Chapter 14.1 - First Day Low?

1359 Words
"Saan ka nanggaling, Tamara, at hindi mo man lamang naisipan na mag-text o mag-iwan ng mensahe kay Diane?" Kung inaakala ko na nakaligtas na ako sa sermon ng asawa ko ay nagkakamali ako. Habang nagmamaneho siya pauwi ay ito na nga at nagsimula na naman ang kan’yang machine gun na pagratrat sa akin. "Paulit-ulit tayo, Mikel. Hindi ba at nabanggit ko na kanina, nasabi na rin ni Diane, kumain lamang kami ng tanghalian sa katabing building ni Wyatt." "Sinabihan ko si Diane na bumili ng pagkain natin dahil inaasahan ko na sabay tayo na kakain. And guess what? Pagbalik ko sa opisina ay walang asawa na naghihintay sa akin. And you know what else? Kumain ako na mag-isa dahil ang asawa ko na dapat ay kasabay ko ay mas pinili na sumabay sa iba." Nakokonsensya rin ako lalo na at nalaman ko buhat kay Diane na kaya rin nagalit si Mikel ay dahil inaasahan niya na sabay kami na magtatanghalian. Pero hindi ko naman alam ang balak niya, at isa pa ay nagutom na ako. "I said I’m sorry. Hindi ko naman alam na plano mo pala na magkasabay tayo na kakain. Malay ko ba kung aabutin ka ng siyam-siyam sa miting na iyon? Gutom na rin kaya ako." "Niyaya ka lang ni Wyatt na kumain ay nakalimutan mo na agad na magpanggap bilang asawa ko. Hindi mo man lamang nga nakuha na magsabi kay Diane para hindi kami parang tanga na naghahanap sa’yo." Dismayado pa niya na dagdag. "Sobra ka naman para sabihin na nakalimutan ko na ang usapan natin. Hindi ko nakakalimutan ang kontrata. Hindi ba puwede na gutom lang ako?" "You stay away from Wyatt, Tamara." "Inuutusan mo ba ako?" "Isipin mo ang gusto mo na isipin, basta iwasan mo si Wyatt. He’s bad news." At sa muli ay umiral na naman ang pagka-diktador ng asawa ko kuno. Naiiling na lamang ako na humarap sa bintana dahil ayaw ko nang makipagtalo pa sa kan’ya. Oo na at aminado na ako na ngayon araw na ito ay may mali ako, pero sapat ba iyon na dahilan upang manduhan niya ako sa kung sino ang dapat at hindi ko dapat na pakisamahan? Tumunog ang telepono ko bilang hudyat ng isang mensahe na pumasok. Nang makita na kay Chad galing iyon ay binuksan ko na at binasa agad. "Magaling, Tamara. Sobra pa sa inaasahan ang ipinadala mo. Mabilis ka naman pala na kausap. Tingnan mo nga naman ang nagagawa ng may asawa na milyonaryo. Sabihin mo sa asawa mo sa uulitin. Sigurado naman ako na sa kan’ya galing ang pera at kung ganyan nang ganyan ang gagawin niya ay may posibilidad na magkasundo kami." Wala akong balak na sagutin ang mensahe na iyon kaya itatago ko na sana ang telepono muli sa bag ko nang tumunog iyon at isang mensahe na naman galing kay Chad ang dumating. "Dahil mabait ka at nagpadala ka ng sustento na higit sa nararapat ay magiging mabuti ako na kapatid sa’yo ngayon. Binabalaan na kita, Tamara. Hindi pa sumusuko si Leonardo sa’yo. Hindi ko pa alam ang mga susunod niya na plano, pero ang alam ko lang ay ikaw pa rin ang nais niya na maging ina ng anak niya. Gusto pa rin niya na ikaw ang magluwal ng magiging tagapagmana niya. At gagawin ni Leonardo ang lahat lalo pa at hindi na niya binabawi sa akin ang paunang bayad. Be a good sister to me, Tamara, at makakaasa ka na ipapaalam ko sa’yo ang lahat ng mga plano niya." Nanginginig ang mga kamay ko nang mabasa ang mensahe na iyon. Hindi titigil si Leonardo sa paghahabol sa akin at hindi ako sigurado kung hanggang kailan ako tutulungan ni Chad. Malamang hangga’t may malaking halaga siya na nahuhuthot sa akin, pero hanggang kailan ako papayag na gamitin niya iyon para patuloy na umasa sa pera ni Mikel? "What’s the problem, Tamara?" Boses ni Mikel ang bumasag sa katahimikan sa loob ng sasakyan. "W-wala." "Sigurado ka na wala? Bakit namumutla ka riyan?" Pasulyap-sulyap pa siya sa akin habang patuloy na nagmamaneho. "Wala. Nahilo lang ako sa pagbabasa sa cellphone ko. Ayos lang ako." Sumandal ako at ipinikit ang aking mga mata upang hindi na niya ako kulitin pa sa mga tanong niya. Patuloy ang kaba na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat ko na gawin sa pagkakataon na ito. Natatakot ako na makuha ako ni Leonardo. Hindi ko kaya isipin na mapupunta ako sa matandang iyon, pero ang tangi ko lang na pagpipilian ay ang umamin kay Mikel sa katotohanan. Handa na nga ba ako sa maaari na maging reaksyon niya kung gano'n? "Hey, bu, we’re here." Paghimas ni Mikel sa aking ulo ang gumising sa akin. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa aking pag-iisip. "Ayos ka lang ba?" "Ayos lang." Mabilis ako na kumilos at bumaba ng sasakyan. Pagkapasok ng bahay ay agad ako na dumiretso sa aking silid. Gulong-gulo ang isip ko. Kinuha ko ang telepono ko at muli na binalik-balikan ang mensahe ni Chad. Kailangan ko na masigurado na nasa panig ko ang kapatid ko ngayon. Tiyak na may kapalit iyon pero wala naman ako na ibang pagpipilian. I-dinial ko ang numero ni Chad. Wala man kasiguraduhan ay kailangan ko siya ngayon. Ilang ring pa ang lumipas bago niya naisipan na sagutin ang tawag. "Tamara, isang himala na ikaw mismo ang tumatawag sa akin. Ano ang kailangan mo? Huwag mo sabihin na manggagalaiti ka naman sa akin, nagpasalamat na ako sa pinadala mo na pera." "Chad, iyon text mo kanina, ano ang ibig sabihin no’n?" nag-aalangan na tanong ko sa kan’ya. "Ano pa ba ang ibig sabihin no'n? Matindi ang tama sa’yo ng matanda at matindi ang kagustuhan ng father-in-law mo na makuha ka, hindi bilang asawa ng kan’yang anak kung hindi bilang asawa niya mismo." "Ano? Kasalanan mo ito, Chad! Ano ba kasi ang pumasok sa isip mo at pumayag ka na maikasal ako sa kan’ya?" "Aba, Tamara, gusto mo na naman ba na magsumbatan tayo? Baka nakakalimutan mo ang mga naging paghihirap ko no’n maliit ka pa. Noon mga panahon na ako pa lamang ang katulong ng mga magulang natin sa pagkayod para mabuhay ka, kaya huwag mo ako sisihin na ginusto ko na maikasal ka sa matanda na iyon para masigurado na gaganda ang buhay mo. Ikaw lamang din ang iniisip ko." Nairolyo ko ang mata ko sa kasinungalingan na sinsabi ni Chad sa akin. Buhay ko nga ba o buhay nila ang iniisip niya? Pero hindi ito ang pagkakataon na magtalo kami dahil kailangan ko masigurado na maibibigay niya sa akin ang lahat ng mga plano ni Leonardo. "Kasal na ako, Chad, at kung ano man ang plano niya ay tigilan na niya. Wala nang magbabago sa katotohanan na iyon." "Sa tingin mo ba ay gano’n kadali na susuko ang matanda na iyon? Kayang-kaya niya na magpa-ikot ng mga tao sa palad niya gamit ang pera niya." "Kailangan mo ako na tulungan, Chad." Kahit na ayaw ko na umasa kay Chad ngayon ay siya lamang ang sigurado ako na makakatulong sa akin. "Mahirap ang gusto mo, Tamara. Delikado na tao si Leonardo, at hindi gano’n ko na lamang na ilalagay ang buhay ko sa alanganin. Pero kung magkakasundo tayo sa sustento na ibibigay mo ay bibigyan kita ng mga impormasyon sa mga plano niya." Bumangon ang galit sa akin. Nakalimot ako sa pakay ko kay Chad at sumigaw sa kan’ya. "Hindi niya ako maaari na makuha, Chad! Kasal na ako. Hindi na niya mababago ang katotohanan na kasal na ako sa anak niya! Kaya sabihin mo kay Leonardo na tumigil na siya dahil asawa ko na ang anak niya!" Agad ko na pinutol ang tawag pagkatapos ng hindi inaasahan na bugso ng damdamin ko. Humugot pa ako ng malalim na hininga at humarap sa pintuan. At tumigil ang paghinga ko nang paglingon ko ay ang mga nagtatanong na mata ni Mikel ang sumalubong sa akin. "It was my father?! Ang sinasabi mo na matandang bilyonaryo na bumili sa’yo sa kapatid mo at ang nais na buntisin ka ay walang iba kung hindi ang ama ko na si Leonardo Lucero? What the f**k?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD