Hawak-kamay ang mag-asawa na sina Mikel at Tamara nang dumating sa opisina ng umaga na iyon. Muli na napatingin sa kanila ang ilan sa mga empleyado na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala na ang napangasawa ng kanilang CEO ay ang kagaya ni Tamara, isang babae na malayong-malayo sa ex-girlfriend nito na mukhang modelo na si Janine.
Habang si Tamara ay hindi mapakali sa mga nakukuha na tingin at pagbubulungan ng mga empleyado, si Mikel naman ay hindi maiwasan na pasimple na mapangiti. He is happy about the attention that they are getting from his employees. He is stating his claim on his wife.
Ilang araw na rin niya na naririnig ang mga bali-balita patungkol sa pinsan niya na si Wyatt at sa asawa na si Tamara, at hindi niya nagugustuhan lalo na at naikokompara sila ni Wyatt. Ang mas lalo na hindi niya nagugustuhan ay kapag naririnig niya na sinasabi ng kan’yang mga empleyado na mas bagay na nagkatuluyan sina Wyatt at Tamara dahil pareho raw ang dalawa na palangiti at makulit.
Nang makita ni Mikel na makakasalubong nila si Wyatt ay hinapit pa niya sa beywang ang asawa na ikinagulat naman ni Tamara na pilit na kumakawala sa kan’ya. "Mikel." bulong nito sa kan’ya.
Patay-malisya naman si Mikel na nagdiretso lang sa paglalakad. Nang magtapat ang magpinsan ay sinundan pa ng mga mata ni Wyatt ang braso ni Mikel na nakapulupot sa beywang ni Tamara.
Malapad na ngiti ang isinalubong sa kanila ni Wyatt pagkatapos nito na pasadahan ng tingin ang ayos ng mag-asawa. "Peaches, dumaan lang talaga ako rito para ihatid ang breakfast mo."
Nagsalubong ang kilay ni Mikel at natilihin si Tamara dahil sa sinabi na iyon ni Wyatt. Mikel cleared his throat, trying to calm his raging nerves at the moment so as not to make a scene. "Hindi mo naman na kailangan na dalahan ng almusal ang asawa ko, Wyatt. Nakakain na rin kami sa bahay bago kami pumunta rito." Madiin na pagkakasabi pa niya.
"Kahit na hindi kailangan, I wanted to. And besides, paborito niya talaga ang dala ko, right, peaches?"
Pareho na nakatingin kay Tamara ang dalawang lalaki, habang si Tamara naman ay nagpalipat-lipat din ang tingin sa dalawa na naghihintay sa sagot niya. Paano ba niya sasagutin kung hindi nga niya alam kung ano ang pagkain na iyon na dala-dala ni Wyatt? At talaga ba na pagkain naman ang issue ng magpinsan ngayon? O baka naman siya?
Ngumiti siya ng pilit sa dalawang lalaki. "Ah, mabuti pa siguro ay umakyat na tayo sa opisina kasi nakakahiya naman na pinagtitinginan tayo ng mga empleyado rito."
"I’ll go ahead, peaches. Idinaan ko lang talaga ang paborito mo na pagkain. I’ll be back later today, and I hope to see you by then, kapag abala ang asawa mo sa mga meeting niya. Bye, peaches." Wyatt even gave Tamara a peck on her cheek na nagpasinghap sa mga empleyado na naroon na nakakita sa tagpo nilang tatlo.
Maging si Tamara ay nagulat sa naging akto na iyon ni Wyatt pero wala na rin siya na nagawa dahil mabilis na nakalakad papalayo sa kanilang mag-asawa si Wyatt. Mikel stared at his wife who is blushing at this very moment. At hindi niya alam kung ano ang kan’yang mararamdaman sa tagpo na iyon. He wanted so much to punch Wyatt in the face but he knows better than to make a scene.
"Why are you blushing?" Inis na tanong ni Mikel kay Tamara. Patuloy na nakapulupot ang braso niya sa beywang ng kan’yang asawa habang naglalakad sila sa direksyon ng elevator.
"Hindi ah!" Mabilis na pagtanggi sa kan’ya ni Tamara. Muli niya na sinulyapan ang asawa na namumula pa rin ang pisngi sa mga sandali na iyon. Hinintay niya na makapasok sila sa elevator at saka niya tiningnan muli ang asawa.
"Huy, Mikel, bangag ka ba? Bakit ka ba ganyan makatingin? At puwede ba, lumayo ka muna kahit kaunti, wala naman ibang tao rito." Halata ang hiya kay Tamara dahil sa ginagawa na pagtitig sa kan’ya ni Mikel.
"You’re blushing. Tell me why. Is it because of that f*****g kiss?" Lumapit pa si Mikel kaya napaatras at napasandal si Tamara sa dingding ng elevator. Itinaas ni Mikel ang kan'yang dalawang kamay at hinarang iyon sa gilid ng kan'yang asawa. Nais niya na tingnan siya ni Tamara habang kausap niya para makita niya sa mga mata nito ang katotohanan sa bawat salita nito.
"Hi-hindi ka ba nasisikipan? Umurong-urong ka nga, Mikel. Masyado ka na malapit, ang luwag naman ng elevator."
"Look at me when I’m talking to you, wife. Ngayon, sabihin mo sa akin kung bakit ka namumula pagkatapos ka halikan ni Wyatt." His tone is commanding. Mikel is trying his best to keep his cool, pero ang maisip pa lamang niya na may iba na nararamdaman si Tamara para kay Wyatt ay naghuhurumentado na ang loob niya.
"Makasabi ka naman ng halik, wagas na wagas. Beso lang ang tawag do'n kung sakali na hindi mo alam. Bakit, artist ka ba? Lahat kasi binibigyan mo ng ibang kulay." Pamimilosopa pa ni Tamara sa kan’ya.
"We’re still in the f*****g contract, wife. Kaya siguruhin mo lang na kung ano man ang namamagitan sa inyo ng pinsan ko ay titigilan mo."
Kitang-kita ni Mikel ang pagpalit-palit ng emosyon sa mukha ni Tamara. He knows she is mad. He knows she is trying to keep her patience with him at bay, but she is failing terribly. Kinagat ni Tamara ang ibabang labi niya habang ang mga mata ay madilim na nakatingin sa kan’ya. And even when he knows that Tamara is fuming mad at him, iba naman ang nararamdaman ni Mikel na nagagalit sa kan'ya. He is feeling aroused just by looking at his wife right now biting her lower lip.
Yumuko siya kay Tamara at bumulong sa tainga nito, "Don’t bite your lips, baby, dahil iba ang napapakahulugan ko sa mga ginagawa mo ngayon. And I am doing my very best to control myself and whatever urges I am feeling for you right at this moment."
Namilog ang mga mata ni Tamara at natilihin siya sa narinig kay Mikel. She doesn’t know, but eversince that fateful day na may nangyari sa kanilang dalawa ng asawa niya ay hindi na niya maintindihan ang mga ikinikilos nito sa kan’ya.
Laking pasasalamat ni Tamara na tumunog ang elevator na hudyat na narating na nila ang executive floor. Itinulak niya si Mikel at nagmamadali na lumabas.
"Good morning, Mam Tamara." Hindi na niya sinulyapan pa si Diane at nagdiretso na lamang papunta sa restroom. Nang makapasok sa banyo ay nagpakawala si Tamara ng isang malalim na buntong-hininga. Gulong-gulo ang isip niya sa mga nangyayari sa kan’ya. If she’s confused before, mas lalo na ang kalituhan na nararamdaman niya ngayon. And this is all because of her stupidity. Kung hindi siya nagpakatanga at isinuko kay Mikel ang lahat dapat ay nakalagpas na siya sa bahagi na ito ng kalituhan niya. But she chose to heed his advances and this is where it led her.
How can she stay away kung si Mikel mismo ang patuloy na lumalapit sa kan’ya? How can she set her boundaries kung patuloy na binubuwag ni Mikel ang pader na hinaharang niya? How can she stop her heart from falling kung patuloy siya na binibigyan ni Mikel ng mga dahilan para mas lalo na mahulog sa kan’ya?
Tamara is not concerned about her virginity that she lost to Mikel anymore. She is more concerned about her heart that is about to be broken because of her husband. Dahil kahit ano ang gawin niya na pagtanggi, ang katotohanan ay unti-unti nang nasasakop ni Mikel ang puso at isip niya.