Chapter 35 - His Fears

1565 Words
Palakad-lakad si Mikel sa silid na iyon sa ospital. Kanina pa siya hindi mapakali simula nang dalahin niya rito si Tamara kanina. Hanggang ngayon ay wala pa rin malay ang asawa niya at sobra-sobra na ang kaba na nararamdaman ng puso niya. Bumukas ang pintuan at magkasunod na pumasok sina Stan at ang kan’yang ina na si Marlene. "What happened to Tamara, Mikel?" Bungad agad ng ina niya na halata rin ang pagkabahala sa sinapit ni Tamara. At tuwing maiisip ni Mikel na kamuntikan na siya na mahuli sa pagliligtas sa asawa niya ay lalo naman ang galit na nararamdaman niya sa ama. “He almost got her. The asshole almost got my wife." Galit ang tono ni Mikel at hindi alintana na ang kan’yang kaharap ay ang kan’yang ina. “Oh my! Don’t tell me that the him you are referring to is –" "My f*****g asshole of a father." Pagtatapos niya sa sinasabi ng kan’yang ina. Namilog ang mga mata ni Marlene sa narinig. She felt it the first time she saw how Leonardo looked at Tamara, at hindi niya mawari ang kawalanghiyaan na taglay ng dati na asawa niya na ultimo asawa na ng sariling anak ay pinagnanasahan pa. "Kamuntik na ako na mahuli. Kamuntik na siya na mapahamak dahil wala ako sa tabi niya. Her asshole of a brother connived with that same asshole of a father that I have." Gumagaralgal ang boses ni Mikel sa sariling takot na nararamdaman niya. Takot hindi para sa sarili niya, kung hindi para sa asawa na mahal na niya. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kung nahuli siya ng dating at nalagay sa kapahamakan si Tamara. "How? What? Hindi ko alam ang sasabihin ko." Gulong-gulo ang kan’yang ina at hindi rin mapagtanto ang muntik na sapitin na kapahamakan ni Tamara. "Hindi ko akalain na kaya ng walanghiyang kapatid ni Tamara na tuluyan siya na ipahamak at ipagkanulo. At nanggigigil ako sa katotohanan na pare-pareho sila na walang kuwenta." "Where is Tamara’s brother?" "Naireport ko na sa pulis, Tita Marlene. Nang maabutan namin si Tamara ay mabilis na tumakas ang kapatid niya." sagot naman ni Stan sa ina ni Mikel. "I’ll talk to your Tito Lucio about this. Napakawalanghiya ng ama mo at pati si Tamara ay ayaw na lubayan." "Don’t, mom. Huwag na natin paabutin pa kina Wyatt ang mga pangyayari. My men are doing their best to get to the bottom of this." Napabuntong-hininga na lamang si Marlene. Alam niya ang kagustuhan ni Mikel na tuluyan nang lumayo sa pamilya ng ama. Hindi rin maintindihan ni Marlene kung bakit gano’n na lamang kasama ang ugali ni Leonardo, samantalang ibang-iba naman ang kapatid nito na si Lucio, ang ama ni Wyatt. "Ikaw ang masusunod, iho. Lalabas muna ako at bibili ng makakain natin." "Samahan na kita, tita." singit ni Stan na sumunod naman palabas sa ina ni Mikel. Nang makalabas ang dalawa ay muli na tinunghayan ni Mikel ang asawa na natutulog. Hinawakan niya ang kamay ni Tamara at inilapit iyon sa kan’yang pisngi. Iisa lamang ang tangi na panalangin ni Mikel ngayon, na sana ay maging ayos lang si Tamara. Punong-puno ng kaba ang puso niya nang muli ay alalahanin niya ang mga nangyari ngayon araw. Iniiwasan siya ni Tamara, at alam niya iyon. At gusto niya rin na bigyan ng distansya ang asawa niya upang pareho sila na makapag-isip. Gano’n pa man ay sabay pa rin naman sila na pumapasok at umuuwi sa araw ng trabaho. Kahit ang pagkain sa opisina ay sabay rin naman nila na ginagawa, maliban na lang kanina dahil may outside of the office sila na meeting ni Stan. Ibinilin pa niya si Tamara kay Diane, kaya naman laking gulat niya nang matanggap ang text message nito at nagsabi na aalis upang makipagkita sa kapatid. Medyo nahuli pa siya nang pagbabasa ng mensahe ng asawa niya dahil nga sa meeting niya, pero mabilis siya na tumawag kay Diane upang sana ay pigilan si Tamara. Bigla ang pagbangon ng kaba niya nang sabihin ni Diane na nakaalis na si Tamara. Simula nang maikasal silang dalawa at malaman niya ang masamang pakay ng ama niya ay hindi pa niya hinayaan na umalis ang asawa niya na mag-isa, kaya naman mabilis niya na tinapos ang meeting nila na iyon. "What the f**k, Mikel? Bakit ka ba madaling-madali?" Inis na baling sa kan’ya ni Stan nang makaalis ang mga kausap nila. Wala rin na nagawa ang mga iyon nang sabihin niya na ipadala na lamang ang proposal sa email niya at hintayin na lamang ang desisyon niya. Isa lang ang nais ni Mikel sa mga oras na iyon at iyon ay pumunta kung nasaan si Tamara. "Umalis si Tamara, at masama ang pakiramdam ko na may mangyayari na hindi maganda. f**k it! Bakit naman kasi na umalis ng walang kasama." Galit na sagot niya habang naglalakad papunta sa paradahan. "Saan daw ba pumunta?" tanong ni Stan na habol-habol naman siya. "Makikipagkita raw kay Chad. Wala akong tiwala sa tao na iyon dahil siya ang nagbenta kay Tamara sa ama ko, kaya sigurado ako na may dala na problema ang lalaki na iyon." "Saan ang lokasyon? Papupuntahan ko sa mga tauhan." Agad na ipinasa ni Mikel kay Stan ang lokasyon na ibinigay ni Tamara kanina sa text. Mabilis na pinaharurot ni Mikel ang sasakyan. Tinatantiya niya na halos isang oras din ang aabutin bago nila marating ang lokasyon. "s**t, Mikel, wala akong plano na sa sementeryo dumiretso." "Tang-ina, Stan! Kinakabahan ako at pakiramdam ko ay may hindi maganda na mangyayari sa asawa ko. Kaya wala na akong pakialam kung ano pa ang nararamdaman mo riyan, dahil ang importante ay maabutan ko si Tamara. Mas mahalaga sa akin ang asawa ko kaysa sa'yo." Gulong-gulo ang isipan niya. Mabuti na lamang din at napaghandaan na nila ni Stan ang mga ganitong pagkakataon, kaya may mga ilan tauhan na sila na kinuha upang magmanman sa mga kilos ng ama ni Mikel. Ito ay upang masigurado rin nila na makuha man ng ama niya si Tamara ay madali pa rin nila na maililigtas ang asawa niya. Hindi mapigilan ni Mikel ang magmura sa buong biyahe. Kailangan niya makita ang asawa niya, kung hindi ay mababaliw siya sa kaba. Masuwerte pa rin siya at hindi gaano ang traffic sa oras na iyon. Nasa kalagitnaan na siya nang pagpaparada nang tumunog ang telepono niya at makita ang pagtawag ni Tamara. Mabilis niya na sinagot ang tawag. "Sweetie." "Mikel." Iyon lamang ang tangi na narinig niya saka ang kasunod na ay ang komosyon sa paligid ni Tamara. Napababa siya sa sasakyan at iniwan na kay Stan ang nakahambalang pa na mamahaling kotse niya. Nagmamadali na tinungo ni Mikel ang kinaroroonan na lokasyon ng asawa niya. At bago pa niya na marating ang restawran ay kitang-kita niya na bitbit na si Tamara ng isang lalaki na papunta sa parkingan. Lubha na ikinadilim ng paningin niya ang tanawin na iyon. "What the f**k?" sigaw niya. Natilihan ang lalaki at nagpasulyap-sulyap sa mga kasama at doon niya nakita ang kapatid ni Tamara na si Chad na gulat na gulat din na makita siya. "Tang-ina! Ano ang ginagawa ninyo sa asawa ko?!" "Boss, hinimatay lang, wala kaming balak." Nag-aalangan na sagot ng lalaki na may hawak kay Tamara. Dala marahil sa takot ay mabilis na ipinasa sa kan'ya ng lalaki si Tamara na walang malay sa mga oras na iyon. "Tarantado ka! Walang balak, pero isasakay mo na sa sasakyan!" sigaw pa niya. “Tarantado ka talaga, Chad! Pati ba naman ang kapatid mo?" Galit na galit na baling pa niya sa kapatid ni Tamara. Ilang sandali lamang ay dumating na si Stan kasama ang ilang mga kalalakihan din. "s**t, what happened?" "I’m bringing her to the hospital. Ikaw na ang bahala sa tarantadong kapatid ng asawa ko pati ang mga lalaki na ‘yan." Mabilis na napalibutan ni Stan at ng mga lalaki na kasama niya ang grupo ng kapatid ni Tamara, pero wala na ro’n ang pokus niya. Kailangan niya na madala si Tamara sa ospital at masiguro ang lagay nito. Halos paliparin na ni Mikel ang sasakyan makarating lang sa pinakamalapit na ospital. He is scared as hell. Hindi puwede na may mangyari sa asawa niya dahil kung hindi ay mapapatay niya ang sariling ama niya. "Mikel." Malambing na boses ni Tamara ang nagpaangat sa ulo ni Mikel. Napabuga agad siya ng malalim na buntong hininga nang makita ang asawa niya na nakangiti sa kan’ya. "You scared me, sweetie. Akala ko ay mawawala ka na sa akin." Labis-labis ang saya ni Mikel na ayos na ang asawa niya sa ngayon. "Mikel, si Chad." "Huwag ka na muna magsalita, sweetie. Kailangan mo na magpahinga. Saka na natin pag-usapan ang mga nangyari." Hinimas pa ni Mikel ang braso ni Tamara habang patuloy na nakahawak sa kamay nito ang kabilang kamay niya. "A-akala ko, akala ko mapapahamak na ako. Pero dumating ka-" Nangingilid ang luha sa mga mata ni Tamara. "Hindi ba at sinabi ko sa’yo na poprotektahan kita? And I will do that, bu. Gagawin ko iyon, even if it means me risking my life for you." "Mikel." "I will do everything for you, sweetie. My actions convey more emotions than any of my words can, Tamara. At sinasabi ko sa’yo na hinding-hindi kita pababayaan na mapahamak kahit na kailan. I am your husband and I will protect you at all cost."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD