Lunes na Lunes pero busangot na busangot ang pagmumukha ko ngayon. Paano ba naman na hindi, wala na akong nagawa at kahit na ano pa ang naging pagtanggi ko ay ito ako ngayon at kasabay ni Mikel na papasok sa kanyang opisina. Ngayon ang unang araw ko raw sa pagtatrabaho bilang sekretarya niya. Paano naman mangyayari iyon kung may sekretarya na siya? Baka naman ako ang sekretarya ng sekretarya niya? Ay ewan sa kan'ya!
Naiinis ako dahil lagi na lamang ako na natatalo sa kan'ya. Wala rin akong nagawa nang sapilitan siya na magpadala ng fifty thousand kay Chad. Ayaw ko na patuloy na masanay ang pamilya ko na ginagawa ako na gatasan, kaya naman hindi ko sana iyon pagbibigyan sa nais nila na halaga, ngunit sa uulitin ay nangialam si Mikel. Mas mabuti na raw iyon upang hindi na ako patuloy na kulitin pa ni Chad at baka ano pa raw ang maisipan na gawin sa akin ng kapatid ko.
Nakalusot na siya sa bagay na iyon, kaya inilista ko na lamang ang ipinadala niya na halaga bilang utang ko sa kanya. Ipinangako ko sa sarili ko na lahat nang ginagastos ni Mikel sa pamilya ko at kahit sa akin ay babayaran ko at isasauli ko rin sa kan'ya kapag natapos na ang kontrata sa pagitan namin dalawa.
Pagkatapos ng usapin sa pera ay ito naman ngayon. Usapin sa trabaho naman at ako na raw ang bagong sekretarya niya. Ipinamili pa niya ako muli ng ilang mga damit noon Sabado kagaya nang sinabi niya. Hindi ko alam kung ginawa ba niya iyon dahil nahihiya siya sa itsura ko o ano. Basta ang gusto niya ay bago pa ang mga damit na isusuot ko.
"Stop frowning, Tamara. Ang aga-aga at Lunes na Lunes ay busangot na busangot ang itsura mo. You should be happy na nakalabas ka na sa bahay at magtatrabaho ka na ngayon kagaya ng gusto mo." Baling niya sa akin habang ang atensyon ay nakatuon sa pagmamaneho.
"Tss, masaya? Sa tingin mo ay nakakasaya ito na maghapon kita na makakasama? Nakikini-kinita ko na ang magiging sitwasyon ko sa maghapon na makakasama kita." inis na sagot ko.
"Hindi ba at ako pa nga ang dapat na mamroblema sa bagay na iyan? Dalawa kayo ni Stan na makakasama ko sa araw-araw at sa buong maghapon, at sigurado ako na pareho ninyo na pasasakitin ang ulo ko."
"Iyon naman pala, kaya para hindi ka na mahirapan ay payagan mo na ako na sa iba na lang magtrabaho." pangungulit ko pa.
"No! And that’s final." Hindi na ako muli na nagsalita pa lalo na at sinabi na naman niya na pinal na ang desisyon niya. Parehas kami na natahimik matapos iyon. Iniisip ko kung paano ang magiging sitwasyon ko kapag sekretarya na niya ako. Sigurado ako na madalas ako na masesermonan nito lalo na at napaka-istrikto pa naman niya.
Ilang minuto lang ang nakaraan ay huminto ang sasakyan ni Mikel sa isang mataas na building. Gaya sa inaasahan ko ay hindi basta-basta ang opisina niya. Nang makababa siya ay inikutan niya muli ako upang alalayan na makababa at pagkatapos ay ibinigay niya ang susi sa attendant na nakaabang sa amin.
Pagpasok namin sa lobby ng building ay agad kami na pinagtinginan ng mga tao roon. Ang dahilan? Hindi naman alam ng mga empleyado rito na naikasal na ang may-ari ng kumpanya. Patuloy ang mga bulong-bulungan sa amin lalo nang ipulupot ni Mikel ang kanyang braso sa aking beywang.
"Start acting, Tamara, and get used to the attention. After all, asawa ka na ng may-ari ng kumpanya na ito." Pigil na pigil ako na irolyo ang mga mata ko at tumugon ng sarkastiko sa kan'ya. Hindi rin maalis-alis ang mga tingin sa amin ng mga empleyado roon.
"Miks." Napahinto kami sa paglalakad nang makasalubong namin si Stan. “Hi, Tamara, are you ready for your first day high?" Nakangiti pa siya sa akin nang sabihin iyon.
"Stan, mabuti at maaga ka. Naihanda na ba ang puwesto ng asawa ko?" tanong ni Mikel kay Stan.
"Handang-handa na. Gaya nang utos mo ang puwesto niya ay sa may opisina mo rin mismo."
"Ano?!" Malakas na tanong ko na nagpalingon hindi lamang sa dalawang lalake na kausap ko, kung hindi maging sa ilan mga empleyado na naroon.
"Willl you lower your voice, Tamara?” May bahid ng pagka-inis na saway sa akin ng asawa ko.
"Bakit kasi sa opisina mo pa ako pupuwesto? Ang sekretarya ay sa labas ng opisina ng amo." Taas-kilay na tanong ko habang palipat-lipat naman ang tingin sa amin ni Stan.
"Bakit hindi? Nasa labas na ng opisina ko ang puwesto ni Diane. Saan mo pa gusto, sa tabi niya? Hindi maari, you will stay beside me. I need to see you everytime." Hinapit pa niya ako papalapit sa kanya at hinalikan sa pisngi kaya naman lalo ang tuwa sa itsura ni Stan.
"Ang sweet talaga, Miks! Hindi ko inaasahan na ganito ka ka-inlove sa misis mo."
Napahalukipkip na lamang ako sa sinabi na iyon ni Stan. Mabuti pa nga siguro na tumahimik na lamang ako bago pa ako may masabi na ikakasira ng palabas namin na ito.
"Yeah, I do. Let’s go." Iginiya na ako ni Mikel papunta sa elevator habang sumusunod naman sa amin si Stan.
Habang nasa elevator ay tahimik lamang ako dahil patuloy ang usapan nina Mikel at Stan tungkol sa kumpanya. Wala rin naman akong alam sa bagay na iyon at hindi ako makaka-relate sa kanila.
"By the way, ang aga na dumaan ng erpat mo rito kanina."
"Dumaan? Bakit? Ano na naman ang gusto niya?" inis na sagot ni Mikel.
Pasimple ako na nakikinig sa usapan nila nang magawi iyon sa ama ni Mikel. Kinakabahan ako sa puwede na mangyari kung halimbawa ay siya mismo ang magsabi sa anak niya na ako ay nabili na niya. Kapag nagkagano’n ba ay pababayaan na ako ni Mikel? Isusuko ba niya ako sa kan'yang ama?
"Ang sabi lang ay gusto ka na makausap at importante raw. Dumaan na raw siya dahil sigurado siya na hindi mo sasagutin ang tawag niya. Mabuti na lang din pala at hindi kayo pumasok ng maaga ng asawa mo. Kung hindi, malamang ay Lunes na Lunes ang init ng ulo mo na naman."
Napailing na lamang si Mikel tsaka sinagot ang kaibigan. "Wala akong plano na kausapin siya, pero sigurado ako na hindi siya titigil sa kakakulit sa akin. I might as well talk to him then."
"Maybe that’s a better plan. Knowing your father, Mikel, lahat ng ginusto niya ay nakukuha niya. Sa’yo nga lang yata hirap na hirap ang ama mo eh."
"I don’t want my wife to be around him when we talk. Tell him I’ll meet him in his office."
Mas lalo ang takot ko ngayon na pumayag na si Mikel na kausapin ang kanyang ama. Baka ang mas mabuti ko na gawin ay sabihin na sa kan'ya ang katotohanan kaysa ang malaman pa niya ito sa ama niya. Pero ano ang mangyayari sa kasunduan namin kapag nalaman niya ang totoo?
Nang makarating ang elevator sa pribado na palapag ni Mikel ay isang magandang babae ang bumungad sa amin. "Good morning, Sir Mikel, Mam Tamara." bati niya sa amin.
"I am here, Diane, bakit sa akin ay wala kang pa-good morning?" biro ni Stan na nakapagpamula sa mukha ng babae.
"Good morning, Sir Stan." Nilapitan pa siya ni Stan at kinurot sa pisngi kaya naman lalo na nahiya ang sekretarya ni Mikel. Napasapo na lamang ako sa ulo ko. Ganito ka-playboy at flirt ang Stan na ito? Manang-mana sa pinsan ni Mikel kung gano'n.
"Bu, this is Diane, my secretary." Gumanti ako ng ngiti sa babae nang ipakilala siya sa akin.
"Sir Mikel, Ms. Marlene called to inform you that Sir Wyatt would be coming over."
"What?!"