Hindi alam ni Leonardo Lucero kung maiinis, o matutuwa siya sa kan’yang nalaman. Kararating lamang sa kan’ya ng balita na wala na sa poder ng anak niya ang asawa nito. Ang babae na pinagnanasahan niya at nais niya na magsilang ng kan’yang tagapagmana. Ang bali-balita ay naghiwalay na raw ang dalawa. Sinubukan niya na kumpirmahin kay Chad ang balita na iyon, pero ang hangal na lalaki ay walang kaalam-alam patungkol sa kapatid niya. Kung kailan pa naman na wala siya sa Maynila ay roon pa nakarating sa kan’ya ang impormasyon na iyon. Kung hindi pa siya tinawagan ng kan’yang kumpadre at kinukumpirma sa kan’ya ang katotohanan ay hindi niya malalaman. Ang sabi pa nito ay mahigit anim na buwan na rin yata na hiwalay ang dalawa dahil madalas nang nakikita si Mikel na kasa-kasama ang kaibigan nito