Nagmamadali si Mikel pabalik ng opisina kaya todo-todo na naman kung paharurutin niya ang kan’yang sasakyan. Wala na naman muli na magawa ang kaibigan niya na si Stan kung hindi ang kumapit ng maigi sa takot na binubuhay ni Mikel sa puso niya.
"Tang-ina naman! Mikel, hinay-hinay naman. Wala pa akong tagapagmana na nabubuo kaya hindi pa ako puwede na ma-deads. Hindi pa rin ako nakaka-iskor ngayon linggo na ito, kaya puwede ba, bagalan mo. Marami pa na mga babae ang titikman ng guwapong ito." Sa kabila ng takot ay nagagawa pa na magbiro ng kolokoy na si Stan.
"Tang-ina! Wala akong pakialam sa’yo. Matakot ka hanggang gusto mo, basta kailangan na makabalik tayo ng opisina kaagad. Kanina pa tayo dapat naro’n kung hindi makulit ang kliyente na iyan na kausap mo. Late na nga na dumating, ang dami pa ng mga demands." Inis na sagot ni Mikel sa kan’ya.
Naiiling na lamang si Stan sa kaibigan niya. Sigurado sya na iisa lang ang dahilan kung bakit hindi na naman mapakali ang masungit na si Mikel. Stan knows that when it comes to Tamara, nawawala ang kasungitan ni Mikel at lagi na lang na napapalitan ng pag-aalala para sa asawa. "What is it this time? Huwag mo sabihin na tinakasan ka na naman ng asawa mo at nakipagkita na naman sa kung sino na pontio pilato?"
"Yes, it’s Tamara, pero hindi siya umalis at sinigurado ko kay Diane na bawal siya na umalis ng opisina." Patuloy ang pagbusina ni Mikel sa mga sasakyan na nasa harapan nila kaya naman napapakunot na lamang ng noo si Stan.
"Walanghiya, Mikel, kung hindi aksidente, away ang kahahantungan natin dalawa nito. Kalma ka nga. Lintek, dapat ako na lang ang nagmaneho pabalik. Hindi mo naman pala pinaalis ang asawa mo, bakit parang gigil na gigil ka kaagad na makabalik? Si Wyatt ba ang dahilan? Nasa opisina na naman ba ang pinsan mo?" Sunod-sunod pa na tanong ni Stan na hindi pa rin bumibitaw sa matindi na pagkakakapit niya.
"Wala si Wyatt sa opisina." tipid na sagot ni Mikel.
"Kung hindi lang kita kaibigan, baka kanina pa kita sinapak, Mikel. Walanghiya! Lahat ng dahilan sinabi ko na, wala man lamang tumama. Kung wala naman palang dahilan, ano ang rason at halos paliparin mo na ang sasakyan?"
"Nag-text si Diane na masama raw ang pakiramdam ni Tamara. Ayaw nga raw kumain at nanatili lang sa opisina ko. Sigurado ako na nagtatampo na naman iyon sa akin dahil ang usapan naming ay sabay kami na kakain, pero dahil sa makulit na kliyente mo ay hindi ako nakabalik sa oras at naiwan tuloy ang asawa ko na mag-isa."
"Masyado ka na yata na over acting, Mikel. Naro’n naman si Diane at hindi naman mag-isa si Tamara. Hindi mo rin naman dala ang plato niya, kaya makakakain siya kahit wala ka ro'n. May clinic din naman sa opisina na puwede na pagdalahan sa kan’ya kung masama ang pakiramdam niya. Kaya, puwede ba, kalma lang tayo, bro."
"Kalma? Paano ako kakalma kung hindi ko alam kung ano na naman ang tumatakbo sa isip ng asawa ko? Lagi pa naman na tamang hinala iyon sa akin."
Kitang-kita ang inis kay Mikel na madiin pa ang pagkakahawak sa manibela habang patuloy na sumisingit-singit sa mga sasakyan upang agad na marating ang opisina nila. Hindi makapaniwala si Stan sa nakikita kay Mikel. Hindi niya nakita na ganito si Mikel no’n mga panahon na ang kaibigan pa niya at si Janine pa. Yes, Mikel loves Janine, pero iba ang nakikita niya ngayon na dedikasyon at effort na ibinibigay nito kay Tamara.
At lubha na natutuwa si Stan sa nakikita niya na mumunti na pagbabago kay Mikel. He is no longer the same strict and hard to please man, hindi na siya ang lalaki na lagi na lang na may plano. Because of Tamara, Mikel seemed to realize that his life no longer revolved around his plans. At hindi nga nagkamali si Stan na isipin na si Tamara ang tamang tao para kay Mikel.
"Tang-ina, dude, mahal mo na talaga." Hindi na mapigilan ni Stan na maibulalas.
"Hindi lang mahal. Mahal na mahal ko." Ang pag-amin na iyon ni Mikel ay isang pagpapatunay na tuluyan at lubusan na niya na nakalimutan si Janine. He no longer cares about Janine, but all he cares about is his wife, Tamara. At gagawin niya ang lahat upang masiguro lamang na hindi niya masasaktan si Tamara sa kahit na anong paraan.
"Who would have thought na ang katapat lamang pala ng masungit na si Mikel Lucero ay isang makulit at isip-bata na si Tamara Ilustre?" Dagdag na pang-iinis pa ni Stan.
"Tamara Lucero. She is Tamara Lucero now, and she will stay that way." Napangiti pa si Mikel sa sinabi niya. Kinikilig din siya sa kaalaman na dala-dala ng asawa niya ang kan’yang apelyido. Hindi niya binibigyan halaga ito noon mga unang sandali nila na maikasal, pero ngayon ay musika na sa kan’yang pandinig na ang apelyido na niya ang gamit ni Tamara.
"s**t! Parang gusto ko na rin na ma-in love at magpakasal kung lagi ako mangingiti kahit walang dahilan. Parang baliw lang, Mikel?"
"Kung ako sa’yo ay tigilan mo na ang pagka-playboy mo at maghanap ka na ng babae na pakakasalan mo. Married life is truly one of a kind." Huling hirit pa ni Mikel sa ka itinuon ang buong atensyon sa pagmamaneho.
Ilang sandali pa ay narating na nila ang kumpanya, kaya nagmamadali na bumaba si Mikel at iniwan si Stan. "Ikaw na ang magparada niyan. Pupuntahan ko ang misis ko."
Walang nagawa si Stan dahil hindi na siya nilingon pa ni Mikel na nagmamdali nang pumasok sa loob ng building. Hindi mapakali si Mikel sa elevator at kumakabog ang dibdib niya. Ayaw niya na pag-isipan siya ni Tamara ng masama. Ayaw niya na binibigyan ang asawa niya ng mga dahilan para matakot at lalo na mag-alala.
Nang bumukas ang elevator ay nagmamadali siya na lumabas at gulat na gulat pa si Diane sa kan’ya dahil sa sunod-sunod na tanong na mga pinakawalan niya agad. "Where is my wife? What happened to her? Kumain na ba siya? Masama pa ba ang pakiramdam niya? Galit ba siya?"
"Ay, sir, one at a time naman ang tanong dahil mahina ang kalaban."
"Where is she?" Ulit ni Mikel sa kan'yang sekretarya habang ang mga mata ay nanlilisik. "Don’t answer. I‘ll just check on her." Mabilis niya na tinalikuran ang sekretarya na humabol naman sa kan’ya.
"Nasa opisina mo siya, sir. Ayaw lumabas kaya pinaakyatan ko na siya ng pagkain, pero hindi pa rin kumain at wala raw siya na gana."
Napahinto siya sa narinig, hindi maikakaila ang kaba at pagkataranta niya. "I don’t want any visitors this afternoon. Maaga rin kami na lalabas ng asawa ko." Masungit na bilin pa niya saka nagdiretso papasok sa kan’yang opisina.
Nanlumo si Mikel nang maabutan ang asawa niya na natutulog habang nakayuko lamang sa lamesa nito. Ang pagkain na sinasabi ni Diane na ipinaakyat niya kanina ay hindi man lamang nagalaw. Nakokonsensya tuloy siya at iniisip na hindi kumain ang asawa niya dahil sa kahihintay sa kan’ya, kaya naman muli na bumabangon ang inis niya kay Stan at sa kliyente kanina.
Dahan-dahan siya na lumapit kay Tamara at hinimas ang ulo ng asawa. "Sweetie, I’m here. Wake-up. Bu, come-on, wake-up now."