Hinalikan pa niya sa ulo ang asawa niya habang patuloy sa paghimas sa braso nito. Ilang sandali pa ay pupungas-pungas na nagtaas ng ulo si Tamara at tumitig nang maluha-luha kay Mikel. "Mikel, beb."
"What’s wrong, bu? Bakit hindi ka raw kumain? You’re worrying me, sweetie." Labis-labis ang pag-aalala ni Mikel para kay Tamara.
"Mikel."
"Gusto mo na ba na umuwi? Halika na at umuwi na tayo para makapagpahinga ka na sa bahay. Ano ba ang masakit sa’yo?"
Umiling lamang si Tamara. "Puwede ba na umuwi na ako? Kahit ako na lang muna."
"We’re going home. You are more important than work. Come-on, let’s go." Nagmamadali na inimis ni Mikel ang gamit ng asawa niya. And even if all of these were new to him, hindi niya mapigilan ang saya na nararamdaman niya. He loves Tamara so much, at ang mga simple na bagay na ito na nagagawa niya para sa babae na mahal niya ay mas lalo na nakapagpapasaya sa kan’ya.
Nang mailigpit ang mga gamit ay inalalayan niya si Tamara na makatayo. Mabilis na pumulupot ang braso niya sa beywang nito at siya na rin ang nagbitbit ng bag ng asawa niya. Nang lumabas sila ng opisina niya ay kitang-kita ni Mikel ang namamangha na tingin ni Diane sa kan’ya.
"Sir, aalis na kayo?" tanong pa nito.
"Yes. I’m bringing my wife home. Tawagan mo rin si Stan at sabihin mo na ilabas ang sasakyan ko. No phone calls for the rest of the day, Diane. I’ll be taking care of my wife."
Sunod-sunod na pagtaas-baba ng ulo ni Diane ang naging tugon niya. Hindi niya maiwasan na kiligin sa amo at sa asawa nito. Naiiling na lamang si Mikel na iginiya si Tamara sa direksyon ng elevator. Hindi malaman ni Mikel kung bakit hinang-hina si Tamara, nakasandal lamang ang ulo nito sa kan’yang dibdib hanggang sa makababa sila.
Mabuti na lamang din at mabilis na nailabas ni Stan ang sasakyan niya. "Lintek, Mikel! Hindi na maintindihan kung ipaparada o ilalabas." Pagrereklamo pa ng kaibigan niya. "Ano ba ang nangyari?"
Hindi na siya kumibo kay Stan at isinakay na lang ang asawa niya sa sasakyan. Kinakabahan si Mikel at hindi malaman ang gagawin. Ganito rin ang kaba niya nang isugod niya noon si Tamara sa ospital dahil sa kagagawan ng kaptid nito. Nang makapasok siya sa kotse ay nagmamdali siya na nagmaneho, pero imbes na sa bahay nila ay napagdesisyunan niya na sa ospital na lamang dalahin ang asawa niya.
"Sweetie, what are you feeling? Are you alright?" Sunod-sunod na tanong niya, pero wala na naging pagtugon si Tamara. Bahagya niya na sinulyapan ang asawa ngunit nakapikit na si Tamara at hindi malaman ni Mikel ang lalo na takot na nararamdaman niya.
"Tamara." Muli ay pagtawag niya, ngunit nanatili na walang kibo si Tamara. "What’s happening, bu? You’re scaring me." Kinalabit pa niya ang asawa niya, pero hindi na rin kumilos pa si Tamara.
Sa labis na takot ay pinaharurot ni Mikel ang sasakyan papunta sa ospital. Nang makarating ay nagmamadali siya na mailabas ang asawa niya at kasabay ang pagkuha niya ng atensyon ng mga nars. "Sir, ano ang nangyari sa pasyente?"
"I don’t know. Check her. Check my wife." Ganti na sagot niya na hindi niya alam kung maiiyak siya o ano sa labis na takot.
"Sige, sir, kami na ang bahala. Paki-ayos na lang muna ang parada ng sasakyan ninyo." utos pa ng nars habang si Mikel ay inihiga na si Tamara sa stretcher.
Nag-aalangan man na iwan ang misis niya ay tumalima si Mikel. Habang ipinaparada niya ang sasakyan ay kung ano-ano ang tumatakbo sa isipan niya. Nag-aalala siya nang lubusan sa asawa dahil hindi niya alam kung ano ang nangyayari. Ayaw niya na isipin na epekto pa rin ito ng mga gamot na ipinainom ni Chad kay Tamara noong nakaraan dahil medyo matagal na rin iyon.
Nang makaparada ay mabilis siya na bumalik sa loob ng ospital. Sa nanginginig na mga kamay ay nag-text siya kay Stan at sa kan’yang ina. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya kung may mangyayari kay Tamara, and he needed them by his side now.
Palakad-lakad siya sa pasilyo sa emergency at hinihintay ang doktor at nars. Ilang minuto na rin ang lumipas simula nang ipasok nila si Tamara sa loob, ngunit hanggang ngayon ay walang nagbibigay ng paliwanag kay Mikel sa kalagayan ng asawa niya. Ngali-ngali na niya na pasukin ang silid upang makita lamang si Tamara.
"Mikel." Boses ni Stan ang kan’yang narinig at kahit paano ay nabawasan ang takot na lumulukob sa kan’ya. "What happened?"
“I don’t know. I was planning to bring her home, pero pagdating sa kotse, nang kinakausap ko na siya ay hindi na siya sumasagot. I’m so worried, Stan. Paano kung may mangyari sa kan’ya? Paano kung may sakit si Tamara? Hindi ko kakayanin na mawala ang asawa ko."
"Ano ba ang mga pinagsasasabi mo, Mikel? Amasona ang asawa mo, kaya kung ano man iyan ay huwag ka masyado na mag-alala. Kayang-kaya niya 'yan na malampasan." Hindi sigurado ni Stan kung pati ba siya ay maniniwala sa mga pinagsasasabi niya kay Mikel, dahil sa totoo lang ay natatakot din siya para kay Tamara. Alam niya na kapag may nangyari kay Tam ay hindi 'yon kakayanin ng kaibigan niya.
"Stan."
"Mikel, hindi ito ang oras at panahon para pairalin mo ang takot at pagiging negatibo mo. She can survive whatever this is. Kilala natin pareho si Tamara na hindi nagpapatalo, kaya walang masama na mangyayari."
Tinapik pa ni Stan ang balikat ng kaibigan niya para bigyan ng lakas ng loob. Sa kabila ng katahimikan na namamayani sa kanilang dalawa ay ang kanilang pagdarasal na malalampasan ni Tamara ang lahat ng ito. She needs to dahil siya ang naging liwanag sa lahat ng kaguluhan lalo na sa buhay ni Mikel.
Nang bumukas ang pintuan sa silid kung nasaan si Tamara ay mabilis na napatayo si Mikel. "Dok."
"Are you Tamara Lucero’s husband?" Nag-aalangan na tanong ng doktor.
"Yes, doc. I am her husband. Ano ang nangyari sa asawa ko? Is she okay?" sunod-sunod na tanong ni Mikel.
"Mabuti at agad siya na nadala rito matapos na mahimatay at mawalan ng malay. Hindi ba siya kumain kanina?" tanong pa ng doktor.
"She was at the office. Pero hindi siya kumain kanina at ang sabi pa ng sekretarya ko ay ayaw raw na kumain dahil masama ang pakiramdam."
"This can’t happen again, Mr. Lucero. Kailangan ng asawa mo na kumain at maging malakas. We ran some tests on her and we found out that your wife is expecting."
Napamulagat si Mikel sa narinig. Expecting? Tama ba siya nang narinig? Expecting means- "Your wife is pregnant, Mr. Lucero. Congratulations! Paalala lamang na kailangan niya na magpalakas para masigurado na maging malakas ang kapit ng sanggol sa kan'yang sinapupunan."
"Hey, bro! Huwag ka nga matuod diyan." Ang boses ni Stan ang nagpabalik kay Mikel sa katinuan.
"It’s the usual reaction from first-time fathers. Anyway, you can see your wife now."
Hindi na nasagot ni Mikel ang doktor at nahintay si Stan. Mabilis siya na nagtungo sa silid na kinaroroonan ni Tamara, at nang masilayan niya na ang gising na asawa niya ay isang malapad na ngiti ang sinalubong niya rito.
"Mikel, ano ang nangyari?"
"Sweetie, we’re having a baby."