Marami ang namamatay sa maling akala. At ito ang napatunayan ko nang pagtangkaan ako ng sarili ko na kapatid. Hindi ko inakala at maski sa hinagap ay hindi ko naisip na magagawa niya ako na pagtangkaan at maipagkanulo para lamang mailigtas ang kan’yang sarili.
Hindi ko lubos na matanggap na napakamakasarili ng kapatid ko at ng sarili ko na mga magulang, dahil kaya nila ako na ilagay sa kapahamakan makuha lamang nila ang nais nila. To say that I am disappointed with my own family is an understatement. I am severely damaged by my so-called family.
And I really thought that I was going to die at that moment. Ang buong akala ko ay katapusan ko na at wala na akong kaligtasan. But Mikel made me realize that there will always be hope. He made me realize that I could always trust his words to save me. Hindi ko alam kung paano, pero nagawa niya ako na iligtas sa kahuli-hulihan na sandali. And that made me fall harder for him. Harder than I can ever imagine.
Isang linggo na ang nakakalipas at hanggang ngayon ay hindi ko pa tuluyan na matanggap ang lahat ng nangyari sa akin. It was all planned. Ginamit ni Chad na bitag ang katotohanan at impormasyon na gusto ko malaman buhat sa kan’ya, pero ang totoo ay ipinagkanulo niya ako.
Hindi rin ako buntis na gaya ng akala ko. And that day at the hospital ay napatunayan namin iyon ni Mikel. I was drugged by Chad. Ang juice na ipinainom niya sa akin ay may halo na gamot upang madala ako ng mga tauhan ni Leonardo. I was set-up by my own brother para mabigyan ng pagkakataon si Leonardo na pagsamantalahan ako at buntisin. Ito ang mga impormasyon na nakalap ni Mikel patungkol sa mga pangyayari.
And because of that incident, I have made up my mind. I no longer want to be a part of my family. Masyado na sila na marami na ibinibigay na rason sa akin upang tuluyan ko nang kalimutan at talikuran ang pamilya na ipinaglalaban ko. At this point, I don’t have the drive and the energy to do everything for them.
"Sweetie," Malambing na tawag ni Mikel nang pumasok siya sa aking silid. "Let’s go. I made breakfast for you."
Hindi muna ako pinapapasok ni Mikel sa opisina simula nang mangyari ang pagtatangka na iyon sa akin. Malimit din siya na nakabantay sa akin, at kung hindi naman ay ang kan’yang ina na si Marlene. Mabilis din ang mga naging aksyon ni Mikel patungkol sa mga pangyayari at humiling siya ng restraining order para sa akin laban sa kapatid ko at sa ama niya.
"Hindi ka na naman ba papasok sa opisina? Mikel, ayos na naman ako, puwede mo na akong iwan dito na mag-isa."
"No. I don’t want to. I need to be here for you just in case."
Nahihiya na rin ako na sobra-sobra pa sa dapat ang ginagawa ni Mikel para sa akin. "Pero, Mikel, hindi mo naman na ako kailangan na bantayan dito. Natuto na rin ako sa ginawa ni Chad at hindi na ako muli magpapaloko pa sa kan’ya. Tama na ang mga panahon at pagkakataon na nagsakripisyo ako para sa pamilya ko. Tama na ang pagpapakahirap ko para sa kanila dahil hindi naman nila ako itinuturing na kapamilya nila. Isa lamang ako na taga-sustento at taga-ligtas nila. And I am so fed up with them. I learned my lesson, at gaano man kahirap at kasakit, I need to let them go. Kailangan ko nang tanggapin na sa buhay na ito ay ako lamang mag-isa talaga at sarili ko lamang ang maaasahan ko."
Napansin ko ang bigla na pagrehistro ng inis at galit kay Mikel, pero mabilis niya iyon na napalitan ng malamlam na ekspresyon. Lumapit siya sa akin sa kama at umupo sa aking tabi. "Why would you even think like that, bu?"
"Dahil iyon ang totoo, Mikel. Kahit na ano pa ang pagpipilit ko sa sarili ko na hanapan ng magandang rason ang pamilya ko ay wala akong mahanap. Ang nakikita ko ay tanging mga dahilan kung bakit dapat ko na sila na isuko at kalimutan."
"Why would you even think that you are alone?" Pag-uulit niya sa akin ng tanong habang ang mga mata ay nakatunghay sa akin.
"Because that’s the truth, Mikel. I am alone in this world. At matagal ko na naman din na alam ang bagay na iyon, pero siguro nga lamang ay nahihirapan ako na tanggapin. Hindi ko lang din kaya na aminin sa sarili ko na hindi pamilya ang tingin sa akin ng pamilya ko. I am scared of the thought of being alone and that is why I am holding on to that idea of a family. Pero dahil sa mga ginawa ni Chad, at ang patuloy na pagbabalewala ng mga magulang ko sa mga katotohanan na iyon, ay mas lalo na akong natatakot na manatili na parte ng pamilya namin na iyon, at mas gugustuhin ko na lamang ang mag-isa."
Napabuga ng hangin si Mikel kasabay ng paghapit niya sa akin papalapit sa kan’ya. Isinandal niya pa ang ulo ko sa kan’yang dibdib at ang posisyon na ito ay nagbigay na naman ng kung ano-ano na ideya sa isipan ko. "Bu, you will never be alone. Not anymore. Please put that in your head, because I’ll never let you be alone anymore. I am your husband, Tamara."
Hearing him say that he is my husband made me feel unexplainable emotions. Napakaganda na marinig at musika iyon sa aking pandinig. Sana nga lamang ay asawa ko siya sa tunay na pagpapakahulugan ng salita na iyon at hindi lamang sa papel at sa kontrata.
"Mikel, don’t make false promises. Yes, you are my husband, but we both know that you are my husband because of a contract. After two years, wala nang salitang asawa ang mananatili sa pagitan natin dalawa."
His eyes reflected pain at my words, at hindi ko alam kung bakit. I am telling the truth dahil ayaw ko rin na umasa sa mga bagay na lalo lamang makakasakit sa akin. Expecting means disappointments, kaya mas lalo na ayaw ko nang umasa na mayro’n pa na mas hihigit sa kung ano ang mayro’n kami.
Alam ko na planado ang lahat kay Mikel. At ako ay isa lamang na parte ng maraming plano niya. Parte lamang ng biglaan plano dahil sa minsan niya na pagkalasing. At dalawang taon lamang ako na kasama sa mga plano niya para sa aming dalawa.
"Let’s not overthink things, Tamara. At huwag mo na pangunahan ang mga mangyayari. Wala sino man sa atin dalawa ang kaya na sabihin kung ano ang nasa hinaharap. Let us just wait for things to happen at their own course, shall we?"
"Expectations are disappointments waiting to happen. Ayaw ko nang umasa sa mga bagay na alam ko na hindi mangyayari. Ayaw ko nang patuloy na bigyan ang sarili ko ng mga dahilan para hindi magtiwala. Simply put, no expectations, no disappointments."
"Bu, I will try my best not to disappoint you. I will make you believe in words and promises again. Bibigyan kita ng mga rason para muli na maniwala na may magandang bukas para sa lahat."
Nagtatanong ang aking mga mata sa kan’ya. Hindi ko maintindihan kung paano at bakit niya gagawin ang mga bagay na iyon. "How can you, Mikel? Paano mo iyon gagawin, kung ikaw na mismo ang nagsabi sa akin that you are not good with words?"
"Kagaya mo ay takot din ako, bu. I am f*****g scared of what’s happening, pero alam ko na dahil kasama kita ay makakaya ko. You made me want to try to be good with words. Gusto ko subukan para mas lalo natin na maintindihan ang isa't-isa. Gusto ko na sabihin at gawin ang mga bagay na gusto ko ay maintindihan mo. I know now that my actions and words are both needed to really show the emotions that I have for you."
Natilihan ako. Naguguluhan ako sa mga pakahulugan ng mga salita niya kaya hindi maiwasan ang naging pagkunot ng aking noo. "Bu, let’s take everything one day at a time. Parehas natin na tulungan ang isa’t-isa na harapin ang mga takot natin. Two years. We have two years for that, and what happens after those two years ay sisiguraduhin ko that it will never ever bring you any disappointments.”