Tinawag na Janine ni Mikel ang babae na kaharap namin. Kung gano'n, ang babae na ito na matatalim ang titig na ibinibigay sa akin ay ang ex-girlfriend niya. Siya ang babae sa nakaraan ng asawa ko na nagbigay sa kan’ya ng matindi na sakit. Pero sino ang lalaki na halos kahawig ni Mikel?
"What’s the meaning of this, Mikel? Ano itong mga nababalitaan ko? Ilang linggo ka na nawala tapos pagbalik mo ay isang balita ang sasabog sa akin? Are you doing this to hurt me?"
"Bakit ka naman masasaktan? At hindi ko kailangan na magpaliwanag sa'yo. Kung ano ang nakikita mo, iyon na ang kasagutan sa tanong mo."
"No." mataray na sagot ng babae.
Nakita ko pa nang sulyapan niya ang daliri ko kung saan nakasuot ang wedding ring namin ni Mikel. Napatingin din ako sa kamay ni Mikel kung suot ba ng asawa ko ang singsing niya, at nakahinga ako ng matiwasay dahil hindi naman niya iyon nakaligtaan.
"So it’s true? You really are married!"
"Bakit naman hindi magiging totoo? Nakarating na pala sa’yo ang balita. Ano sa tingin mo iyon, gawa-gawa ko lang? Para ano? Para magpapansin sa’yo? Kung iyan ang inaakala mo, pasensya ka na, hindi ko kailangan na gawin iyon. Hindi ko kailangan na gumawa ng kuwento. And besides, you’ve made your choice."
"Mikel." Malambing na ang tono ng babae nang tawagin niya muli ang pangalan ng asawa ko. May paghawak pa siya sa braso ni Mikel kaya naman nag-ubo-ubuhan ako para makahalata naman siya. Dahil sa ginawa ko ay inilayo ng asawa ko ang kan’yang braso sa ex niya at masama ang tingin na ipinukol ni Janine sa akin dahil sa naging kilos na iyon ni Mikel.
"Let’s talk about this, Miks, baby. It was a mistake. Isang pagkakamali lang at walang ibig sabihin iyon. Huwag mo akong kondenahin sa isang pagkakamali na iyon."
Sarkastiko na tumawa si Mikel at matalim din ang tingin na ipinukol sa babae. "Talaga, Janine? One mistake? Kaya ba nakikita kayo kung saan-saan na lagi magkasama? At kaya ba hanggang ngayon ay magkasama pa rin kayo? Isang pagkakamali lang ba talaga ang lahat? I don't think so!"
Pigil-pigil ko ang reaksyon na nais kumawala sa akin nang tapunan ko rin ng tingin ang lalaki na kasama ni Janine. Kung tama ang pagkaka-intindi ko sa pag-uusap nila, ang lalaki na kasama ng ex ni Mikel ay ang salarin kung bakit sila nagkahiwalay. Matinik din talaga ang babae na ito at mukhang magkamag-anak pa ang napili na tuhugin.
"Isang pagkakamali na tumagal ng halos isang taon? f**k your lies, Janine." Tumaas ang tono ni Mikel kaya naging maagap din ako na himasin ang mga kamay na nasa beywang ko. Sinusubukan ko siya na pakalmahin kahit na sigurado naman ako na wala akong epekto sa kan’ya, pero gano'n pa man ay kailangan ko pa rin na umarte.
"You must be the wife." Singit ng lalaki na hindi pinansin ang mga tinuran ni Mikel.
"f**k off, Wyatt!" May halo na pagbabanta sa boses ni Mikel.
Ang galing lang diba? Nakikilala ko ang mga kaharap namin hindi dahil sa direkta sila na ipinakilala sa akin, kung hindi dahil nababanggit lamang ang mga pangalan nila sa usapan na ito ng galit na galit ko na asawa. May mga eksena rin pala na kabit-kabit chenes ang mga mayayaman, minus the sabunutan at jombagan part nga lang.
"Chill, Mikel. Hindi mo kailangan na manggalaiti riyan. I just want to meet my cousin-in-law."
Cousin? Magpinsan si Mikel at ang lalaki na ito? Magpinsan ang tinuhog ni Janine? Natutop ko ang bibig ko at hindi ko malaman ang magiging reaksyon ko sa mga nalalaman ko patungkol sa buhay ni Mikel at ng babae na nanloko sa kan'ya.
"Stay away from her. Stay away from my wife."
"I don’t think so, Miks. Hindi ba at ipapakilala mo pa siya sa pamilya? We would be seeing each other often as families then, kaya I cannot stay away from your wife. I'm sorry, you can't get rid of me that easily."
"Mikel." muli na tawag ni Janine sa aking asawa. "Let’s talk, please. Pag-usapan natin ito. You cannot just marry someone. We have plans. Magpapakasal na tayo."
"Huh, I cannot marry someone? I just did, Janine. I have already married my wife."
"But I am your fiancée!" Muli ang gulat na rumehistro sa mukha ko. Hindi niya lang basta nobya si Janine, fiancée niya. Ito ba ang rason ng pagpayag ni Mikel na manatili kami na kasal? Balak ba niya na pasakitan ang ex niya gamit ako?
"Ex, Janine. You are my ex-fiancée. That title is no longer yours the moment you decide to f**k with my cousin.”
Napatawa ang pinsan ni Mikel na si Wyatt sa tinuran niya. Hindi ko maiwasan na mapatitig sa lalaki dahil totoo na guwapo rin siya. Hindi nalalayo ang itsura niya kay Mikel, ngunit mas nagiging guwapo lamang sa paningin ko ang Wyatt na ito dahil sa awra niya na mas mukha na marunong ngumiti at mas masayahin kaysa sa asawa ko. Pero paano nga naman magiging masaya si Mikel kung niloko siya ng babae na nakatakda niya na pakasalan at ng sarili niya na pinsan? Napakagulo at komplikado rin pala ng buhay niya.
"Shut it, Wyatt." Inis na baling na babae kay Wyatt.
"What? It’s funny. Pero kagaya nang sabi mo, Mikel, it was just a f**k, nothing serious. Bakit ba hindi na lang kayo mag-usap na dalawa tutal kayo lang naman ang may issue rito? Then, kami ni cousin-in-law ay mag-uusap muna rin para mas makilala namin ang isa’t-isa."
"Back-off, Wyatt. Sinasabi ko sa’yo na sa pagkakataon na ito ay makakatikim ka na sa akin."
Itinaas ni Wyatt ang kamay bilang pag-surrender habang nangingiti pa na umatras ng bahagya. "I’ll back-off for now. Pero gaya nang sinabi ko, you can't get rid of me, Mikel. See you soon, cousin-in-law." Pagkasabi niya no'n ay binalingan niya si Janine. "Sumunod ka na lang sa kotse kapag tapos ka nang magmakaawa sa pinsan ko para muli ka na balikan." Natatawa na huling salita pa niya saka kami tinalikuran at naglakad na papunta sa paradahan.
Bilib din ako sa lakas ng apog ng lalaki na iyon. Nagagawa pa niya na biruin ang pinsan niya na trinaydor niya. Hindi ko yata kinakaya ang mga palabas ng mga mayayaman na ito. Grabe rin ang trayduran nila na magkapamilya at iisang babae ang pinuntirya.
"Mikel."
"Stop, Janine. Tapos na sa atin ang lahat. Now, if you’ll excuse us. My wife and I have to meet someone." Masungit na salita pa ni Mikel at iginiya na ako papasok sa restawran. Nang sulyapan ko si Janine ay nakahabol pa rin siya ng tingin sa amin.
Pagkapasok namin ay ibubuka ko pa lang ang bibig ko upang magtanong nang unahan ako ni Mikel sa pagsasalita. "No questions, Tamara. Sigurado ako na matalino ka naman at mabilis pumick-up. Kaya kung ano ang nakuha mo sa usapan na iyon kanina, that’s it. No need to ask questions dahil hindi ko rin sasagutin ang mga tanong mo."
Iminuwestra ko na lamang gamit ang kamay ko na izini-zipper ko ang bibig ko. "Sabi ko nga na walang tanong dahil bawal."
Dumiretso kami sa isang pribado na silid sa restawran na iyon at doon namin naabutan ang kan’yang ina. Bumalik na naman ang matindi na pagkakaba ko nang muli na masilayan ang mataray na anyo ng ina ni Mikel. Bagay na bagay talaga siya na gumanap bilang mayaman na kontrabida.
"Mikel, bakit ang tagal ninyo?" tanong niya habang lumakad pa palapit sa amin.
"May nakita lang na dating kakilala sa labas. But all good now." Humalik si Mikel sa kan'yang noo at ginantihan niya nang pagngiti sabay binalingan ako ng tingin
Tipid na ngiti lamang ang nagawa ko dahil sa sobrang kaba sa puso ko. "Welcome to the family, Tamara." usal niya sabay hatak sa akin upang yakapin. "Pasensya ka na, iha, at lubha ako na nagulat sa una natin na pagkikita. I didn’t mean to scare you. Wala rin ako na balak na hadlangan ang kasal ninyo ng anak ko. Kung sino ang mahal ni Mikel ay mahal ko rin, basta’t huwag lamang siya sasaktan."