Mikel was stunned. Hindi niya alam kung tama ba ang mga narinig niya kay Tamara, o nag-iilusyon lamang siya. Hindi siya nakahuma at pilit na binabalikan ang mga salita na sinabi ng asawa niya na ngayon ay hindi na rin maipinta ang reaksyon ng mukha.
Hindi alam ni Mikel kung sadya ba iyon na sinabi, o nadulas lamang si Tamara. Kitang-kita niya ngayon ang kaba at kaguluhan sa isip na lumulukob sa asawa niya. "Ano ang sinabi mo, Tamara?" seryoso na tanong niya rito.
Napalunok pa si Tamara at hindi alam kung paano malulusutan ang isa na naman na pagka-baliw at katangahan na ginawa niya. Bakit nga ba dahil lamang sa isang halik ay inisip niya na maging matapang at aminin sa asawa niya ang nararamdaman niya? Kahit kailan talaga ay tanga siya upang lagi na lamang na ipagkanulo ang kan’yang sarili.
"I am asking you a question, Tamara." Muli ay tanong ni Mikel sa asawa. Nananatili ang blangko na ekspresyon niya dahil ayaw niya muna na lubusan na magdiwang dahil hindi siya sigurado kung tama ba ang lahat ng mga narinig niya o kathang-isip lamang niya ang mga iyon.
Nang hindi sumagot si Tamara ay napa bunton hininga na lamang si Mikel at muli na humakbang papalapit sa asawa niya, masuyo niya na hinawakan ang kamay nito na nanginginig at nanlalamig pa. "Ayos ka lang ba? I am just asking you a question, Tamara. Hindi mo kailangan na kabahan o matakot."
"I-I am sorry." Natataranta at nauutal na sagot ni Tamara.
Napasimangot si Mikel. Bakit kailangan na humingi ng tawad ni Tamara kung mahal siya nito? Mali ba siya sa pagpapakahulugan sa sinabi nito? "And why are you apologizing? May ginawa ka ba na mali?"
Nakita ni Mikel ang pagdadalawang-isip ni Tamara. Bumuga muna ang asawa niya ng isang malalim na hininga saka matapang na tumitig sa kan’ya. "Wala naman na rin na rason para magsinungaling pa ako, tutal nasabi ko na ang mga bagay na hindi ko dapat na sabihin. Kaya wala na ako na magagawa pa kung hindi ang aminin ang lahat."
Bumibilis ang t***k ng puso ni Mikel. Hindi pa man ay tumatalon na ang puso niya sa saya na nararamdaman niya. Pilit man niya na itago ay hindi niya napipigilan na lumabas iyon sa ekspresyon ng kan’yang mukha. "What are you talking about?" He asked, while clearing his throat.
"Alam ko may kontrata tayo, Mikel. Alam ko na may kasunduan tayo sa lahat ng ito. Alam ko na may kondisyon ang lahat ng namamagitan sa atin, pero patawarin mo ako dahil hindi ko na kaya na dayain ang sarili ko. Hindi ko na kaya na patuloy na lokohin at papaniwalain ang sarili ko sa mga bagay na alam ko naman ang totoo."
"You’re talking in riddles, Tamara. Get straight to the point."
Nangunot ang noo ni Tamara. Kinakabahan na nga siya ay minamadali pa siya ni Mikel. Muli siya na napa buntong hininga, bahala na lamang kung ano ang mangyayari sa pagtatapat na ito. Pangit man na mauna siya na magsabi ay wala na siyang magagawa pa. Kung hindi sa matabil niyang dila at baliw na pag-iisip ay wala sana siya sa eksena na ito.
"I love you, Mikel. I have fallen in love with you. Maniwala ka na sinubukan ko na pigilan ito, sinubukan ko na balewalain ang lahat, pero hindi ko namalayan na hulog na hulog na pala ako sa’yo dahil sa mga kabaitan at pag-aalaga na ipinapakita mo sa akin. I am naïve and I know that, but it is what it is. I am not expecting anything from you. Wala rin naman akong balak na iba pa kung hindi ang tumupad sa napagkasunduan natin. You don’t have to worry about my feelings dahil pipigilan ko naman ito para hindi masira ang usapan natin. I just need you to know, para kahit na paano ay dumistansya ka na. Kailangan ko nang lumayo sa’yo para hindi na ako lalo pa na mahulog."
Hindi na napigilan ni Mikel ang ngiti na kumawala sa kan’ya. Tamara is brave enough to admit her feelings towards him, kaya bakit pa siya matatakot? He is an ass, at alam iyon ni Mikel, dahil hinintay pa niya si Tamara na umamin, pero walang makakasisi sa kan’ya dahil sa takot niya sa kan’yang nakaraan.
"You don’t apologize for loving someone, Tamara. At mas lalo na hindi ka dapat humingi ng tawad for loving your husband." Nag-angat ng mukha si Tamara at nanlalaki ang mga mata na nakatunghay kay Mikel. "At mas lalo na hindi mo kailangan na pigilan ang nararamdaman mo. Hindi ako didistansya sa’yo dahil sa nalaman ko, kung hindi ay mas lalo lamang ako na lalapit sa’yo dahil iyon ang gusto ko."
"Don’t talk to me in riddles, Mikel. For once, be man enough to be real and talk to me. Kahit ngayon lang ay kausapin mo ako ng diretso at walang paligoy-ligoy pa. I am okay to be hurt with the truth, kaysa ang patuloy na masaktan sa mga kasinungalingan."
And Mikel knows that Tamara is right. It is high time for him to be man enough to admit his true feelings. At ngayon nga ay ipaparinig na rin niya sa asawa niya ang mga bagay na gusto nito na marinig buhat sa kan’ya. Aamin na siya sa mga bagay na natakot siya na aminin kahit sa kan’yang sarili.
"I love you, Tamara."
Kitang-kita ni Mikel ang pagkagulat na rumehistro sa mukha ni Tamara. Napanganga pa ang asawa niya at nanatili na nakatitig lamang sa kan’ya. Gusto niya na matawa sa reaksyon nito, pero pinilit niya na pigilan ang sarili niya. Baka masira pa ang moment nilang dalawa kapag napikon si Tamara sa kan’ya.
"Wh-what?" nauutal na tanong ni Tamara habang ang mga mata ay titig na titig at hindi makapaniwala na nakatunghay sa kan’ya.
"I said, I love you, Tamara. And that’s the truth. Iyan ang katotohanan na noon ko pa pilit na iwinawaksi sa sistema ko. Kagaya mo, hindi ko rin alam kung paano at bakit, pero namalayan ko na lang na nahuhulog na ako sa’yo at unti-unti mo nang nawawasak ang bakod na inilagay ko para sa sarili ko. And I'm sorry that I'm late to realize that. Natagalan lamang, pero ngayon ay inaamin ko na sa'yo."
"Mahal mo ako?"
"Mahal na mahal, Tamara. You just don’t know how much you mean to me. And hearing you say that you love me makes everything worth it."
"Mikel." Hindi makahuma si Tamara sa kan’yang naririnig. Nagwawala ang mga paro-paro sa tiyan niya at nais nang kumawala ng puso niya sa kan’yang dibdib.
"Everything about my life is planned. Everything about my future is well-prepared. And then you came, at sa pagdating mo ay nasira ang lahat ng mga plano ko at nais ko. Nagulo ang mundo ko dahil sa gabi na iyon na biglaan natin na pagpapakasal. You are not part of my plan, Tamara. I even considered you as the biggest mistake of my life at one point. But even if you are not in my plan, handa ako na baguhin ang lahat ng plano ko sa buhay para lamang maisama kita. And even if you started out to be a mistake, you are my beautiful mistake that I will forever cherish in my heart."
Unti-unti na tumulo ang mga luha sa mata ni Tamara. She is overwhelmed by Mikel’s admission. But more than anything, she is ecstatic to know that they share the same feelings. Ang tagal nila na nagtaguan ng nararamdaman. Napaka-unconventional ng kanilang pagsisimula, pero sa huli ay nanaig pa rin ang pagmamahal sa kanilang dalawa. At tama si Mikel, ang kanilang pagpapakasal ay isang malaking kasalanan, but it was a beautiful mistake that brought them to each other.
"I love you, asawa ko. And this time, this marriage will no longer be just a contract. This marriage is now our union, at lahat ng sinabi ko sa’yo no’n kasal natin, those are the truth. Because I have felt this love for you bago pa man tayo ikasal sa ikalawang pagkakataon."
At sa pagkakataon na ito, hindi na hinintay pa ni Tamara na mauna si Mikel. She is overjoyed, and the love she has for her husband is unexplainable. And hearing him say the same thing makes her brave enough to initiate the move.
Siniil niya ng halik si Mikel at bahagya pa na nagulat ang asawa niya sa naging akto niya. Ilang segundo lamang ay tinutugon na ni Mikel ang mga mapupusok na halik niya na iyon. At naramdaman na lamang ni Tamara ang pagbuhat sa kan’ya ng asawa niya patungo sa kama upang muli nila na pagsaluhan ang maiinit na sandali.
And this time, this is not just lust. This time, hindi na lamang ito basta s*x upang palabasin ang init ng kanilang katawan. This time, they are making love to each other. At ang pag-iisa na ito ay kaiba sa lahat dahil sa bawat pagsanib ng kanilang katawan ay kusa na lumalabas sa kanilang mga bibig ang mga salitang matagal nila na pinigilan at itinago.
"I love you, Tamara."
"I love you, Mikel."