"Bu, why are you frowning again?"
"Talaga ba na itinatanong mo pa iyan sa akin?" Ipinagkrus ko pa ang aking mga braso sa harap ng aking dibdib at itinaas ang kilay ko sa kan’ya.
Naiiling siya na lumapit sa lamesa ko, pero may mga ngiti na sumisilay sa kan’yang labi. Yumuko siya at lapit na lapit na naman ang mukha niya sa akin kaya hindi ko maiwasan na mag-init ang pisngi ko. Pilit ko na hindi iniiba ang ekspresyon ng mukha ko at pinapananatili ang inis na itsura ko.
"Sorry na, bu. Nakaligtaan ko lang talaga." Pagsusumamo niya sa akin, pero kahit na ano ang gawin niya na pagpapa-cute sa akin ngayon ay hindi uubra. I will stand by my principles.
"Sorry? Kung panay sorry na lang ay dapat wala nang magiging trabaho ang barangay officials at mga pulis. Kung lagi na lang na puwede ang sorry, eh 'di sana peaceful lang ang buong mundo."
Ikinagulat ko pa nang lapitan niya ako sa aking upuan at hatakin iyon papunta sa kan’ya. Muli siya na yumuko sa akin at hindi ko maiwasan na mapakagat sa labi ko sa kaba na nararamdaman ko sa posisyon namin. "What did I tell you about biting your lips? Talaga ba na gustong-gusto mo ako na inaakit?"
"Hoy, Mikel, umayos ka!" sigaw ko habang pinamumulahanan ng mukha. "Hindi kita inaakit. Lapit na lapit ka na naman kasi sa akin, hindi mo ba alam ang ibig sabihin ng personal space?"
Hindi mawala-wala ang ngiti kay Mikel at ikinagulat ko pa nang halikan niya ako sa labi na lalo nang ikinalaki ng mga mata ko. "I know it’s my fault, sweetie, and I said I’m sorry."
"Hoy! Bakit mo ako hinalikan?"
"Peace offering ko iyon sa’yo." Taas-baba pa ng kilay niya sa akin.
"Peace offering? Bakit ikaw lang ang nasiyahan?" Pagmamaktol ko pa.
"Ako lang ba talaga? Bakit nabitin ka ba? Gusto mo ba ng torrid?" Natakpan ko ang bibig ni Mikel dahil sa mga bulgar na naman na sinasabi niya. Pulang-pula na ako sa hiya habang ang asawa ko naman ay tawang-tawa lang sa akin.
"Tumahimik ka nga! Mamaya marinig ka pa ni Diane, o kung sino riyan, at kung ano pa ang isipin sa pagkabulgar mo."
"Please forgive me na kasi, bu. What do you want, para lang matanggap mo ang sorry ko?"
"What do I want? Talaga, kahit na ano?" tanong ko sa kan’ya na tinanguan naman niya. "Say it with words, Mikel. Hindi uuubra ang patango-tango lang sa akin ngayon."
Napangiti siya sa sinabi ko. "Yes, sweetie, kahit na anong gusto mo, basta at huwag ka na lang na magalit sa akin."
Sumilay ang malapad na ngiti sa akin. Isinenyas ko sa kan’ya ang tatlong daliri ko kaya naman napakunot ang noo niya sa akin. "Tatlo."
"Anong tatlo?" Naguguluhan na tanong pa niya sa akin pero hindi pa rin lumalayo.
"Tatlo ang tutuparin mo na wish ko." Pigil ang ngiti na sagot ko.
"Tatlo? And why is that?"
"Because you’ve made me wait for you for three hours and you've got me worried sick." Lalo na lumapad ang ngiti sa kan’ya sa sinabi ko. At bigla ang pagkaramdam ko ng kilig dahil sa mga ngiti na iyon. Dumadagundong ang puso ko lalo na at patuloy siya na nakatunghay pa rin sa akin.
"Whatever you want, bu."
"Fine. First, kain na tayo sa canteen. Gutom na talaga ako sa paghihintay sa’yo." Nag-pout ako at laking pagkagulat ko na imbes na tugunin ang sinabi ko ay bigla niya na naman ako na dinampian ng halik sa labi na nakapagpalaki muli ng mga mata ko.
"Mikel!" sigaw ko.
"What? Your pout is inviting me for a kiss." Lalo naman ako na pinamulahanan ng mukha sa kan'yang naging tugon.
We have been like this ever since that talk that we had. Pinipilit gawin ni Mikel ang lahat upang maging maayos ang pagsasama namin at kung minsan nga ay parang totoo na talaga ang namamagitan sa aming dalawa, minus the actual label.
Kagaya ngayon, na ang malaking kasalanan niya na sinasabi ko ay nang pinaghintay niya ako ng tatlong oras. Hindi naman niya talaga kasalanan iyon, pero sa akin. Sinabi na niya sa akin na huwag na ako na pumasok at ihahatid na lamang niya ako sa mansyon ng mama niya dahil may importante siya na meeting, pero bilang ako ay si Tamara na hindi marunong sumunod, ay nagpumilit ako na sumama. Hindi ko naman inakala na outside office meeting pala iyon na inabot ng tatlong oras habang ako ay nakatanghod lamang sa kanila.
To be fair ay ipinakilala naman niya ako bilang asawa niya, pero hindi ko talaga matagalan ang pag-uusap nila na iyon kaya naman ay nagpaalam ako na mag-iikot-ikot muna. Sa kamalasan naman ay tumagal sila ng tatlong oras at nanakit na ang mga paa ko sa kakalakad sa golf course na iyon. Nang matapos ay nakalimutan pa niya ang usapan namin na kakain sa paborito ko na fast food at dito siya dumiretso sa kan’yang opisina sa pagmamadali niya.
"Basta tatlo ha." Pag-uulit ko pa.
Makahulugan na ngiti naman ang ibinalik sa akin ni Mikel, at lalo naman siya na gumu-guwapo sa aking paningin dahil sa pagiging masayahin niya nitong mga nakalipas na araw. "Sige. pero tatlo rin ha?"
"Ano ang tatlo rin?" gulong-gulo na tanong ko.
"Tatlong rounds din tayo pag-uwi natin mamaya." Bigla niya ako na hinatak patayo nang sabihin niya iyon kaya napakapit na naman ako sa dibdib niya habang siya ay nagingislap ang mga mata na nakatingin sa akin. "Ano, deal na?"
"Deal mo, mukha mo! Sabi mo ay ikaw ang magtutupad ng wish ko, bakit ngayon nabaligtad na at may wish ka na rin?"
"Bakit, hindi mo ba wish na may mangyari sa atin ulit? Akala mo ba ay hindi ko nakikita ang mga patago mo na pagsulyap sa akin? Alam ko ang ibig sabihin ng mga tingin na iyon, sweetie."
"Hoy! Halika na nga at nagugutom na ako. Dami mo na naman na satsat." Hinatak ko na siya palabas ng opisina niya para hindi na magsalita pa ng kung ano-ano na lalo lamang ikinaiinit ng pakiramdam ko.
Nagulat pa ako nang pagkalabas namin ng opisina niya ay akbayan niya ako kaya naman gulat na gulat rin ang tingin sa amin ni Diane. "Ay, sir, paalis na kayo?" tanong niya.
"No. Not yet. Nagyayaya lang ang misis ko sa canteen."
"Sa canteen?" Gulat na balik tanong ni Diane. "Kakain ka sa canteen, sir?"
"Bakit may masama ba, Diane?"
"Wala. Wala naman, sir. Ito lang kasi yata ang unang beses na pupunta ka roon. Ang sweet mo talaga kay Mam Tamara."
"It’s best na alam ng mga empleyado kung sino ang asawa ni Tamara. Masyado na akong marami na naririnig na hindi nagugustuhan ng mga tainga ko. Screen all my calls. No meetings. I will be spending my afternoon with my wife."
"Ay, marunong ka pala na magselos, sir. Pero in fairness, ang effort. Nakakakilig naman ang maging asawa mo, sir, biruin mo ang buong hapon mo talaga na kay mam na?"
Pinandilatan ko na lamang si Diane at hinila na papunta sa elevator si Mikel. "Mauna na kami, Diane, at gutom na ako."
Dikit na dikit pa rin si Mikel sa akin kahit na maluwag naman ang elevator at kami lamang ang sakay. "Hindi naman masikip, bakit ba siksik ka nang siksik sa akin?"
"Kung alam mo lang, Tamara, na hindi lamang pagsiksik ang gusto ko na gawin sa'yo, kung hindi pati ang pagpasok."
Nahampas ko si Mikel sa kan'yang braso habang patuloy naman siya sa pagtawa sa akin. Lekat na lalaki ito, napaka bulgar at hindi na nahiya! "Tumigil ka na nga! Bastos ka!"
"Walang bastos do’n, wife, dahil asawa kita. Bastos kung sa iba ko gagawin ang mga naiisip ko." Mabilis na nangunot ang noo ko at sa kung ano ang dahilan ay parang nakaramdam ako ng selos, kaya naman sinimangutan ko siya at sakto naman ang pagbukas ng elevator kaya inunahan ko na siya na maglakad palabas.
Nagulat na lamang ako nang pigilan ako ng mga braso na pumulupot sa beywang ko kasabay sa pagbulong ni Mikel sa tainga ko. "At bakit ka lumalayo sa akin? You stay by my side, para alam ng mga empleyado rito kung sino ang asawa mo."
"Baliw ka ba? Alam naman na talaga nila na asawa kita. Lumayo ka na nga at nakakahiya sa mga tao rito."
"It’s better this way, para makalimutan na nila ang pag-ship sa inyo ni Wyatt. My cousin should be out of the picture."
"Bakit nagseselos ka ba?" Napatakip ako ng bibig ko dahil kusa na lumabas ang mga salita na iyon. Minsan talaga ay wala akong preno at kusa nang lumalabas sa bibig ko ang mga bagay na naiisip ko lamang dapat. "Ay! Char-char lang iyon. Huwag ka-"
"And what if I am? May karapatan ako na magselos dahil asawa kita." And those words from Mikel left me speechless.
Nagseselos siya. Inaamin na niya ngayon na apektado siya kay Wyatt. Sa kanya na mismo nanggaling kaya hindi na ako assumptionista. Dumagundong ang puso ko. Sa kaba o sa tuwa ay hindi ko alam, basta ang alam ko ay may kakaiba na saya sa pakiramdam ko ang hatid sa akin nang sinabi niya.
We may not have the label. We may not have said those words. Pero may malaking bahagi ko ang nagsasabi sa aking isipan na pareho na kami ng nararamdaman. Hindi ko alam kung bakit pareho kami na naduduwag na aminin ang mga bagay na iyon. Hindi ko alam kung bakit hindi namin magawa na magsabi ng totoo.
"Nagseselos ka?" Parang sirang plaka na inulit ko pa ang sinabi niya.
"I will always get jealous, Tamara. Hindi lang kay Wyatt, kung hindi sa lahat ng lalaki na magbabalak sa’yo. I am your husband and that will remain."
Hindi ako nakasagot lalo na at dinampian niya ako ng isang masuyo na halik kahit na napapalibutan kami ng mga empleyado niya. Pagsinghap na lamang ng mga tao sa paligid namin ang narinig ko na malamang ay ikinagulat ang naging akto niya na iyon. Pero nang titigan niya ako muli at magtama ang aming paningin ay naiwan kami sa sarili namin mundo. Ang mundo na kaming dalawa lamang ang naro'n at dagundong lamang ng puso namin ang aking naririnig.
I have fallen in love with Mikel. I am deeply in love with the man in front of me. I am in love with my husband. At kung hanggang saan kami aabot dahil sa nararamdaman ko na ito ay hindi ko rin alam.