya na asawa mo na ako."
Napahimas sa kan’yang sentido si Mikel. "s**t! Ito ang rason niya. Ito ang dahilan niya kung bakit siya nagpunta sa opisina ko. Nais ka niya na makuha at unti-unti na siya na gumagawa ng mga plano para maisakatuparan iyon."
"Natatakot ako, Mikel, natatakot ako para sa buhay ko. Umalis ako at tumakas papunta sa Mindoro para takbuhan ang matanda na iyon, pero sa kung anong paglalaro ng tadhana ay inilapit pa niya ako sa tao na iyon. And worst of all, sa anak pa niya ako naikasal. Mas lalo lamang ako na napalapit sa tao na tinatakbuhan ko, at hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko. Ayaw ko na mapunta sa kan’ya, Mikel, ayaw ko na maging asawa niya."
Patuloy ang paghagulgol ko dahil sa pagkakataon na ito doble ang takot na nararamdaman ko. Napakamalas lang talaga na kung sino pa ang nilalayuan mo ay ro’n ka pa pilit na inilalapit.
Muli na humakbang si Mikel papunta sa akin. At sa paglapit niya na iyon sa akin ay ginawa niya ang isang bagay na hindi ko akalain na gagawin niya. Hinapit niya ako papalapit sa kan’ya at ikinulong niya ako sa mga bisig niya. Nanigas ako at hindi nakagalaw, ngunit naramdaman ko ang masuyo na paghagod niya sa aking ulo habang isinandal pa niya iyon sa kan’yang dibdib.
"I am here, Tamara. Hindi mo kailangan na matakot dahil poprotektahan kita. You are my responsibility at gagawin ko ang lahat upang masiguro na hinding-hindi ka makakanti ng ama ko. Hindi mo kailangan na matakot dahil habang nasa poder kita, habang nasa sa iyo ang titulo bilang asawa ko ay patuloy kita na poprotektahan."
"Paano kung pati ikaw ay madamay sa gulo? Hindi ko gugustuhin na pati ang problema ko ay maging problema mo, Mikel."
"It’s too late for that, sweetheart. Nang araw na maikasal tayo, lahat ng problema mo ay naging parte ko na rin. Hindi ka na nag-iisa, Tamara. Hindi man natin pareho na ginusto ang kinahantungan natin, kailangan natin na magtulungan ngayon. Dalawa na tayo sa pagharap sa mga problema. It's no longer just you here, it is already us. And believe me when I say that I will protect you at all cost. Hinding-hindi ka niya malalapitan ulit. You’ve got me."
"I’m sorry, Mikel. Sorry kung hindi ko agad nasabi sa’yo noon nakaraan. Masyado rin ako na nagulat sa kaalaman na ama mo siya. Hindi ko gusto na magsinungaling sa’yo."
"Alam ko. Kaya nga pulit-ulit kita na tinatanong dahil kahit na hindi mo sabihin ay nararamdaman ko ang tensyon at pagkabalisa mo simula nang makilala mo ang walang kuwenta na ama ko. At mas lalo na tumibay ang hinala ko dahil pa sa pagkakaibigan na mayro’n sila ng kapatid mo. And I’m sorry that it has to be you. I’m sorry that you have to fall victim and be a prey of my father’s craziness and foolishness."
Nanatili kami sa ganoon na posisyon. Walang salita pero sa kabila ng katahimikan ay nagkakaintindihan kami. Kahit na nananatili ang takot sa puso ko ay may bahagi ko na lubos na nagtitiwala sa mga salita ni Mikel. Ilan beses na rin niya na napatunayan sa akin na kaya niya ako na protektahan. At kahit paano ay nagagalak ako na sa kabila ng katotohanan na kasunduan lamang ang lahat ng ito sa pagitan namin ay naninindigan siya sa akin bilang asawa ko. It is no longer just me now, it is us. Because now I have him. I have my husband by my side.