Chapter 13.1 - First Day High

1461 Words
Kung kanina ay ako ang busangot na busangot, ngayon naman ay nagkapalit na kami ng asawa ko. Simula nang malaman niya ang pagpunta ni Wyatt dito ay hindi na maipinta pa ang pagmumukha ni Mikel. Hanggang sa tawagin siya ng kan’yang sekretarya upang harapin ang mga bisita na dumating ay mainit pa rin ang ulo niya. Sa totoo lang ay naguguluhan din ako kung alam ba ng ina ni Mikel ang nangyari sa pagitan nina Wyatt at Janine. Hindi naman na rin kasi ako nagtanong pa kay Mikel ng tungkol sa ex-fiancee niya maliban sa kung ano ang mga narinig ko na pinagtalunan nilang tatlo no’n kaharap nila ako. Kasi kung alam iyon ng ina ni Mikel, dapat ay hindi na niya ipinaglalapit pa ang dalawa na mukhang lagi na lang na magsasabong kapag nagkakaharap. Humugot ako ng malalim na hininga habang ang aking mga mata ay inililibot ko sa opisina ni Mikel. Wala rin naman ito na ipinagbago sa sitwasyon ko sa bahay. Mukhang mapapanisan pa rin ako ng laway rito, ang kaibahan nga lamang ay ibang gamit naman ang makakausap ko rito. Hindi ko mapigilan ang mainis na naman. Bakit ba kasi lagi na lang ipinipilit ni Mikel ang gusto niya? Gano’n ba talaga siya na lagi naka-mando? Kung ganyan siya ay hindi na ako magtataka kung bakit siya niloko ng ex niya sa pinsan niya. Malaki talaga ang pagkakaiba nina Mikel at Wyatt. Kung ako rin ang tatanungin ay parang mas mabilis na makagaangan ng loob ang pinsan ni Mikel kaysa sa kan’ya. "And you’re here. Where’s the husband?" And speaking of the hot devil, este the devil lang pala. Nirolyohan ko siya ng aking mata at muli ay natawa siya sa ikinilos ko. "Bakit ka mag-isa rito? Kinulong ka ba ng asawa mo rito?" "Sus, maka-issue ka lang! May nakakulong ba na maganda pa rin na gaya ko? May nakakulong ba na sa opisina pa ikukulong kung saan marami ang tao? Para sabihin ko sa’yo narito ako para magtrabaho." "Talaga? Ano naman ang tinatrabaho mo sa pinsan ko?" "Bastos ka!" Pagputol ko sa kan’ya na ikinatawa naman niya. "I mean, ano ang tinatrabaho mo rito sa opisina ng pinsan ko?" "I am his secretary." "Oh! Sexytary then." "Bingi ka ba? Ang sabi ko-" "Yeah, yeah, whatever, Ms. Sexy." "Aba’t!" Ipinagkrus ko ang mga braso ko sa dibdib ko at nag-aapuhap ng sasabihin sa kan’ya, pero dinadaan niya ako sa kan’yang malalambing na ngiti at mapupungay na mga mata kaya naman patuloy ako na naba-blangko at walang masabi. "May sasabihin ka pa ba? Kung wala, tara na, I’m sure you’re bored. Halika na at sumama ka sa akin para sumaya naman ang buhay mo." "At bakit naman ako sasama sa’yo? Hihintayin ko ang asawa ko dahil may trabaho pa ako." "It’s five minutes to lunch break, Tam! I’ll treat you to lunch." "Hindi ako nagugu-" Parehas kami na natigilan nang sa gitna ng pagsasalita ko at pagsasabi na hindi ako gutom ay bigla na tumunog ng malakas ang tiyan ko. Bumunghalit siya ng tawa sa akin kaya lalo na nagsalubong ang kilay ko sa kan'ya. Bakit ba lagi ako minamalas sa mga lalaki na nakakaharap ko? "Don’t deny it, Tamara. Pati ang tiyan mo ay hindi na sumasang-ayon sa mga kasinungalingan mo." Dinuro ko siya ng isang daliri ko, "Hoy! Mister na feeling guwapo, hindi ako nagsisinungaling. Hindi talaga ako gutom." Hinawakan niya ang daliri ko na nakaturo sa kan’ya at inilapit iyon sa labi niya. Namilog ang mga mata ko kaya agad ko iyon na hinatak. "Bastos ka talaga!" "Wala pang nanduro sa akin. You’re the first person na gumawa niyan at pasalamat ka na gusto kita, kaya I won’t take it against you." "Wow lang ha! As if affected ako." Hindi ko alam kung ano ang mayro’n sa lalaki na ito na sa kabila ng kan'yang pagka-bastos at mahangin ay hindi ko magawa na tuluyan na magalit. Kahit na alam ko na malabo na mangyari, pero may bahagi ko na nararamdaman na magiging magkaibigan kami ni Wyatt. Kung paano ko naiisip ang bagay na iyon ay hindi ko rin alam. Just call it woman’s intuition. "Sasama ka ba o sasama ka mag-lunch?!" muli ay tanong niya na ang mga ngiti ay hindi nawawala sa labi. "Hindi." tipid na sagot ko. "Okay, then. Bahala ka riyan na magutom. Kapag nasa meeting si Mikel ay inaabot iyon ng maghapon. For all you know, baka nawaglit na nga sa isip ng asawa mo na narito ka." Palabas na siya ng pintuan nang maisip ko na nagugutom na nga rin ako. At sa takot ko na hindi makapananghalian ay ibinaba ko ang pride ko at tinawag siya. "Hoy! Hindi pa nga ako tapos magsalita ay aalis ka na agad. Ang sasabihin ko ay hindi ka nagkakamali na sasama ako sa’yo dahil gutom na ako." "Well, then. Let's go." Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad kami palabas ng opisina ni Mikel. Wala si Diane sa puwesto niya nang lumabas kami kaya inisip ko na baka kumain na rin siya. Ayos lang naman siguro na sumama ako kay Wyatt tutal ay kakain lang naman kami. Upang hindi kami maging tampulan ng usapan ay pinili ko na dumistansya kay Wyatt nang makasakay kami ng elevator at makababa ng building. Diretso lamang kami na lumakad palabas kahit na may mangilan-ngilan na empleyado ang nagbubulungan pa rin. "Diyan na lang tayo sa kabilang building baka kasi hanapin ka ng possessive na asawa mo mamaya lang." "Ang sabi mo kanina ay baka nakalimutan na niya na kasama niya ako, tapos ngayon ay sasabihin mo na baka hanapin niya ako?" salubong ang kilay na tanong ko. "Sometimes you have to play with your words to get what you want, Tamara." Nakangiti pa rin na sagot niya. Hinawakan niya muli ang kamay ko at nagdiretso kami sa restawran sa kabilang building lamang. Hindi na ako nagulat nang pagtinginan si Wyatt pagkapasok namin. Sino ba naman ang hindi mapapatingin sa guwapong lalaki na ito na kasama ko? Hindi maiwasan ang mga malalagkit na tingin na ipinupukol sa kan’ya ng mga kababaihan. Ang tipo pa naman ni Wyatt ang mga lalaki na maharot at halatang-halata na enjoy na enjoy siya sa atensyon na nakukuha niya. Nang makaupo kami ay simangot na simangot ako. "Ano, nagseselos ka na ba agad? Grabe naman ang possessive mo, Tamara. Huwag ka mag-alala, they can look, but they can't touch. I am all yours." "Eww, excuse me, pinsan! Magpinsan na tayo dahil asawa ko ang pinsan mo, kaya puwede ba, tumahimik ka na at umorder." utos ko na lang habang umiiling-iling pa. Tumawag siya ng waiter at agad na ibinigay ang order namin. Hindi man lamang ako tinanong kung ano ang gusto ko at basta na lamang na nagdesisyon para sa akin. Ganito ba talaga ang magpinsan na ito? Mga diktador lang ang peg? "Ako na ang umorder kasi sabi mo umorder ako, kaya huwag ka magrereklamo na hindi kita tinanong." "Aba, manghuhula ka ba at nabasa mo ang nasa isip ko?" Kindat lamang ang isinagot niya sa tanong ko at ngumiti. Hindi nagbabago ang ekspresyon ng lalaki na kaharap ko. Hindi nawawala ang mga ngiti sa labi niya kaya hindi ko alam kung baliw ba siya o sadya lamang na masayahin. May mga tao lang siguro na kagaya ni Wyatt na sa kabila ng mga problema na mayro’n siya ay mas pinipili niya na maging masaya. Maybe he’s not such a bad person after all. Hindi ko maiwasan tuloy na maintriga sa mga pangyayari sa kanila ng Janine na iyon. May pagka-tsismosa pa naman ako, kaso nakakahiya naman na tanungin ko siya ng diretso gano'n hindi naman kami close sa isa’t-isa. "Busog ka na ba? Baka mabusog ka sa sobrang kakatingin mo sa akin?" Wala na yata akong gagawin sa lalaking kausap ko kung hindi ang rolyohan siya ng aking mga mata. "Feeling mo rin talaga, ano? Bagyong-bagyo na ang dating mo kaya hina-hinaan mo naman, kasi baka tangayin na ako." "Plano ko talaga na tangayin ka ng puso ko." "Ay, naku! Ano ba ang kasalanan ko at sa’yo pa ako pinasabay na kumain ng tadhana?" Tatawa-tawa naman ang loko hanggang sa dumating ang order namin. Muli niya na ibubuka ang bibig niya para magsalita pero inunahan ko na agad siya. "Hep!" Iminuwestra ko ang kamay ko na izini-zipper ang bibig ko. "Zip it. Ayaw ko kumain nang maingay. Hindi ako makapag-isip, kaya puwede tumahimik ka na." "You are just like Mikel." Hindi ko na siya pinansin at akma na susubo na sa pagkain ko nang tumunog ang telepono ko. Nagbadya ang kaba ko nang makita ang pangalan ni Mikel na rumehistro rito. Pagkasagot na pagkasagot ko ay ang galit na tinig ng asawa ko ang narinig ko. "Where the hell are you?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD