Chapter 34 - Danger

1367 Words
Simula nang magtalo sina Mikel at Wyatt noon nakaraan ay hindi na muli na bumisita si Wyatt dito sa opisina. At ipinagpapasalamat ko na rin na kahit paano ay dumistansya si Wyatt sa kan’yang pinsan. Hindi ko na kakayanin pa na muli sila na makita na magpang-abot na kagaya no’n. Halos tumalon ang puso ko palabas ng dibdib ko nang maabutan ko ang akma na pagsuntok na iyon ni Mikel kay Wyatt. Hindi man dumadalaw rito si Wyatt ay patuloy naman kami na nag-uusap at nagkaka-text. At natutuwa ako na sa kabila nang pagtatalo nila na magpinsan ay nanatili ang pagkakaibigan namin dalawa. Ilang araw na rin kami na nag-iiwasan ni Mikel. Ay! Mali pala, ilang araw ko na rin na pilit na iniiwasan si Mikel. Gulong-gulo ako sa nararamdaman ko para sa kan’ya, at mas lalo ako na naguguluhan sa mga ikinikilos niya sa akin. Gustuhin ko man na aminin sa kan’ya ang totoo na nararamdaman ko ay hindi ko magawa. Hindi ko na gugustuhin pa na muli na mapahiya sa mga mali na assumptions na mayro’n ako sa mga kilos niya. He told me to look beyond his actions, pero paano ko gagawin ang bagay na iyon? Kahit sa mga kilos at aksyon ni Mikel ay hindi ko na kaya na idiperensya kung ano ang katotohanan at kung ano ang pagpapanggap lamang. He is too good to be an actor for my liking. Malakas na pagtunog sa telepono ko ang gumulo sa aking pag-iisip, at nang makita ang pagtawag ni Chad ay mabilis ko na sinagot iyon. "Tamara, nasaan ka?" bungad niya sa akin. "Ano ang kailangan mo, Chad? Nasa opisina ako." Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan. Nababakas ko rin sa tono ng boses ni Chad ang pag-aalinlangan niya. "Magkita tayo ngayon din. May mga impormasyon ako na kailangan na sabihin sa’yo patungkol sa mga plano ni Leonardo." Ang mga salita na iyon lamang ang kailangan ko na marinig at walang kagatol-gatol ako na pumayag sa nais niya. "Anong oras at saan, Chad?" "Puntahan mo ako sa restawran na malapit sa eskuwelahan ng pamangkin mo. Alas kuwatro ng hapon ngayon araw, Tamara." Napasulyap ako sa relo sa opisina ni Mikel. May mahigit na isang oras pa ako para makapunta roon. "Darating ako, Chad." Mabilis na pinutol ng kapatid ko ang tawag pagkatapos no'n. Dumadagundong ang puso ko dahil halata ko sa boses ni Chad ang kaba. Ano ba ang balak ni Leonardo sa akin? Muli ako na napasulyap sa orasan, hindi ko alam kung hanggang anong oras ang meeting ni Mikel sa labas ng kumpanya. Tiyak din ako na magagalit na naman siya kapag lumabas ako na walang paalam, pero kailangan ko na makausap si Chad at kailangan ko na malaman ang mga plano ni Leonardo. Mabilis ko na inayos ang aking mga gamit. Ite-text ko na lamang si Mikel upang magpaalam, at kung magalit man siya ay mamaya ko na haharapin ang galit na iyon sa bahay. Ang importante ngayon ay malaman ko ang mga hakbang ni Leonardo para makapagplano ako para mailigtas ko ang sarili ko. Nang makalabas ako ng opisina ni Mikel ay nabungaran ko si Diane na gulat na gulat na paalis na ako. "Saan ka pupunta, Tamara? Hindi pa nakakabalik si Sir Mikel at baka hanapin ka niya at magwala na naman." "Diane, kailangan ko nang umalis ngayon. Paki-sabi mo na lamang kay Mikel na sa bahay na kami magkita." "Pero saan ka ba pupunta? Sabihin mo sa akin para alam ko rin ang sasabihin ko sa asawa mo. Alam mo naman na mabilis na nagwawala iyon kapag hindi ka niya naaabutan sa opisina niya." "Pakisabi mo na lamang na pupuntahan ko ang kapatid ko at importante lang. Huwag ka mag-alala dahil mag-te-text naman din ako sa kan’ya. Pakibanggit mo na lamang din." "Pero saan mo pupuntahan ang kapatid mo?" muli na tanong ni Diane sa akin. Hindi ko na siya sinagot at nagmamadali na iminuwestra ang kamay ko na aalis na ako. Habang nasa elevator ako ay nagtipa na ako ng mensahe kay Mikel kung saan ako pupunta. Ayaw ko na sana na magsabi pa dahil ayaw ko na siya na abalahin pa dahil alam ko na busy rin siya sa trabaho, pero naalala ko si Diane at baka siya na naman ang mapagbuntunan ng galit ng asawa ko. Gulat na gulat kahit ang mga guwardiya nang makita ako na nagmamadali na palabas ng building. Nais pa sana ako na pigilan ng isa sa kanila pero mabilis na ako na lumabas at pumara ng taxi. Ipinagdarasal ko na sana naman ay sabihin na ni Chad sa akin ng diretso ang plano at hakbang ni Leonardo at huwag na ako na perahan pa. Dahil may kalayuan ang lugar na pagkikitaan namin ni Chad ay eksakto na mag-aalas kuwatro ako dumating. Mabilis ako na pumasok sa restawran at hinanap ng mga mata ko si Chad. Sumulyap ako sa telepono ko pero wala pa rin siya na message kaya naisipan ko na maupo na lamang at hintayin ang pagdating niya. Hindi pa man nag-iinit ang puwet ko sa pagkakaupo ay boses na ni Chad ang narinig ko. "Tamara." Napaangat ako ng ulo at nakita ko ang hindi maipaliwanag na emosyon sa mukha ni Chad. Lalo tuloy ang kaba na naramdaman ko dahil bibihira ko na makita ang takot at pagkabalisa sa kapatid ko. "May problema ba, Chad? Ano ang mga nalaman mo? Ayos ka lang ba?" Hindi ko mapigilan ang sunod-sunod na pagtatanong ko sa kan’ya. Umupo siya sa katapat ko na upuan at tumawag ng waiter. "Ano ang gusto mo na kainin, Tamara?" Umiling lamang ako dahil hindi naman pagkain ang ipinunta ko rito. "Ayos lang ako." Umorder siya ng dalawang inumin at agad na pinaalis ang waiter. Ipinatong niya ang mga braso niya sa lamesa sa harapan niya at mataman na tumitig sa akin. "Nasaan ang asawa mo?" "Chad, ano ba ang plano ni Leonardo? Huwag na natin na isama pa si Mikel sa usapan dahil ang sadya ko lang talaga ay ang malaman ang mga masasama na balak ng tatay ni Mikel sa akin." "Mag-iingat ka, Tamara. Sinabi ko naman sa’yo na hindi ka susukuan ni Leonardo at gagawa siya ng mga paraan para makuha ka sa anak niya." "Ano nga ang mga plano niya, Chad?" Dismayado na tanong ko pa. Hindi ko alam kung bakit pinapa-ikot-ikot pa ni Chad at sinasabi pa niya ang mga bagay na matagal ko nang alam. "Hindi ko alam kung ano ang direkta na plano niya." "Hindi mo alam, pero pinapunta mo pa ako rito?" Naiinis na tanong ko pa sa kan’ya. Nanggigigil ako na nagsayang lamang ako ng oras at panahon at kinailangan ko pa na bumiyahe para lamang sa wala. "Aba, Tamara, dapat ay magpasalamat ka pa nga sa akin at sinasabihan kita at binibigyan ng babala." Nairolyo ko ang mga mata ko sa kan'ya. "Anong babala nga, Chad? Paulit-ulit tayo." "Kumalma ka nga muna. Naghihintay pa ako ng tawag buhat sa mga tauhan ni Leonardo sa ngayon kung ano ang mga hakbang niya." "Wala ka pa naman pala na impormasyon ay pinapunta mo pa ako agad dito." Naiinis na tumayo ako sa pagkakaupo ko at binitbit ang bag ko. "Hoy, saan ka pupunta?" Naguguluhan na tanong niya sa akin. "Sa cr lang ako. Siguro naman puwede na muna ako na umihi habang naghihintay ka pa naman pala ng tawag." Padabog na umalis ako sa harapan niya at nagdiretso sa restroom. Kahit kailan talaga ay baliw ang kapatid ko. Pinapunta niya agad ako rito gano’n na wala pa naman pala siya na hawak na mga impormasyon. Hindi ko tuloy maiwasan na isipin na baka naghihintay na naman si Chad ng pera bago siya umamin sa akin. Binuksan ko ang dala ko na wallet at binilang ang laman nito. Three thousand pesos lamang ang dala ko, at hindi naman puwede na ibigay ko ito kay Chad lahat. Aba, sinusuwerte naman siya. Napahalukipkip ako at ibinalik ang wallet sa bag ko. Kailangan ko na kontrolin ang inis at galit ko kay Chad dahil kailangan ko ng mga impormasyon. At kung kailangan ni Chad ng pera ay ibibigay ko na lang ang nais niya upang makuha ko lang din ang mga nais ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD