Chapter 8 - Meet the Kontrabidas

1430 Words
“Tamara, handa ka na ba?” Pagtawag sa akin ni Mikel mula sa pintuan. Narito ako sa aking kuwarto at nag-aayos para sa lakad namin ng asawa ko. Naguguluhan na ako sa bagong mundo na ginagalawan ko. Malaki ang pagkakaiba ng pamumuhay ko rito kaysa sa buhay na nakagisnan ko. Ilang araw na rin ang nakalipas simula nang makabalik kami rito sa Maynila. Laking pasasalamat ko rin na hindi na muli na tumawag pa si Chad matapos ang araw na iyon. Marahil ay nagawan na iyon ng paraan ni Mikel. Ang proproblemahin ko na lamang ay ang magiging paghaharap namin kapag nagkataon. "Tamara! Naririnig mo ba ako?" Muli ay pagsigaw sa akin ni Mikel. "Palabas na ako." sigaw ko pabalik. Paano ko naman makakalimutan na ang asawa ko ay walang pasensya sa paghihintay? Lagi na lang ako na binubungangaan kapag nahuhuli ako sa pag-aayos at daig pa ang babae sa dami parati nang sinasabi. Napasimangot ako at tiningnan muli ang repleksyon ko sa salamin. Halos hindi ko na makilala ang sarili ko sa laki ng pagbabago sa mga damit na naisusuot ko ngayon. Hindi ko na alam kung saan na naman ang punta namin ni Mikel ngayon araw. Basta kapag may lakad kami ay ibinibigay niya lamang ang mga damit na kakailanganin ko na tutugma sa okasyon na aming pupuntahan. Nang buksan ko ang pintuan ng aking kuwarto, una na bumungad sa akin ang nakabusangot na mukha ng asawa ko na nakasandal pa sa hamba ng pintuan. "What took you so long?" Iritable agad na sabi niya sa akin habang pinapasadahan pa ng tingin ang kabuuan ko. "Sinigurado ko lamang na presentable ako para naman hindi ka lumabas na kahiya-hiya sa mata ng ibang tao. Alam mo naman na hindi ako sanay sa mundo na ginagalawan mo." Muli ang pagbalik-balik ng tingin niya sa akin mula ulo hanggang paa. Ngali-ngali ko nang bulyawan si Mikel dahil parang manyak na naman ang dating nang patingin-tingin niya, ngunit pinigilan ko ang aking sarili dahil baka mauwi na naman kami sa pagtatalo. "Pangit ba? May reklamo ka ba sa suot ko at ganyan ka makatingin?" tanong ko habang sinusuri na rin ang itsura ko. Nakasuot ako ng fitted jeans at high heels na tinernuhan ng medyo hanging blouse. Itinaas ko rin ang aking buhok sa messy bun at light make-up lang ang ginawa ko. Umiling siya sa akin at isang pasada pa ng kan’yang mata ang ginawa sa akin. "Perfect." tipid na sagot niya at tinalikuran na ako at lumakad papalayo. Nakahinga ako ng maluwag nang makaalis si Mikel sa harapan ko. Para akong de-susi na manika kapag kaharap ko si Mikel. Lagi niya ako na minamanduhan sa kung ano ang dapat at hindi ko dapat na gawin. Kadalasan ay hindi ko iyon nagugustuhan at tinututulan ang mga bagay na iyon, pero may mga oras na kailangan ko na makibagay sa kan'ya. Malaki ang naitutulong niya sa akin, kaya hindi ko puwede na ubusin ang pasensya niya sa akin. Gaya na lamang ngayon na muli ay may kakaharapin kami na hindi ko alam kung pamilya, kaibigan o katrabaho niya. Basta na lamang nagsabi na may lakad kami ngayon araw. "Move, Tamara! Hindi ka estatwa riyan, kaya galaw-galaw na at baka mahuli pa tayo." Pahabol na sigaw pa niya sa akin kaya wala akong nagawa kung hindi ang sumunod na sa kan'ya palabas ng bahay. Walang katulong sa bahay ni Mikel. Kaya pala siya sanay sa gawaing bahay dahil ayaw niya na may kasama sa bahay niya. Typical bachelor kumbaga. May napunta lamang rito upang maglinis kada isang araw. Ito rin ang dahilan kaya malaya kami sa aming pagpapanggap. Kapag narito kami sa bahay ay pareho kami na may sariling mundo. Sinusubukan ko na maghanap ng ibang pagkakakitaan online dahil nga pinagbawalan na ako ni Mikel na magtrabaho bilang waitress. Iyon din ang pinaka-una na inayos namin nang makabalik kami sa Maynila, ang pag-re-resign ko sa aking trabaho. Kagaya nang naipangako niya ay sinusustentuhan niya ako at pati ang pamilya ko. Nang ikalawang araw buhat nang magbalik kami ay nagpadala siya ng pera sa aking pamilya, at ito rin marahil ang dahilan kaya nanahimik si Chad sa pangungulit sa akin na umuwi sa ngayon. Naka-ismid na agad si Mikel sa akin nang maabutan ko na nakasakay na sa sasakyan. "Ang bagal mo talaga kumilos kahit kailan." Tumikhim ako at pinigilan ang pagsagot ng sarkastiko sa kan’ya. "Saan ba tayo pupunta ngayon? Baka gusto mo na sabihin para naman maihanda ko ang sarili ko." "Family thing." simple niya na tugon. "Family thing? Ano ang ibig sabihin niyan?" "Nagyaya si mama na makasama tayo ngayon araw." Kumabog ang dibdib ko sa aking narinig. Ang mama niya? Bakit? Hindi ako sigurado kung handa na ulit ako na makaharap ang ina niya. Hindi naman siya naging maldita sa akin noon unang beses kami na magkita, pero hindi rin naman siya naging mabait at welcoming kaya hindi ko alam kung saan ako lulugar sa kan’ya. "Bakit daw?" "Bakit namumutla ka riyan? Si mama lang iyon, hindi mo kailangan na kabahan ng ganyan." "Hindi ah. Bakit naman ako mamumutla? Gusto ko lang malaman kung bakit biglaan yata tayo na makikipagkita sa kan'ya." "Hindi biglaan. Sinabi ko kay mama na nais ko na magpakasal tayo ulit." "Ano?" Nabingi yata ako sa sinabi ni Mikel dahil ang narinig ko sa kan’ya ay nais niya na magpakasal kami ulit. "We will get married again. Sa simbahan this time." "Bakit?" gulong-gulo na tanong ko pa sa kan’ya. "Ano na naman ba na bakit?" "Maximum of two years lang ang kasunduan ng kasal natin, Mikel. Kaya bakit pa natin kailangan na maikasal ulit sa simbahan?" "To make it more believeable." Ganito ba talaga ang mayayaman? Parang nagtatapon lang ng pera sa mga walang kuwenta na bagay. "You are unbelievable! Sigurado ka ba na gugustuhin mo pa na magsayang ng pera para lamang ulitin ang isang kasal na sa una pa lang ay alam na natin na lokohan?" "Walang maniniwala hangga't hindi nakikita ng mismong mga mata nila na nagpakasal tayo." Napairap ako sa sinabi niya, "Wala tayong dapat na patunayan sa kanila. At kung gusto nila ng pruweba, magpopost ako ng marriage contract natin sa mga social media accounts ko. Kailangan natin maging praktikal, Mikel. Hindi ko nga pera ang magagastos diyan, pero hindi ko rin balak na magsayang pa ng pera mo." "Nagdesisyon na si mama kaya wala na rin tayong magagawa pa." "Mama’s boy ka ba?" walang kagatol-gatol ko na tanong. Bakit kailangan na ang nanay niya ang magdesisyon para sa amin? "Ilan taon ka na nga? Bakit kailangan na nanay mo ang magdesisyon para sa atin? Mabuti na lamang pala at kunya-kunyarian lang ang kasal na ito dahil wala akong balak na makasal sa lalaki na palagi na nakakapit sa saya ng nanay niya." "Kung ayaw mo ng engrande na kasal, puwede naman. Basta uulitin ang kasal. Tapos ang usapan." Wow na wow lang talaga ang asawa ko! Hindi man lang dineny ang pagiging mama’s boy niya. Tumahimik na siya upang ipagdiinan sa akin na tapos na ang usapan at ang kan’yang desisyon ang mananaig. Huminto ang sasakyan sa isang restawran. Pagkaparada ay nauna na bumaba si Mikel at saka niya ako inikutan upang alalayan na makababa ng sasakyan. Nasasanay na rin ako sa ganito na pagpapanggap namin kapag nasa labas kami ng bahay at nakikita ng maraming tao. "Mikel." Papasok na kami sa restawran ng may isang matinis na boses ang tumawag kay Mikel. Boses pa lang ay tiyak ko nang hindi ko makakasundo ang nagsalita. Kung sino man siya ay sigurado ako na magiging tinik siya sa buhay ko sa tono ng kan'yang pananalita. Nang lingunin namin ang boses ay isang maganda na babae na animo ay modelo ang mataray na nakatitig sa akin. Hindi lang siya maganda kung hindi napaka-sexy pa. May kasama siya na lalaki na hindi maikakaila na sobra na guwapo rin. Sa aking tingin ay may anggulo rin ang lalaki na kahawig ni Mikel. Napasulyap ang lalaki sa akin at pinasadahan din ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Hindi niya inaalis ang pagkakatingin sa akin kaya naman bahagya ako na lumapit at dumikit kay Mikel. Nang mapansin ng asawa ko ang mga titig na ibinibigay ng lalaki na kaharap namin sa akin ay ipinulupot niya ang braso niya sa aking beywang. Ang akto na ito ni Mikel ang lalo na nagpasalubong sa kilay ng mataray na babae, habang ang lalaki ay patuloy lang ang pagtitig sa akin kaya naman ay hindi na ako komportable sa tagpo na ito. Bumuntong-hining si Mikel at nagsalita, "Janine."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD