Ilang araw na hindi umuwi si Mikel sa bahay nila. Pareho sila na nagbibigay distansya ni Tamara sa isa’t-isa. They both needed to be away from each other, or else they would continue to hurt one another. At ayaw na nila na magkasakitan pa. But the pain is inevitable. Alam nila pareho na hindi pa natatapos ang pareho na sakit na nararamdaman nila. Sa ilang araw na wala si Mikel ay patuloy ang pag-iisip ni Tamara kung tama nga ba ang mga ginagawa niya. Hindi niya alam kung kaya niya na ipagpatuloy ang lahat ng ito, pero isa lang ang nasa isip niya. Kailangan niya na iligtas ang kan’yang sarili sa mas marami na sakit sa piling ni Mikel. Hindi lahat ay sa pagmamahal lamang umiinog, at mas makakabuti na habang maaga pa lamang ay pareho na nila na madiskubre kung hanggang saan lamang ang kaya n