Love. It is such a strong word with a lot of unexplained emotions. Pero para sa akin, isa lamang ang ibig sabihin ng salitang pagmamahal. It is Mikel. Love for me is Mikel, at hindi ako mahihiya na ulit-ulitin ang mga salita na iyon.
Sino ba ang mag-aakala na ang kasal na nagsimula sa isang pagkalasing at nauwi sa isang kontrata ay darating sa kung ano kami ni Mikel ngayon. Hindi naging madali ang lahat, pero masaya kami na nalagpasan na namin pareho ang mga takot sa puso namin.
"Are you ready, bu?" tanong sa akin ni Mikel nang sumilip siya sa aming silid. Oo, nasa iisang silid na lamang kami ngayon natutulog pagkatapos ng araw na mag-aminan kami ng tunay namin na nararamdaman.
"Ready." sagot ko naman sa kan’ya na nakangiti pa. "Ayos lang ba ang suot ko?"
Napangiti siya sa tanong ko, saka lumakad papalapit sa kinatatayuan ko. "You look perfect as always, sweetie." Hinalikan pa niya ako sa labi kaya naman sumilay rin ang ngiti sa akin.
Mikel is such a sweetheart. Hindi ko inaasahan na ganito siya magpakita ng pagmamahal. Kung noon ay pakiramdam ko na hulog na hulog na ako sa kan'ya hindi ko pa man alam ang totoo na nararamdaman niya para sa akin, ngayon ay baon na baon na ako sa pagmamahal ko sa kan’ya. At napakasuwerte ko na ako ang asawa niya. I am his and he is mine.
"Sinasabi mo lang ba ‘yan para bilisan ko na?" Pagmamaktol ko pa.
"Of course not. You always look perfect in my eyes."
"Ayaw ko lamang na mapahiya ka, kaya gusto ko na maayos ang itsura ko. Hindi na nga ako kagandahan, hindi pa ba ako mag-aayos man lamang."
Bahagya na nangunot ang noo ni Mikel sa tinuran ko. "At sino ang may sabi na hindi ka kagandahan? Walang karapatan ang sino man na sabihin iyan sa'yo." inis na tanong niya sa akin.
"Hindi ako kagandahan, kumpara sa ex mo, pero hindi hamak naman na mas malakas ang dating ko sa kan’ya."
"Why do you always compare yourself to Janine, Tamara? Hindi mo kailangan na ikompara ang sarili mo sa kan’ya, because you are way ahead of her."
"You’re just saying that to make me feel better."
"No. I am saying this because this is the truth. Janine may be hot." Nagsalubong agad ang kilay ko pagkarinig ko sa sinabi niya na iyon na ikinangiti pa niya sa akin. "But you are on fire, sweetie. Kung alam mo lamang ang epekto na mayro’n ka sa akin, hindi mo na magagawa pa na ikompara ang sarili mo sa kan’ya."
"Halika na nga at baka kung saan na naman mapunta ang usapan natin."
Naimbitahan si Mikel sa isang salo-salo ng mga businessmen na kinabibilangan niya. Ayaw ko na nga sana na sumama dahil hindi naman ako nababagay sa mga gano’n na pagtitipon, ngunit mapilit si Mikel.
Tahimik lamang ako habang nasa sasakyan kami kaya naman nagulat ako nang hawakan ni Mikel ang kamay ko. "What is it again, sweetie? What are you thinking?" Nag-aalala na tanong niya sa akin. "Don’t tell me na wala, bu, dahil alam ko na mayro’n."
Minsan ay naiinis na rin ako na ang dali ni Mikel na basahin ang mga nararamdaman at ekspresyon ko. Is he that attentive to me? Hindi ko tuloy maiwasan na kiligin kapag naiisip ko na mahal niya na talaga ako. "I am nervous, Mikel. Alam mo naman na hindi ako sanay sa mga ganito na pagtitipon. Paano kung mapahiya lamang kita ro’n? Sana kasi ay iniwan mo na lamang ako sa bahay."
Napahalukipkip si Mikel. Ayaw na ayaw niya kapag ibinababa ko ang sarili ko, pero ano ang magagawa ko? Magkaiba kami ng mundo na kinalakihan at ginagalawan, at hindi porke’t asawa ko na siya ay mapapabilang na rin ako sa mundo niya.
"Tam, sweetie, listen to me. Hindi mo kailangan na baguhin ang sarili mo para lamang makasabay sa mundo ko. My world is not important, because you are more important to me. You don’t have to make any adjustments because I am more than willing to adjust for you. Hindi mo kailangan na mag-alala kapag kasama mo ako. I will do everything to always make you feel comfortable."
At ano pa nga ba ang masasabi ko kung ganito na niya pinapapanatag ang loob ko? "I love you, Mikel."
Mabilis na lumapad ang ngiti sa mukha niya nang marinig iyon, sumulyap pa siya sa akin at saka tumugon sa sinabi ko. "And I love you so much, sweetie."
Dati ay pangarap ko lamang ang marinig ang mga salita na iyon, pero ngayon ay araw-araw na reyalidad ko na. Everyday, Mikel never fails to tell me and show me how much he loves me. At hindi ko inaasahan na sa kabila ng mga pangit na nangyari sa buhay ko, Mikel will be the greatest blessing that I will receive.
Tunay nga na hindi hinahanap ang pag-ibig at kusa na lamang ito na dumarating sa oras na hindi mo inaasahan. At ang nangyari sa amin ni Mikel ay pareho namin na hindi inaasahan, but we were both at the right place and right time. And maybe we are destined to be together.
Ilang minuto pa ay tumigil na ang sasakyan na hudyat na nakarating na kami sa lugar ng pagtitipon. Muli ang kaba na naramdaman ko pero nang pagbuksan ako ni Mikel ng pintuan at hawakan niya ang aking kamay ay nakaramdam ako ng pagkapanatag ng loob ko.
"I’ve got you, sweetie. We’ve got this. We are in this together." Hinalikan pa niya ako sa labi kaya kinilig na naman ako. Ang mga simple na gawa na ito ni Mikel ang nagpapakalma sa magulong isip ko pero nagpapahurumentado naman sa puso ko.
Nang makapasok kami ay nagulat pa ako nang ianunsyo ang aming pagdating. "Mr. and Mrs. Lucero is here."
Nagsitinginan sa direksyon namin ang mga panauhin at naramdaman ko na lamang ang pagpisil ni Mikel sa aking kamay. Ngumiti siya sa akin at humawak pa sa beywang ko saka kami nagtuloy sa paglalakad papasok. At hindi nga ako binigo ni Mikel dahil hindi niya ako iniwan at hinayaan na mag-isa sa lahat ng oras.
"And you’re here, peaches." Boses ni Wyatt ang nagpalingon sa amin ni Mikel.
Mabilis ako na napatingin sa asawa ko na salubong na agad ang kilay pagkakita pa lamang sa pinsan niya. "What are you doing here?" maangas na tanong pa niya agad kay Wyatt.
"What again? Why are you even asking? Ikaw lang ba ang may kumpanya sa pamilya natin? I am as much as invited in here as you do."
"Miks." Masuyo ko na tawag sa asawa ko upang pakalmahin siya. Ayaw ko na rito pa sila magtalo na naman ni Wyatt sa harapan ng ibang tao.
Naiiling na lamang si Wyatt pero hindi pa rin tumigil sa pang-iinis kay Mikel. "Hindi ko alam kung bakit takot na takot ka sa presensya ko sa asawa mo. Bakit, Mikel, wala ka ba talagang tiwala sa sarili mo? Are you that afraid na baka pati ang asawa mo ay maagaw ko?"
"Wyatt." Nanggigigil na pigil ko kay Wyatt. Ayaw ko man na mainis sa kan'ya, pero binibigyan niya ako ng rason ngayon para maramdaman iyon.
"Huwag ka mag-alala, peaches, I won’t make a scene here. Hindi naman ako war freak na gaya ng asawa mo. Lumapit lang ako to tell you that I miss you." Hinimas pa niya ang pisngi ko habang tatawa-tawa na humarap muli sa pinsan niya. "O, huwag ka magwala riyan, hinawakan ko lang sa pisngi. Kung hinalikan ko iyan baka nanakit ka na naman at kahiya-hiya ang labas mo."
"Wyatt." I called him exasperatedly again. Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ito, pero hindi ko iyon nagugustuhan.
Itinaas niya ang dalawang kamay niya sa akin. "Fine, peaches. I’m leaving. See you soon." Muli siya na humarap kay Mikel, "Dahil mabait ako na pinsan ngayon ay babalaan na kita. Janine is here somewhere. Baka lang kasi makalimutan mo na naman ang asawa mo dahil sa presensya ng ex mo. At kapag nangyari iyon ay hindi ako mangingimi na samahan si Tamara. And when I do, baka hindi mo na ako mapalayo pa sa kan’ya at baka mangyari ang kinatatakutan mo."
Lalo naman na nagsalubong ang kilay ni Mikel at napamaang naman ako sa sinabi niya. Lintek talaga si Wyatt, at hindi ko alam kung ano ang nakain at nabaliw na naman.
"In your dreams, Wyatt. We don’t need your presence because I am staying with my wife."
Nagkibit-balikat na lamang si Wyatt saka nagpaalam muli sa akin. "I’ll see you soon, peaches." Kumindat pa siya sa akin saka tuluyan na umalis sa harapan namin ni Mikel.
Nang makaalis siya ay nagkatinginan kami ni Mikel. Walang salita pero ang mga mata namin ay nagungusap. Makahulugan na tingin ang ipinukol ko kay Mikel. Hindi ko alam pero bigla ang bugso ng aking kaba nang maring ko na narito si Janine. Ayaw ko isipin na muli na mangyayari ang nangyari no’n sa pagsasalo-salo para sa amin na nahuli ko na nakakunyapit sa kan’ya si Janine.
"Trust me, sweetie, I won’t leave you. At kung ano man ang iniisip mo about Janine, stop it. You are much more important to me than her. I love you, Tam, lagi mo na tatandaan iyan."
Hindi na ako nabigyan ng pagkakataon na tugunin ang mga salita na iyon dahil sa boses na sumunod na narinig ko na nagpakulo agad ng dugo ko.
"Mikel, honey, so nice to see you here. But what is your social climber wife doing here?"