Nanatili si Mikel sa garahe at hindi agad na sumunod sa asawa na si Tamara papasok ng bahay. He needs to control his emotions. He needs to control his fury dahil baka mas lalo na lumala ang pag-aaway nilang dalawa.
This is the biggest fight that they ever had. And it’s all because of his heck of a cousin. Alam ni Mikel that he is being too hard, walang ibang kasalanan ang asawa niya kung hindi ang maging mabait. Because of Tamara’s good naturedness, she doesn’t know how to differentiate the truth from his cousin’s lies.
This is also the first time that Mikel chose to fight his cousin over a woman. This is the first time he let his emotions get through him, because of a woman. A woman who is his contracted wife.
How ironic, na ang babae na lubha na mahal na mahal niya noon ay hinayaan na lamang niya na mapunta kay Wyatt at hindi na ipinaglaban pa, pero ngayon, ang babae na hindi nga niya maamin-amin kahit sa kan’yang sarili ang tunay niya na nararamdaman ay ipinaglalaban niya.
Mikel is in a mess and it’s all because of Tamara. Hanggang kailan nga ba si Mikel makikipaglaro ng taguan sa kan'yang damdamin? Hanggang kailan nga ba sila patuloy na magtataguan din ng damdamin ni Tamara? Mikel doesn’t know, because he is not even sure if Tamara is even feeling the same way towards him. At natatakot siya sa kaalaman na maaari na mas matimbang ang kan’yang pinsan kay Tamara.
Lulugo-lugo na pumasok si Mikel sa loob ng bahay. His weekend that was supposed to be spent with his wife ay napunta sa isang weekend ng kaguluhan. Nagdiretso siya sa sala at naupo sa couch. Inaasahan naman na niya na muli na magkukulong si Tamara sa silid nito. He is so used to Tamara’s ways dahil alam naman niya ang patuloy na pangingilag nito sa kan’ya.
Nakapikit siya habang nakasandal sa upuan. Nauubusan na siya ng paliwanag sa kan’yang sarili at kahit kay Tamara. Hindi na niya alam kung paano ipapaliwanag ang mga kabaliwan niya at ang hindi maitatanggi na pagseselos na nararamdaman niya sa relasyon na mayro’n sina Tamara at Wyatt.
Wala rin siyang patuloy na maisagot kung bakit siya ang asawa ni Tamara, pero mas marami pa ang kinikilig na makita sina Tamara at Wyatt na magkasama sa kanilang opisina. Are his employees really rooting for his wife and his cousin? But why? Can’t they see how much he is really falling for her?
Napabalikwas si Mikel at mabilis na napadilat sa sariling tanong na iyon na pumasok sa kan’yang isipan. Is he really falling for his contracted wife? Is he in love with Tamara?
Fuck it, if he really does, because of the many complications that it can add to their lives. Pero iyon lang ang tamang kasagutan sa mga kagaguhan na patuloy na ginagawa ni Mikel kay Tamara. Iyon lamang ang tamang paliwanag sa mga katarantaduhan na pagseselos na nararamdaman niya. He has admitted it to himself. The question that remains is whether he is man enough to admit it to his wife.
Muli siya na pumikit at sumandal. Patuloy niya na tinatanong ang kan’yang sarili kung handa na nga ba siya na aminin kay Tamara ang totoo. Pero paano ang kontrata sa pagitan nila kung gagawin niya iyon? Is he ready to let go of all his fears and inhibitions once again, para sumugal sa isang bagay na wala sa kan’yang plano at walang kasiguruhan? Handa na nga ba siya na muli na masaktan ang kan’yang puso, lalo na at sa isa pa na pagkakataon ay magiging kaagaw at katunggali niya si Wyatt?
"Mikel, can we talk?" Boses ni Tamara ang narinig niya at hindi niya maiwasan ang tipid na ngiti na sumilay sa kan’yang labi sa narinig na boses ng asawa.
Dumilat siya at sumulyap sa pinanggalingan ng boses at nakita niya si Tamara na nag-aalinlangan na nakatayo at nakamasid sa kan’ya. Seeing Tamara with conflicting emotions scares him. Ayaw niya na makita ang takot at pag-aalinlangan sa kan’ya ng asawa niya, pero kahit na ano ang gawin niya ay iyon at iyon pa rin ang nakikita niya sa mga mata ni Tamara.
Iminuwestra niya ang espasyo sa kan’yang tabi. "Come here, bu, sit beside me."
Isang malalim na buntong-hininga muna ang pinakawalan ng babae saka naman aligaga na tumalima sa utos ni Mikel. Nang makaupo si Tamara sa kan’yang tabi ay hinarap niya ang asawa at kinuha ang mga kamay nito.
"Bu, I’m sorry." Mga salita na tanging alam na sambitin ni Mikel kapag si Tamara ang kaharap niya. Patuloy siya na humihingi ng tawad dahil sa patuloy niya na nasasaktan ang asawa niya sa mga ikinikilos at sinasabi niya.
"Mikel, bakit?" Hindi alam ni Mikel kung ano ang bakit na itinatanong sa kan’ya ni Tamara. Her question is too vague for him to even utter a reply.
"Ano ang gusto mo na sagot sa tanong mo na iyan?" Balik-tanong ni Mikel.
Napahalukipkip si Tamara sa kan’ya. "Are you always this complicated? Is it always this hard to understand you?"
"Are you always this naive? Don’t you know how to differentiate between lies and the truth?" Kitang-kita ni Mikel ang pagpipigil ni Tamara sa inis na nais na kumawala sa kan’ya. He knows she is trying her best not to answer him back. Alam na alam ni Mikel ang pagpipigil ni Tamara upang hindi siya pilosopohin ngayon sa mga ginagawa niya na pagbabalik-tanong sa asawa niya.
"Then tell me, Mikel, what is the truth and what is the lie in all of this?" That question left Mikel speechless. Alam na alam niya kung ano ang itinutumbok ni Tamara. "Kung alam na alam mo pala ang lahat, why don’t you tell me the truth then?"
Ilan segundo muna na natahimik pa si Mikel saka siya muli na nagsalita, "I told you so many times to stay away from Wyatt. Sinabihan na kita, pero patuloy mo ako na sinusuway. I know his motives, Tam, alam ko kung ano ang totoo na nararamdaman niya para sa’yo."
Sarkastiko na tumawa si Tamara sa kan’ya. "Why are you so judgemental, Mikel? Bakit ang dali mo na husgahan ang nararamdaman ng ibang tao, pero ang sarili mo na damdamin ay hindi mo kaya na kilalanin?"
Alam na alam ni Mikel ang nais na mangyari ni Tamara, at gusto niya rin iyon. Gusto niya na rin na magka-aminan silang mag-asawa. But Mikel is too hurt and too broken to let his vulnerable side be vulnerable again. Kaya hangga’t hindi nauuna na umamin si Tamara sa kan’ya ay hindi rin siya aamin.
"You are also judging me the same way that you are accusing me of judging others."
"I want to understand you, Mikel. Gustong-gusto ko na magkaintindihan tayo, pero hindi ko magawa dahil pakiramdam ko ang hirap mo na kilalanin. Ang hirap-hirap mo na intindihin.'
Mikel is hurt by her words. Nasasaktan siya that Tamara can’t trust him enough to believe his actions. "Bu, I’m not good with words. You have to see beneath my actions to be able to know and understand me."