"Peaches, I'm home!" Ngiting-ngiti na bungad ni Wyatt buhat sa may pintuan habang may bitbit pa na isang supot ng mga iba’t-ibang klase ng prutas na kabilin-bilinan ni Tamara sa kan’ya. Nais daw kasi nito na mag fruit salad at kailangan na fresh fruits ang gamit niya, kaya kung saan-saan pa siya na grocery na dumaan at nagpunta para lamang masunod ang hiling ng buntis. "Ayiee! Thank you, my baby boy!" Kilig na kilig pa si Tamara na lumapit sa kan’ya habang pahimas-himas sa bilugan nito na tiyan. "Na-miss kita." Kinindatan pa siya ni Tamara kaya naiiling na lamang si Wyatt sa kan’ya. "Ano na naman ang dagdag na request mo, baby girl? Sigurado ako na may gusto ka na naman kaya ang bait-bait mo sa akin ngayon." Ginawaran siya ng halik ni Wyatt sa pisngi at sa noo at mabilis naman na yumakap