Pinagtatawanan ako ni Wyatt habang madaling-madali ako na naglalakad pabalik sa opisina ni Mikel. Kanina nang sagutin ko ang tawag at marinig ang nanggigigil niya na naman na boses ay naiirita na naman ako sa asawa ko. Makapagtanong kung nasaan ako, hindi man lamang inisip kung anong oras na at baka nagugutom na ang asawa niya. Pero kanina iyon. Ngayon na pabalik na kami ni Wyatt ay dumadagundong ang puso ko sa kaba. First day na first day ko ay sermon yata ang aabutin ko sa amo ko na asawa ko.
"Hey, bagalan mo nga at baka madapa ka. Hindi ko akalain na sa pagiging mukhang amasona mo na iyan sa katarayan ay takot na takot ka pala sa asawa mo."
Mabilis ako na huminto sa paglalakad at humarap sa kan’ya kaya naman kamuntikan pa niya ako na mabunggo kung hindi niya lang ako agad na nakapitan sa mga braso. Lapit na lapit kami sa isa’t-isa kaya naman nanlaki at namilog ang mga mata ko.
"Hoy!" sigaw ko. Itinulak ko pa siya sa kan’yang dibdib upang makaatras ako ng bahagya at mabigyan kami ng distansya sa isa’t-isa.
"Anong hoy? Ikaw ang huminto bigla riyan. Mabuti na nga lang at nakapitan kita, kung hindi ay baka bumagsak ka pa."
"Hoy! Hindi ako takot sa asawa ko. Ayaw ko lamang na unang araw ko sa trabaho ay ma-issue ako sa ibang empleyado."
Napapailing naman siya at halata na hindi naniniwala sa mga sinasabi ko. "Yaan mo, kapag tinanggal ka ni Mikel sa trabaho, kukunin kita bilang sekretarya ko."
"Akala mo naman ay nagtatrabaho ka talaga. Asa ka na tatanggapin ko iyon."
"Gusto mo ba na makipagsagutan na lamang sa akin dito o magmamadali tayo pabalik sa opisina ng asawa mo na baka umuusok na ang tainga ngayon sa galit?" Nang rumehistro sa akin ang sinabi ni Wyatt ay agad ko siya na tinalikuran at nagmamadali na muli na naglakad pabalik sa direksyon ng opisina ni Mikel.
Sa elevator ay hindi matigil-tigil ang pagngisi ni Wyatt sa akin. "Baliw ka ba talaga? Ano ba ang nakakatawa at panay ang ngisi mo riyan? At isa pa, saan ka ba pupunta at sunod ka nang sunod sa akin?"
"Natutuwa lang ako makita na natataranta ka ng dahil sa asawa mo. Tapos sasabihin mo na hindi ka takot sa kan'ya."
"Ang kulit mo lang din. Hindi ako takot. Period. Huwag ka na nga sumunod sa akin dahil alam ko naman na ang pabalik doon."
Hindi na niya napigilan at bumunghalit na lamang siya ng tawa sa akin. "Sa tingin mo ba ay sinusundan kita? Confidence level ka rin pala. Sorry, peaches, hindi kita sinusundan dahil kailangan ko talaga na makausap ang asawa mo." Nag-init ang pakiramdam ko nang mapahiya ako. Ay naku, Tamara! Asumera ka na naman!
"Whatever." Humalukipkip ako at hindi na muli na nagsalita pa.
Nang bumukas ang pintuan ng elevator sa palapag ng opisina ni Mikel ay agad na sinalubong kami ni Diane. "Ms. Tamara, saan ka nanggaling? Nagwawala na si Sir Mikel sa kakahanap sa’yo."
"Don’t worry, Diane, ako naman ang kasama niya. Sinamahan ko lang siya na kumain dahil mukhang matatagalan si Mikel sa miting kanina." singit ni Wyatt bago pa ako makasagot.
"Iyon na nga, Sir Wyatt, ikaw ang kasama, kaya mas lalo na mainit ang ulo." Bahagya pa na nakasimangot si Diane na malamang ay nasermonan dahil sa kagagawan ko. "Pasok ka na, mam, kasi baka mamaya ay lumabas na naman at magwala na naman dito. Mabuti nga at napigilan ni Sir Stan kanina."
"Lets go, Tamy." Pagyaya ni Wyatt sa akin na hinawakan pa ang kamay ko at hinila ako sa direksyon ng opisina ni Mikel.
"Sir Wyatt!" sigaw ni Diane.
"Don’t worry, Diane." Kumindat pa siya kay Diane at binuksan ang pintuan ng opisina na hindi man lamang kumatok.
Matatalim na titig ni Mikel ang sumalubong sa amin pagkabukas ng pintuan. Bumaba pa ang tingin niya sa kamay ni Wyatt na nakahawak sa kamay ko.
"What the f**k!?" Mabilis na tumayo mula sa pagkaka-upo si Mikel at lumakad sa direksyon namin.
"Galit ka na naman, pinsan!" Agad ako na binitiwan ni Wyatt bago pa kami maabot ni Mikel. "Oh, binitiwan ko na. Inalalayan ko lang, ang init agad ng ulo mo."
Hinawakan ako ni Mikel sa kamay at hinatak palapit sa kan’ya at tumitig muli ng masama sa kan’yang pinsan. "Stay the f**k away, Wyatt!"
"Parang hindi ka naman ganito ka-possessive kay Janine noon. Ano ang nagbago at masyado ka naman yata ngayon na over-protective sa asawa mo?"
"I am just protecting what’s mine, lalo na at umaali-aligid ka na naman. Alam na alam ko ang mga galawan mo."
Sarkastiko lamang na ngumiti si Wyatt at dumiretso sa upuan sa opisina ni Mikel. Muli ako na binalingan ng asawa ko at sa mahina na boses ay nagsalita. "Saan ka nanggaling? Hindi pa tayo tapos. We will talk about this later." Hinila niya ako at hinatid sa may puwesto ko at muli niya na hinarap si Wyatt. "Ano pa ang ginagawa mo rito? Umalis ka na."
Nagkibit-balikat lang naman ang kan’yang pinsan at hindi na sumagot pa. Nanatili ang mga mata ni Wyatt na nakatuon sa akin habang ang mga makahulugan na ngiti ay hindi pa rin naaalis sa kan’yang labi.
"Will you stop smiling at my wife?" Maangas na banta ni Mikel kay Wyatt.
"What? This is my nature, Mikel, and you know that. Ano ang magagawa ko kung masayahin talaga ako at hindi katulad mo na bugnutin at lagi na nakasimangot? And besides, I like looking at your wife, she’s a breath of fresh air. Hanggang ngayon nga ay hindi ko alam kung ano ang nakita niya sa’yo at nagpakasal siya sa gaya mo. Mukhang magkaibang-magkaiba ang personalidad ninyong dalawa. Hihintayin ko nga kung sino sa inyo ang una na susuko."
"Don’t push my buttons again, Wyatt. Sinasabi ko sa’yo na hindi ako mangingimi na patulan ka ngayon din."
"Easy, pinsan. Huwag ka masyado na mainit ang ulo at baka tumanda ka agad niyan at maisipan ka ipagpalit ng asawa mo."
Nagpapalipat-lipat lamang ang tingin ko sa magpinsan na muli ay parang nagkakainitan na. Hindi ko tuloy alam kung si Janine lang ba talaga ang puno’t-dulo ng gulo nila o may mas malalim pa na dahilan ang lahat ng ito.
"Ano ba ang ginagawa mo rito? Talaga ba na ang kapal pa talaga ng pagmumukha mo na pumunta rito sa opisina ko?"
Sarkastiko muli na ngumiti si Wyatt, "Ako ang ipinadala ni papa para tumulong sa project with your company. Ipinagpaalam niya iyon kay Tita Marlene at pumayag ang mama mo. Ano ang kasalanan ko ngayon? And besides, it’s a good thing, dahil narito pala si Tamara. May utang pa kasi sa akin ang asawa mo."
Galit na lumapit si Mikel kay Wyatt kaya naman napatayo rin ako mula sa aking pagkakaupo. "At kailan ka pa naging interesado na tumulong sa kumpanya ninyo? You don’t get serious with work, kaya ano ang naisipan mo at bigla-bigla na pumapayag ka sa gusto ng ama mo?"
"An honest question needs an honest answer, right? Kaya ibibigay ko sa’yo ang katotohanan. It’s because of your wife. Hindi ko naman din iniisip na narito siya, kung hindi lang nabanggit ng mama mo na magtatrabaho siya rito at iyon din ang dahilan kung bakit mabilis ako na nagdesisyon na sumunod kay papa ngayon. Maniningil pa rin ako ng utang sa akin ng asawa mo." Mahabang paliwanag pa niya sabay kindat sa akin.
Napasinghap ako sa kabaliwan ni Wyatt. Balak pa ako na isama sa gulo nila ng pinsan niya. Walanghiya talaga ang lalaki na ito! Ginagamit pa ako upang lalo na galitin si Mikel.
"Stay away from my wife. At ano ang utang na sinasabi mo?"
"That’s between Tamara and I."
"Sapak, gusto mo? Stay away from my wife dahil sa susunod na lumapit ka sa kan’ya, babangasan ko na talaga ang pagmumukha mo. Now, leave, Wyatt, habang may natitira pa ako na pasensya sa’yo."
"You can’t make me stay away from her forever, Mikel. One way or another, you will f**k-up big time again and your wife will come running to me for help."
"Leave, asshole!"
Gulong-gulo ang mundo ko na naman. Bakit naman ako na ngayon ang pinagtatalunan ng magpinsan na ito? Noon isang araw lang ay si Janine, ngayon ay ako na?
Tumayo si Wyatt at ngumisi sa akin. "See you another time, peaches."
Tipid na ngiti lamang ang naitugon ko habang papalabas si Wyatt ng opisina ni Mikel. Nang makalabas siya ay pinandilatan naman ako ni Mikel kaya wala na akong nagawa kung hindi ang yumuko na lamang at bumalik sa pagkakaupo. Patuloy ko na nirorolyo ang mga mata ko habang nagpapanggap na nagbabasa ng ilang dokumento sa aking harapan. Ito ba ang araw-araw na susuungin ko? Ang pagbabangayan na parang aso’t pusa ng magpinsan na ito? Wala akong plano na maging referee nilang dalawa.
"Peaches, really?"