Ngiting-ngiti ako sa babaeng talipandas na nasa harapan namin ng asawa ko. I am being sarcastic by the way. Hinding-hindi ko hahayaan na masira ang pangalan ng asawa ko dahil lamang sa isang babae na makati at may lahing unggoy. Kaya kung inaakala niya na magagawa niya na galitin ako ngayon at magwala ako rito ay nagkakamali siya. I know her plans and I am not stupid enough to fall for that.
"Hello, ex! I can’t say that it’s nice to see you as well.” Ganti na pang-iinis ko sa kan’ya pero hindi pa rin nawawala ang ngiti sa aking labi.
"I don’t want any scene here, Janine. Ngayon kung wala kang balak na lubayan kami ay kami na ang gagawa no’n." Ipinulupot ni Mikel ang braso niya sa beywang ko at idinirekta ako palayo kay Janine. And I am thankful for that dahil hindi ko rin alam kung hanggang saan aabot ang pasensya na baon ko para sa buwisit na babae na iyon.
Dinala ako ni Mikel sa may hardin kung saan mas konti ang mga bisita. And I needed this dahil hindi lamang ako sa ex niya na-suffocate, kung hindi sa mundo na ginagalawan niya. Hindi ako sanay na nakikihalubilo sa mga taga-alta de sociedad dahil hindi naman talaga ito ang mundo ko.
"What are you thinking, sweetie?" Ang boses ni Mikel na bumulong sa aking tainga ang nagbigay muli ng ngiti sa labi ko.
"You want me to tell you the truth or to lie?" Makahulugan na tanong ko na nagpakunot naman ng noo niya.
"What? Of course, the truth, sweetie." Natatawa ako sa reaksyon ng mukha ni Mikel dahil sa sinabi ko.
And this is what I love most about him now. Ang mga pagkakataon na pilit niya na sinasakyan ang mga kabaliwan ko at pagkapilosopa ko. Kung noon ay mabilis na umiinit ang ulo niya sa akin sa bawat pagbukas ng bibig ko, ngayon ay iba na. Sinasakyan na niya ang mga kalokohan ko. Hindi na rin ako sigurado kung anong ulo na ang mas mabilis na uminit sa kan'ya dahil halos gabi-gabi na ako kung tsansingan ng magaling ko na asawa. Pero ang gabi-gabi na iyon ay gustong-gusto ko rin naman.
"And now you’re smiling by yourself. Nababaliw ka na naman, sweetie." I pouted my lips at him, at kitang-kita ko ang pagdilim ng mga mata niya sa akin. "What did I tell you-"
"About pouting your lips, sweetie." Pagtatapos ko pa sa dapat na sasabihin niya sa akin. Napahalukipkip na lamang siya dahil sa kakulitan ko na naman. "Effective ba?" tanong ko sa kan’ya.
"Ang alin? Ang pang-aakit mo sa akin by pouting? Yes, you want to feel it?" Hindi pa man ako nakakatugon sa kan’ya ay hinapit na niya ako at niyakap at ramdam na ramdam ko nga ang matigas na bagay sa kan’yang harapan.
"Mikel!" Namimilog ang mga mata ko sa pagkabulgar ng asawa ko. "Tumigil ka nga riyan at nakakahiya ka." Gigil na gigil na sabi ko pa.
Tawa lamang ang isinagot niya sa akin, saka bahagya na lumayo. "I told you, seductress, ganyan kabilis ang epekto mo sa akin. Pero huwag mo ibahin ang usapan natin at sabihin mo na sa akin kung ano na naman ang iniisip mo at gumugulo na naman sa’yo."
"Her." tipid na sagot ko.
"Her? Are you referring to Janine?" Hindi ko alam kung manhid lamang ba si Mikel o sadya na may pagka-tanga rin. Kailangan pa ba na tanungin iyon, samantalang ang ex niya lang naman ang nakaharap namin?
"Sino pa ba sa tingin mo? Kailangan pa ba i-memorize ‘yan?"
"You’re jealous!" Malapad na ngiti ang sumilay sa kan'ya habang sinasabi ang mga salita na iyon na ang tono niya ay may kasiguraduhan. Hindi niya tinatanong, bagkus ay sinasabi niya sa akin na nagseselos ako.
Weh, selos? Ako, magseselos sa babae na iyon? Hindi nga ba, Tamara? Paulit-ulit ko man na sabihin sa sarili ko na hindi, ay may bahagi ko talaga ang naaapektuhan sa babae na iyon lalo na kapag malapit siya kay Mikel. At bakit hindi? Mikel loved her so much, at hindi ko alam kung ang pagmamahal ba sa akin ni Mikel ay nasa lebel ng pagmamahal niya sa ex niya, o nasa lebel pa rin ng pagiging rebound ko.
"Kung ano man ang iniisip mo, stop it, sweetie. I love you. At wala kang iba na dapat isipin kung hindi ang pagmamahal ko na iyon. Wala ka bang tiwala sa akin?"
"Trust is something that you don’t just give. Trust is earned. At may tiwala ako sa’yo, babe, dahil mahal kita, and you have earned my trust already. But your ex, I don’t trust her in the slightest. Lalo na at una na paghaharap pa lamang namin ay nais ka na niya na bawiin sa akin, tapos sa ikalawang pagkikita namin ay nakalambitin pa siya na parang unggoy sa leeg mo."
And my statements made Mikel laugh heartily. And I always enjoy making him laugh. Inakbayan niya ako at sa mga simple na sandali na ganito kami ay mas lalo naman na lumalalim ang pagmamahal ko sa kan’ya. "I like it when you’re jealous. Akala ko ay ako na lang ang malimit na magseselos sa kung ano ang mayro’n kayo ni Wyatt."
Nangunot ang noo ko at umismid sa kan’ya. "Walang kami ni Wyatt. Bakit ba lagi mo na lang na ipinipilit ang bagay na 'yan?"
"I know now na walang kayo dahil tayo na ang mayro’n." Bigla na sumilay ang ngiti sa akin dahil sa hindi ko mapigilan na kilig na nararamdaman ko. "Pero kahit na walang kayo, alam na alam ko rin na may gusto sa’yo ang gagong pinsan ko na iyon."
"Magkaibigan lang kami. Hanggang do’n lang ‘yon at isa pa, hindi ako ang tipo ng pinsan mo. At bakit ba napunta kay Wyatt ang usapan? Ang unggoy na ex mo ang topic natin."
Naiiling na lamang si Mikel sa akin pero nangingislap ang kan’yang mga mata sa saya. “She is an ex for a reason. And that title will remain hers forever, sweetie. Uwi na kaya tayo, ano sa tingin mo?"
"Ayaw ko na tingnan dahil malaswa na naman ang mga nakikita at iniisip mo."
Bahagya na napatawa si Mikel sa sinabi ko. "You always make me laugh, bu."
"Is that all she can do for you, Mikel? Ang patawanin ka? Clown pala ang asawa mo kung gano’n." Ang boses na iyon ang muli na pumutol sa kasiyahan na nararamdaman ko sa piling ng asawa ko.
"What is it again, Janine? Leave." Masungit na utos ni Mikel.
"I am sorry, honey. You can’t make me leave dahil hindi mo pag-aari ang lugar na ito." Nakangisi pa siya sa amin pero halata naman na pilit ang ngiti na iyon.
"What do you want?"
"You. I want you back, Mikel." Simple at direkta na sagot ni Janine sa asawa ko. And those words made me see red. Nanggigigil ako sa kakapalan ng pagmumukha ng babae na ito sa harapan namin. How dare she?!
"Leave, Janine." Pigil na pigil na ang galit sa mukha na Mikel. "Umalis ka na sa harapan namin at huwag mo kami guluhin ng asawa ko. Wala na akong plano na balikan pa ang pinagsawaan nang iba."
Namilog ang mga mata ni Janine at hindi inasahan ang sinabi na iyon ni Mikel. "How dare you, Mikel?"
Sarkastiko na tumawa si Mikel sa kan’ya. "Ako pa ba talaga?! How dare you?!"
"Babe." Malambing na tawag ko kay Mikel at ipinulupot ko pa ang braso ko sa beywang niya. Napasulyap siya sa akin at pilit na kinontrol ang galit niya para kay Janine.
"If you think you can get away from me, nagkakamali ka, Mikel."
"Alam mo, kanina pa ako nanggigigil sa’yo, but I’m still trying to be the better person here. Hindi naman ako na-inform na ang babaeng mayayaman pala ay bagsak sa tamang asal." Hindi ko na mapigilan na sumingit sa usapan nila na 'yon.
"Shut up, b***h!" gigil na sabi niya sa akin.
Naramdaman ko ang pagkuyom ni Mikel sa kamao niya kaya hinimas ko ang tagiliran niya upang pakalmahin siya. I don’t need him to rescue me from Janine dahil kayang-kaya ko ang ex niya.
“Are you talking to yourself? Are you referring to yourself as the b***h in that statement? Listen, girl, ayaw na niya sa’yo. Bigyan mo naman ang sarili mo ng kahit na konti na kahihiyan at matuto ka na tumanggap ng pagkatalo. Sabagay, sino nga ba naman ang hindi magwawala kung ang dalawang magpinsan na tinuhog mo ay pareho ka nang tinatalikuran ngayon. How pathetic! Sad life, indeed!"
"b***h ka talaga!" Akma niya ako na sasaktan pero mabilis ang naging pagkilos ni Mikel at nailagay niya agad ako sa kan’yang likuran. Matatalim ang mga tingin na ipinukol sa akin ni Janine habang ako ay sumisilip-silip mula sa likuran ng asawa ko.
"Umalis ka na, Janine, at huwag mo tuluyan na ubusin ang pasensya ko."
"Hindi pa tayo tapos, babae na malandi! Kung sa tingin mo na papayag ako na isang katulad mo lang ang tatalo sa akin, puwes, nagkakamali ka. Hinding-hindi ako puwede na matalo."
"Ay! Besh, tanga lang? Ang kulit mo lang din. Ikaw ang malandi at hindi ako, dahil ikaw, tinikman mo pareho. At saka huwag kang tanga-tangahan, talunan ka na, kaya tsupi ka na! Inggit ka, girl? Puwes, patuloy ka na mainggit dahil ako lang ang may karapatan sa guwapo na at masarap pa na asawa ko. Kaya kung ayaw mo na umalis kami ang aalis." Nang masabi ko iyon ay hinila ko na si Mikel palayo at iniwan namin si Janine na galit na galit na sinundan pa kami ng tingin niya.
"We’re going home." Seryoso na balik sa akin ni Mikel nang makalyo kami sa ex niya. Kumakabog ang puso ko dahil hindi ko alam kung nagalit ba siya sa ginawa ko. Pero bakit sa akin pa siya magagalit kung ex-jowa nga niya ang nagsimula?
"Mikel." Nag-aalangan na tawag ko sa kan’ya.
"Uuwi na tayo at magtitikiman. Hindi ba at ikaw lang ang may karapatan sa guwapo at masarap na ito sa harapan mo?" Itinaas-baba pa niya ang kilay niya sa akin kaya naman wala akong naging pagtugon kung hindi ang pamulahanan ng mukha at pag-iinit ng aking pakiramdam.