Chapter 31 - Worried Tamara

1516 Words
Napasulyap ako sa relo sa aking silid, it’s five in the morning. And I have been awake since around four. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang ako na nakaramdam ng takot at pagkabalisa. It seems that something is going to happen, pero hindi ko naman masabi kung ano iyon. Sinulyapan ko ang aking telepono, iniisip ko kung may text message ba si Chad, pero wala naman. He hasn’t been calling me, at hindi ko alam kung matutuwa ako, o lalo ako na matatakot na hindi siya nanggugulo ngayon. Humugot ako ng malalim na hininga tsaka muli na bumangon sa kama. I have been like this since I woke-up. Babangon, hihiga, pupunta sa banyo, hihiga at muli na babangon. I am scared, at may parte ko na gusto na kumatok sa silid ni Mikel pero hindi ko magawa. Ano naman ang sasabihin ko sa kan'ya kung bakit ko siya iistorbohin? Isa pa, baka mas lalo lamang na gumulo ang nararamdaman ko kapag nagkaharap na naman kami. Mikel has been acting strangely the last few days, technically, nang may mangyari sa amin ay nag-iba na ang ihip ng hangin. And as much as I want to guard my heart, ay mas lalo na nagiging mahirap sa akin ang lahat. Pupungas-pungas ako na lumabas ng kuwarto ko. It’s still early, I know, pero sa hindi ko malaman na dahilan ay talaga na parang inaatake ako ng anxiety ko at bigla-bigla na lamang ako na kinabahan. I need to keep my mind off my fears, kaya mas mabuti na lumabas na lamang muna ako sa aking silid. It’s a Saturday, at dahil weekend naman sigurado ako na tulog pa naman si Mikel. Dumiretso ako sa may sala at nagpalakad-lakad. Pilit ko na pinapakalma ang loob ko sa kabila ng takot na nadarama ko. Naupo ako at ipinikit ang aking mga mata. Dahan-dahan ko na pinapakinggan ang aking paghinga. Masuyo na paghalik sa aking noo ang mabilis na nagpadilat sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang mabungaran si Mikel na nakayuko sa akin at masuyo na nakatingin sa mga mata ko, "What’s wrong, sweetie?" May bahid agad nang pag-aalala na tanong niya. Napailing-iling ako, "Wa-la. Wala. I mean walang problema." "Are you sure?" Hindi niya inaalis ang pagkakatingin niya sa akin. "It’s still early, bakit gising ka na?" "Ikaw ang bakit gising na? Weekend naman ngayon, kaya bakit ang aga mo na gumising? May lakad ba kayo ni Stan ngayon?" Pag-iiba ko sa usapan namin. Sumilay ang ngiti sa kan’yang labi. "Weekends are my time to spend with you, sweetie. Just you and me." Hindi ko alam kung ano ang tamang reaksyon sa sinabi ni Mikel. Lumundag ang puso ko sa kaisipan na sinasama na niya ako sa mga plano niya. Kabilang na ako sa mga pinaglalaanan niya ng oras niya, pero ano nga ba kami ngayon para gawin niya iyon? I really wanted to ask him about us, but is there an us between the two of us when all of this is a charade? Nagpapanggap pa nga rin ba kami, o may bahagi na namin ang pareho na naniniwala at umaasa na sana ay totoo na ang lahat ng ito? Umupo siya sa tabi ko at inihilig ang ulo ko sa kan’yang balikat. "What’s wrong, Tamara? Si Chad na naman ba?" Just sitting here, beside him, with my head on his shoulders, calms my nerves. May kakaiba na hatak si Mikel sa akin, that he can instantly give me peace. "Natatakot ako, Mikel. Kinakabahan ako, pero hindi ko alam kung bakit. Pakiramdam ko ay may mangyayari na hindi maganda, pakiramdam ko ay binibigyan na ako ng babala dahil sa nararamdaman ko na ito." Hinawakan niya ang kamay ko at kakaibang init ang dumaloy ro’n. "Hey, wife, you don’t need to worry or get scared. I am here for you, at hindi ko hahayaan na may mangyari sa’yo. You are my responsibility, Tam, and you will always be my responsibility." Paano nga ba ako na hindi mahuhulog sa kan'ya kung ganito si Mikel sa akin? Paano ko ba pipigilan ang pag-usbong ng damdamin ko sa asawa ko kung lagi niya ipinaparanas sa akin kung gaano kasarap siya na magmahal? He doesn’t need to, but he makes me feel so special. And I can’t help but fall deeply, at isa pa ito sa nakakadagdag sa mga takot na mayro’n ako. "Mikel, alam ko na kalabisan na ang hihilingin ko sa’yo, pero natatakot talaga ako at ikaw lang ang malalapitan ko sa ngayon. Hindi mo naman hahayaan na makuha ako ng tatay mo, hindi ba? Habang kasal pa tayo ay hindi mo hahayaan na magawa niya ang mga balak niya sa akin? Dalawang taon lang naman, Mikel. Please, tulungan mo ako sa loob ng dalawang taon nang pagsasama natin na makalaya ako sa ama mo." Tumitig siya sa akin at matatalim ang mga naging tingin niya. Kung para sa akin ba ang masasama na tingin na iyon ay hindi ko alam. Dumadagundog ang puso ko dahil muli ay pakiramdam ko magagalit siya dahil may mali na naman ako na nasabi. "Tamara," Hinimas pa niya ang pisngi ko na ikinagulat ko pa. "Hindi mo kailangan na matakot sa kan’ya. Hindi mo rin kailangan na itanong ang bagay na ‘yan sa akin. I have said it before, but I’ll say it again, if my words can bring you comfort and assurance. Paulit-ulit ko na sasabihin sa'yo na gagawin ko ang lahat para sa'yo. I won’t let anything happen to you dahil responsibilidad kita bilang asawa ko. And that promise will go beyond two years, kaya hindi mo kailangan na matakot." Muli ko na idinantay ang ulo ko sa kan’yang dibdib. Naririnig ko ang pagdagundong ng t***k ng puso ni Mikel, and it’s like music to my ears. His heartbeat is in rhythm with my breathing, at hindi ko maiwasan na kiligin sa estado namin ngayon. Ang sarap lang siguro talaga kung totohanan ang lahat. Pumikit ako at dinama ang kakalmahan na naibibigay sa akin ng pagkakataon na ito. I needed this. I needed him. Hindi ko namalayan na muli pala ako na nakatulog at nang magising ako ay nasa silid na ako ni Mikel. Napabalikwas ako sa pagkakabangon nang rumehistro na sa kaisipan ko ang sitwasyon ko na naman. Sinilip ko pa ang sarili ko sa loob ng kumot kung nakadamit ba ako, o baka nabaliw na naman ako at gumawa na naman ng kung ano na kahalayan sa asawa ko. Sinipat-sipat ko ang kuwarto at nang masigurado na wala rito si Mikel ay nagmamadali ako na nagtungo sa pintuan. I need to leave dahil isang kahihiyan na naman ang nagawa ko na nakatulog pa ako habang nakasandal sa kan'ya kanina. Nang sakto na hahatakin ko ang pinto ay bigla naman ito na bumukas dahilan upang mawalan ako ng balanse. Ngunit bago pa man ako matumba ay naabot na ako ni Mikel at mabilis na pumulupot ang braso niya sa beywang ko upang saluhin ako. Napahawak naman ako sa malapad na dibdib niya. At gano’n na lamang ang gulat ko nang maramdaman na ang mga kamay ko ay direkta na nakahawak sa dibdib niya mismo, dahil ang asawa ko ay walang suot na t-shirt. "s**t! Baby, are you okay? Sorry, hindi ko alam na gising ka na. Saan ka ba kasi pupunta?" tanong niya sa akin. Hindi ako makapagsalita at hindi rin ako makakilos. Ang mga kamay ko ay nanatili na nakahawak sa dibdib niya. Napakagat-labi pa ako dahil sa nag-iinit ang mukha ko sa posisyon namin. "f**k! Sweetie, what did I tell you about biting your lips?" tanong niya sa akin pero ang atensyon ng mga mata niya ay nasa labi ko. Itinulak ko siya ng bahagya upang makaayos din ako sa aking pagkakatayo. "Sorry, sorry, nakatulog pala ako ulit. Babalik na ako sa kuwarto ko." Nagmamadali ako na humakbang palayo sa kan’ya upang lumabas sa silid niya, pero mabilis niya ulit na naipulupot ang braso niya sa akin at naisandal niya ako sa may pintuan. Itinaas pa niya ang mga braso niya kaya naman nakulong ako sa pagitan niya at ng pintuan. At wala akong nagawa kung hindi ang tingnan siya. "My bu is becoming a sweetie with each passing day. Bakit bawat araw yata ay nawawalan ka nang sasabihin, asawa ko?" "A-ano? Ano ba ang sinasabi mo, Mikel? At magbihis ka nga! Bakit ba pahubad-hubad ka pa riyan?" Sa kabila ng kaba ko ay sagot ko sa kan’ya. Ngumiti muna siya sa akin at saka nagsalita, "Bu, I’m sorry, but I really need to do this." I wasn’t given the chance to react, dahil sinakop na ng labi niya ang labi ko, at bilang ako si Tamara na mahina sa tukso ay mabilis na naman ako na bumigay sa mga halik ni Mikel. Naramdaman ko na lamang ang pagyapos ko sa kan’ya at pagtugon sa kan’yang mga halik. And I am doomed. I knew it! Dahil halik pa lang ay nakapagpapabaliw na sa akin, kaya sigurado ako na hindi malabo na isang araw ay tuluyan na ako na mabaliw sa nararamdaman ko na ito para sa kan’ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD