Palakad-lakad si Mikel sa may garahe at hinihintay ang pagdating ng magaling niya na pinsan. He has had enough of him, and this time, hindi na mangingimi si Mikel na patulan si Wyatt. He can’t let him take his wife away from him.
Tamara is just so naive to believe that Wyatt is only offering friendship. Mikel knows the truth and he can very well see behind Wyatt’s true purpose of befriending Tamara. Ang hindi lang alam ni Mikel ay kung ano ang nakikita ni Wyatt kay Tamara para muli na naisin nito na agawin ang babae na importante sa kan’ya.
Mikel knows that Tamara is not Wyatt’s type. Ang mga gusto ni Wyatt ay ang mga tipo ni Janine na liberated at palaban. Palaban si Tamara, pero hindi sa kama. And Wyatt is so used to playing around, kaya nasisigurado niya na hindi pagnanasa ang nais nito sa asawa niya.
Kung hindi pagnanasa, ano ang pakay ni Wyatt kay Tamara? Is it love? Is Wyatt man enough to admit that he has feelings for Tamara? Is he man enough than his cousin to admit things to himself? Mas lalo ang kaba na naramdaman ni Mikel sa kaalaman na maaari na mas may lakas ng loob si Wyatt na aminin ang mga bagay na takot si Mikel na aminin kahit sa kan'yang sarili. And one wrong move from him will make him lose Tamara to his cousin.
Napasabunot na lamang si Mikel sa sariling buhok. He is in a mess dahil hindi niya alam kung ano ang tama niya na gawin? Ayaw niya na magkaharap ang asawa niya at ang pinsan niya, at sigurado siya na hindi siya haharapin ni Tamara kaya mas pinili niya na abangan si Wyatt sa garahe para hindi na mabigyan ng pagkakataon ang tarantadong pinsan niya na makapasok pa sa pamamahay niya.
Isang sasakyan ang huminto sa tapat ng bahay ni Mikel, and he know so well kung sino ang dumating. Pilit na kinokontrol ni Mikel ang galit na nais na kumawala sa kan’ya. He is trying his best to act rationally, kahit na gustong-gusto na niya na sapakin ang pinsan niya wala pa man sa harapan niya.
"Where is she?" Galit na bungad ni Wyatt sa kan’ya nang madatnan siya nito sa garahe.
"Ano ang ginagawa mo rito?"
"Where is Tamara?" muli ay galit na tanong ni Wyatt.
"Wala kang pakialam kung nasaan ang asawa ko. Leave, bago pa ako tuluyan na maubusan ng pasensya sa’yo, Wyatt." Walang plano si Mikel na payagan na magkaharap ang dalawa. He can’t let Wyatt take her away from him.
"Do you think I care about you? Wala akong pakialam kung ano pa ang maubos sa’yo. I am here for Tamara at hindi ako aalis dito hangga’t hindi ko siya nakikita."
"Ang kapal talaga ng pagmumukha mo na tarantado ka!" Lumapit si Mikel kay Wyatt at nakipagsukatan ng tingin sa pinsan niya.
"Ikaw ang tarantado! Ikaw ang gago! Baliw ka ba? Bakit inaway mo na naman ang asawa mo?" Tinatapatan ni Wyatt ang intensidad ng galit ni Mikel at nakipagsukatan din ng tingin sa pinsan niya.
"Na naman? Kung makapagsalita ka ay parang alam na alam mo ang lahat ng nangyayari sa amin. Wala kang alam sa pagsasama namin at sa buhay namin, kaya huwag ka nang umeksena pa. Bumalik ka na kay Janine para hindi ang asawa ko ang ginugulo mo."
"Tamara called me, kaya hindi ako aalis dito hangga't hindi ko nakikita na ayos lang siya."
Naiiling na lamang si Mikel sa sinabi ng pinsan niya. "At ano naman ang akala mo na gagawin ko sa asawa ko? I can never hurt her kung iyan ang inaakala mo. Kaya umalis ka na."
"She’s crying, Mikel. She’s crying when she called me, kaya alam ko na may problema kayo. Kung ano na naman na kabaliwan ang pumasok sa isipan mo ay hindi ko alam, pero isa lang ang sasabihin ko sa’yo, don’t you dare hurt her. Don’t make her cry."
Hindi na nakapagpigil si Mikel at kinuwelyuhan si Wyatt. Ang kapal ng mukha ng lalaki na ito na pangaralan siya kung ano ang dapat at hindi niya dapat na gawin sa relasyon niya. "Who the f**k do you think you are para turuan ako? Huwag ka mangialam sa problema namin na mag-asawa. This is between us, at wala kang karapatan na panghimasukan ang mga bagay na wala kang pakialam."
"Makikialam ako kapag si Tamara ang sangkot. She is my f*****g best friend!" Marahas na itinulak ni Wyatt si Mikel kaya nabitawan siya nito.
"Best friend? Sa tingin mo ay maniniwala ako na pagkakaibigan lang ang plano mo? I am not stupid enough to believe your lies. My wife may be naive enough to believe your words, pero ibahin mo ako dahil kitang-kita ko at nababasa ko ang mga plano mo."
Sarkastiko na tumawa si Wyatt sa kan’yang pinsan. This is the first time that Mikel and he fought over a woman. When Janine happened, Mikel chose to go away, at hinayaan na lamang si Wyatt sa babae. Pero ngayon ay hindi mawari ni Wyatt kung bakit nagmamatigas ang pinsan niya. Mikel is asserting his rights over him as Tamara’s husband, at hindi sigurado si Wyatt kung ano ang mararamdaman niya.
As much as he doesn’t want to, he is confused by Mikel's actions. At hindi niya magawa na aminin sa sarili niya na ang pagkalito na iyon ay nagbibigay ng takot sa puso niya. Maaari ba na mahal talaga ni Mikel ang asawa niya? Is it possible for Mikel to really fall in love with Tamara? Kapag nangyari iyon, paano si Wyatt? Will he be able to let Tamara have her happy ending with his cousin, Mikel?
"Are you threatened, Mikel? Tanggap mo na ba sa sarili mo na kahit kailan ay hindi ka mananalo sa akin? Tanggap mo na ba sa sarili mo na mas pinipili ako ng mga babae na kinahuhumalingan mo?"
Nag-igting ang panga ni Mikel sa sinabi ni Wyatt. Nakita pa ni Wyatt ang pagsara ng kamao ng pinsan niya. He is doing it on purpose, though. Wyatt is pushing Mikel’s buttons as his defense mechanism. It is his only way, para maibsan ang sariling takot na lumulukob sa kan’ya sa katotohanan na sa pagkakataon na ito ay baka si Mikel ang manalo sa pagitan nila. Natatakot siya na aminin sa sarili niya that Mikel has an advantage over him because he is Tamara’s husband.
"Admit it, Mikel, admit to yourself that I can always get your woman."
Mabilis ang mga sumunod na naging pangyayari. Hinatak ni Mikel ang suot na t-shirt ni Wyatt at akma na siya na susuntukin. Napapikit na lamang si Wyatt at hinihintay ang suntok na dumapo sa guwapo niya na mukha. Pero hindi iyon dumating at sa halip ay boses ni Tamara ang umalingawngaw.
"Mikel, stop!" Natigilan si Mikel at habang hawak-hawak sa damit si Wyatt ay lumingon kay Tamara na kitang-kita ang pag-aalala sa mukha. "Stop it, Mikel. What is wrong with you?" Mabilis na lumapit sa kanila si Tamara at tinanggal ang kamay ni Mikel na nakahawak pa sa t-shirt ni Wyatt. Pilit na itinutulak palayo ni Tamara si Mikel upang bigyan ng tamang distansya ang magpinsan na nagkakainitan na. "Stop, Mikel, please."
Mikel's rough breathing just shows how much he is controlling his anger. Ayaw niya na magwala sa harapan ng asawa niya na kitang-kita na niya ang takot sa mga mata.
Nag-aalangan man ay tinalikuran siya ni Tamara nang mapaghiwalay sila at humarap kay Wyatt. "Are you okay, Wy?"
Bahagya pa na lumapit si Tamara sa pinsan niya at titig na titig si Mikel sa bawat kilos ng dalawa. Kung inaakala nila na bibigyan niya ng pagkakataon na makapag-usap sila ay nagkakamali sila.
"Are you okay?" Balik-tanong ni Wyatt kay Tamara na may paghihimas pa sa pisngi ng babae.
"Get your f*****g hands off her!" Galit na sabi ni Mikel at marahas na hinatak si Tamara palayo kay Wyatt.
"s**t ka, Mikel! Don’t hurt her! Gago ka talaga." Galit na sagot sa kan’ya ni Wyatt.
Ramdam ni Mikel ang panginginig ni Tamara at sigurado siya na pilit lamang na nagpapakatatag ang asawa niya. "Huwag ka mangialam sa amin ng asawa ko. Ikaw ang gago! Tang-ina mo pa para pumunta rito!"
"Mikel." Ang boses na iyon ni Tamara kasabay nang paghimas nito sa braso niya ang mabilis na nagpakalma sa naghuhurumentado na pagkatao ni Mikel. "Mikel, please, don’t."
Tamara’s pleadings will be Mikel’s kryptonite, dahil sa nagungusap na mata pa lamang ng asawa niya ay natatalo na siya agad. "Leave, Wyatt." Madiin na utos niya sa pinsan.
"I won’t leave." Madiin din na sagot nito.
Bumitaw sa kan’ya si Tamara at nag-aalangan na lumapit muli kay Wyatt. "Ayos lang ako, Wyatt. Sorry dahil ginulo pa kita. Sorry dahil nagkakagulo pa kayo na dalawa dahil sa akin."
Masuyo ang mga tingin na iginawad ni Wyatt kay Tamara, at lalo na nagagalit ang puso ni Mikel. "Peaches, sabi naman sa’yo, gagawin ko ang lahat para sa’yo. Ayos ka lang ba? I will leave, kahit ayaw ko, kapag sinabi mo na ayos ka lang na maiwan sa baliw ko na pinsan."
"Ayos lang ako. I’ll call you." Tumango lang si Wyatt at isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan. Ayaw man niya, but he needs to go. Humalik pa siya kay Tamara sa pisngi nito at saka nagdiretso lakad palabas sa garahe.
Pigil na pigil at pilit na kinokontrol ni Mikel ang muli na pagbugso ng galit niya dahil sa halik na iyon. He knows he needs to shut-up, otherwise, ay mas lalo na lalala ang problema nila na mag-asawa. But f**k it, kung hindi niya gusto na magwala dahil sa muli na
paghalik na iyon ni Wyatt sa misis niya sa mismong harapan na naman niya.
"I’m sorry, Mikel." Huling salita ni Tamara sa kan’ya tsaka nagmamadali na pumasok sa loob ng bahay ang asawa niya.