"Hoy, peaches, alam ko na sisimulan mo na naman ang pang-aaway mo, pero puwede ba, huwag mo na nga ako na bungangaan? Huwag mo sasabihin na tumawag ka pa talaga para lang sigaw-sigawan ako sa telopono. Dinalahan na nga kita ng almusal ay nagagalit ka pa?" Hindi pa man ako nakakapagsalita sa totoo na rason sa pagtawag ko kay Wyatt ay inunahan na niya agad ako.
"Why are you doing what you are doing, Wyatt? Don’t use me kung ang plano mo lang ay galitin at inisin si Mikel. I thought you’re my friend, but you’re not being a friend to me at this moment." Nanggigigil na sagot ko sa kan’ya.
"Ouch! That hurts, babe. You’re being too judgemental of me again. Pero in fairness, ang galing mo talaga magsalita ng Ingles, peaches ko. You sound so sophisticated when you talked to me in English, baby."
"Stop! Hindi ako nakikipagbiruan sa’yo ngayon, kaya tumigil ka nga at huwag mo ibahin ang pinag-uusapan natin." Inis na inis na ako na sa kabila ng galit ko ay nakukuha pa ni Wyatt na gawin biro ang lahat. Why is it na pagdating kay Wyatt lahat ng problema ay parang nagiging madali lang? Why is it na kaya niya palitan ang inis na nararamdaman ko sa kan'ya ng ibang emosyon?
"Why are you so mad? Hindi mo ba nagustuhan ang champorado na dala ko? It’s your favorite, right? Huwag mo itatanggi dahil lagi ko naaabutan sa lamesa mo ang ganyan pagkain tuwing umaga. Hindi ka ba kinilig man lang dahil ang sweet kaya ng best friend mo sa’yo?" dugtong pa niya.
"Wyatt, naman eh. I’m not joking right now." Kahit na ano ang pilit ko talaga na magalit sa kan’ya ay hindi ko magawa. We have become so close in the past few weeks na lagi kami magkasama, kaya kahit na anong kalokohan at trip ang ginagawa niya sa akin ay hindi ko makaya na totoo na magalit sa kan’ya.
"Bakit, sino ba ang nagbibiro? At ano na naman ba kasi ang ikinagagalit mo sa akin? Nahawa ka na talaga riyan sa asawa mo na lagi nang may topak. Wala akong nakikita na rason para umatungal ka riyan at magalit. I brought you breakfast and you should be thankful. It was a sweet gesture from a friend of yours, pero bakit hindi mo man lang na-appreciate?"
"Hay, Wyatt, na-appreciate ko naman. And thank you for that. Pero bakit ka ba kasi nagdala pa nga ng almusal? Hindi mo naman na kailangan na gawin iyon. At isa pa, ang importante na dahilan kaya ako tumawag sa’yo ay hindi naman dahil lang sa pa-almusal mo, kung hindi ang dahilan kung bakit mo ako hinalikan kanina? At ginawa mo pa talaga iyon sa harap ng asawa ko. Baliw ka talaga! Masasapak talaga kita kapag nagkita tayo ulit!"
Humalakhak si Wyatt sa kabilang linya at hindi ko mapigilan ang mapasimangot kahit na alam ko naman na hindi niya ako nakikita. "Assumptionista ka talaga kahit kailan, peaches. Makasabi ka na hinalikan ka, wagas na wagas?! Halik na ba iyon sa'yo? Beso-beso lang ang tawag do’n para sabihin ko sa'yo. Akala ko pa naman ay sosyal ka na rin at nahawa ka na sa asawa mo, iyon pala ay beso-beso lang hindi mo pa alam. At isa pa, napaka-lame naman na isipin mo na gano’n lang ako humalik. Nakakasakit ka ng damdamin. Baka kapag totoo na nahalikan na kita ng tunay na pamatay na halik ko ay mahimatay ka na lang at kapag natauhan ka ay isa lang ang naisin mo, at iyon ay ang makipaghiwalay sa pinsan ko at magpakasal agad sa akin."
Agad ang pag-iinit ng mukha ko sa sinabi ni Wyatt. Napakawalanghiya at walang preno talaga ng bibig ng lalaki na ito kahit kailan. "Hoy, ang kapal mo talaga! Wala ka talagang preno magsalita, kainis ka! Hindi ako magpapahalik sa’yo kahit na kailan!"
"Bakit kailangan magpreno? Sasakyan ba ako na gusto mo sakyan?"
"Perv! Kahit kailan talaga ang dumi ng isip mo!"
"Natatawa na lang ako sa'yo, Tamy, sa dami ng mga ibinibintang mo sa akin. At sino naman din ba kasi ang may sabi sa’yo na may balak ako na halikan ka? Assumptionista ka na, advance ka pa mag-isip. Nasa sa’yo na talaga ang lahat, baby." Natatawa pa na dagdag niya.
"Hay naku! Ewan ko sa’yo, sige na nga at walang kuwenta-"
"Alin ang walang kuwenta? Ang beso-beso ko? Natural sa pisngi lang iyon, kapag natikman mo ang halik sa labi-"
"Hoy! Tumahimik ka na, lekat ka! Naku talaga, Wyatt! Huwag ka na pumunta rito mamaya dahil masasapak talaga kita."
At ang naging sagot ni Wyatt sa akin ay ang patuloy na pagtawa niya sa telepono. This is us, and this is how our friendship is. Hindi ko alam kung paano nangyari pero naging ganito kami kalapit, at kapag kausap ko siya ay nawawala ang lahat ng pag-aalinlangan ko. I can be myself when I am with him dahil tanggap niya ang buong pagkatao ko. Tanggap niya ang pagkapilosopa ko at pagkabungangera ko.
"Oh, bakit natahimik ang madaldal na peaches ko? May problema ka ba, Tam? Si Mikel na naman ba? Ano ang ginawa ng loko-loko na iyon sa’yo?" May bahid na agad ng pag-aalala sa boses niya.
"Walang problema. Assumptionista ka rin ba? Tumahimik lang, may problema na agad kami? Wala kaming problema na mag-asawa at masaya kami sa pagsasama namin, huwag ka lang bigla-bigla na mang-beso-beso. At hindi ba puwede na ayaw na lang kita kausap kaya ako tumahimik?"
"Ayaw mo ako na kausap kasi ano ang gusto mo na gawin natin?" Wyatt is a total flirt, alam ko iyon, but I don’t fall for it. He has charms but not enough to give me goosebumps na gaya ng charms na dala ni Mikel sa akin.
"In your dreams, Wyatt."
"Hindi ka pa ba tapos sa tawag na iyan?" Napalingon ako nang marinig ang boses na iyon ng asawa ko na hindi ko namalayan na nakabalik na pala sa opisina buhat sa kan’yang meeting.
"Sige na, Wyatt, I need to go." bulong ko sa telepono.
"Ano, dumating na ba ang asawa mo na si Hitler? Don't be afraid of him, baby. Pero pagbibigyan kita ngayon at baka magwala na naman iyan. Call me, kapag inaway ka at ako ang bahala sa kan'ya. Take care, peaches."
"Bye, Wyatt."
Nang matapos ang tawag namin ni Wyatt ay roon ko lang napansin na salubong na naman ang kilay sa akin ni Mikel. "Hindi pa kayo tapos sa usapan ninyo kanina? What does he want now? Ano, magdadala naman ba siya ng meryenda ngayon para makakuha na naman ng libre na halik sa’yo?"
Napahalukipkip ako. Despite my growing feelings for Mikel ay hindi ko talaga maiwasan na hindi mairita sa bawat salita niya. It seems that he’s doing it on purpose for whatever reason. Minsan gusto ko nang isipin na nagseselos talaga siya kay Wyatt dahil sa mga ikinikilos niya, but him denying it just adds to my confusion and misery.
"What do you want for snacks?" Sunod na tanong pa niya na hindi na hinintay ang sagot ko sa nauna niya na tanong.
"Snacks? Kailan ka pa nag-snack?" tanong ko pabalik.
"Starting today, we will eat six times together. Everyday."
Napabilang ako sa isip ko. Six times? Bakit six times? Balak ba niya na magpataba? Mag-isa na lang siya. "Six times?" Naguguluhan na tanong ko.
Yumuko siya sa harap ng lamesa ko at inilapit ang kan’yang mukha sa mukha ko. "Yes. Six times. Breakfast, morning snack, lunch, afternoon snack, dinner."
"That’s just five times, Mikel. Hindi ka ba talaga na marunong na magbilang?" Pang-iinis ko pa sa kan’ya.
"Sixth is my midnight snack, which is you." Titig pa lang ni Mikel ay dumaloy na ang kuryente sa kaibuturan ko. Namimilog ang mga mata ko dahil sa gulat sa nagiging pagkabulgar niya. Every word he is uttering to me now always have double meanings to it. Hindi ko tuloy maiwasan na pamulahanan ng mukha dahil sa mga sinasabi niya.
"It’s good, that you’re now blushing at my words. Remember, Tamara, it should only be me, sweetie. Only me, that should have that effect on you."