Ang sunod-sunod na pagtunog ng doorbell ang gumising kay Tamara. Napalingon siya sa orasan at nakita niya na alas sais pa lang ng umaga. Nagtataka siya kung sino ang bisita at kung bakit hindi iyon pinagbubuksan ni Mikel. Wala siyang balak na lumabas ng kan’yang silid dahil ayaw niya na magkita sila ng asawa niya. Pero patuloy naman ang pagtunog ng doorbell, kaya wala siyang nagawa kung hindi ang bumangon. Nag-ayos muna siya ng sarili saka nagmadali na lumabas ng kuwarto. Tahimik na tahimik ang paligid. Hindi niya alam kung nasaan si Mikel at ayaw naman din niya na silipin pa ang asawa niya sa silid nito. She can’t dahil baka hindi niya magawa ang plano niya. Sa mga pagkakataon na nagkakausap sila ni Mikel ay nahahati rin ang emosyon niya. Simangot na simangot siya nang tinungo niya ang