Chapter 8.2 - Meet the Kontrabidas

1280 Words
The main kontrabida is not really the kontrabida. Ito ang napagtanto ko nang makilala ko ang ina ni Mikel sa ikalawang pagkakataon. Sa una na paghaharap namin ay tumatak talaga sa aking isipan na isa siya sa magpapahirap at maggagawa na miserable ang dalawang taon na kasal ko kay Mikel. Pero nagkamali ako. Mali ako na hinusgahan ko siya kaagad. Simula kanina ay parang halos ako pa ang anak niya kaysa kay Mikel. At hindi umubra sa nanay niya ang sabi-sabi niya na ayaw niya nang nag-uusap kapag kumakain. Sa sobra na daldal at masayahin ng ina ni Mikel ay napapa-isip ako kung kanino siya nagmana. Malamang, kung hindi sa ina ay sa ama niya. Ngunit nasaan ang kan’yang ama? Ilang araw na rin kami na magkasama, pero hindi ko man lang narinig na nabanggit niya ang kan’yang ama. Tangi na ang ina niya lamang ang malimit na nasasama sa mga mumunti na usapan namin dalawa. Deads na ba iyon? Pero wala rin ako na nakita na mga litrato nito nang magpunta kami sa bahay ng ina niya. "Tamara, iha, ayaw mo raw ng magarbo na kasal sabi ni Mikel?" Ako ay nawaglit na sa amin pinag-uusapan sa kaka-isip ko sa pamilya ni Mikel. "Ah, pasensya na po, mam-" "Mam? Anong mam? Tawagin mo ako na mama o kaya ay mommy, Tamara. Asawa ka na ni Mikel at anak na rin kita ngayon." Pagputol pa niya sa sasabihin ko. "Pasensya na po, ma-ma. Mama." Ano ba ang nangyayari sa akin? Hindi bagay ang mga sosyal na tawagan sa nanay. Hindi talaga ako sosyal kahit na ano ang gawin ko. "Pasensya na po, mama." Pag-uulit ko pa sa mas maayos na pananalita. "Parang hindi na po kasi praktikal pa na gumastos gano'n kasal na naman kami ni Mikel. Kung ako nga lang po ang tatanungin ay ayos na ang naging kasal namin sa Mindoro." "Tamy, iha, naiintindihan ko. Pero ang kasal ay isang beses lamang na mangyayari sa buhay ng isang babae. Wala ka bang dream wedding? Kailangan na maibigay iyon ni Mikel sa’yo dahil hindi ako papayag na madalian na kasal lang sa huwes ang ginawa nitong anak ko para sa’yo." Magkakaroon lang naman ng dream wedding kung ang mapapangasawa mo ay dream man mo. Iyon lalaki na totoo na itinitibok ng puso mo. Pero paano ko naman iyon sasabihin sa nanay ni Mikel? At isa pa, may tsansa pa naman ako na makasal ulit sa tao na mahal ko kapag naghiwalay na kami. Kaya mali ang sinasabi niya na isang beses lamang makakasal ang babae. "Sayang po kasi ang pera. Hindi po kasi ako lumaki sa yaman kaya hindi talaga ako sanay na hindi nagiging praktikal." "I am liking you even more for my son." Mahigpit na yakap ang sumunod niya na ibinigay sa akin. "Whare have you been all these years at ngayon ka lang natagpuan ng anak ko? Pero masaya ako na sa kabila ng mga pinagdaanan ni Mikel ay nakita ka na niya. Ang babae na nararapat para sa kan’ya." "Wala naman po siguro na tao na nararapat dahil kapag mahal mo ang isang tao ay pipilitin mo na maging karapat-dapat ka para sa tao na mahal mo." "Oh! That is so sweet, iha." Maluha-luha pa niya na sagot sa akin. Napalingon ako kay Mikel na seryoso ang pagkakatingin sa amin ng kan’yang ina. "Mikel, anak, you have found her. Nasa tamang tao ka na talaga ngayon. And everything that happened to you has a reason. At si Tamara ang rason na iyon, because you are destined to meet her." Sa ikalawang beses ay may nagsabi sa akin na ako ang tamang tao para kay Mikel. Nauna na si Stan at ngayon naman ay ang ina ni Mikel. Ano ba ang nakikita nila sa akin at paulit-ulit nila iyan na sinasabi? Ano ba ang ginawa ni Janine kay Mikel bukod sa tuhugin ang magpinsan para hindi nila maisip na siya ang nararapat para kay Mikel? "Pagpasensyahan mo na ang pagiging emosyonal ko, Tamara. I am just so happy for my son. He dreams of this, at ngayon ay nakuha na niya. Masayang-masaya ako na ikaw iyon. Masaya ako na ikaw ang napangasawa niya." Muli ay mahigpit na yakap ang ibinigay niya na ginantihan ko na rin nang pagyakap ko pabalik sa kan'ya. Sana kung may ina rin ako na kagaya niya, siguro maalwan ang buhay ko. "Now, enough of the drama. Going back to the wedding, can we meet halfway, iha?" "Sige po." tipid na sagot ko na may kasama pa na pagtango. "Let’s have another wedding, pero hindi na kasing bongga ng nais ko. A simple but a very intimate wedding for the two of you. Pagbigyan mo na ako, iha. Ayaw ko lang talaga na sa huwes lang ang kasal ninyo." Paano pa ba ako makakatanggi sa nakikiusap na mga mata niya na iyon? "Sige po, pero simplehan lamang po natin. Ayaw ko na talaga na masyado maging magastos." "Sure, iha. Salamat sa pagpayag mo." Binalingan niya ang anak niya at muli na nagsalita. "I’ll take care of everything, Mikel." Halata ang pagkasabik sa kan’ya na planuhin at ayusin ang kasal namin. "I’ll just make a quick phone call para maumpisahan na ang lahat. Naisaayos na ba ang lahat, Mikel, para sa pagpapakilala kay Tamara?" "Yeah. Everything is taken cared of." "Mabuti kung gano'n. I’ll just make this call." Pagpapaalam niya sa amin tsaka siya lumabas ng pribado na silid na inookupa namin. Napakunot ang noo ko nang mapagtanto ko ang pagtitig sa akin ni Mikel nang makalabas ang kan’yang ina. "Ano na naman? Mayro’n na naman ba ako na nasabi o nagawa na hindi angkop sa panlasa mo?" "Thank you, Tamara." Hindi ko inaasahan ang pasasalamat na iyon. Pero para saan ba nga ang mga salita na iyon? "Para saan naman?" "For making my mom happy. She means the whole world to me, at gagawin ko ang lahat makita lamang siya na masaya." Samakatuwid, hindi naman pala talaga mama’s boy si Mikel. Sobra lang talaga ang pagmamahal niya sa kan’yang ina at natutuwa ako na malaman iyon. Ang mga lalaki raw kasi na mapagmahal sa ina ay mapagmahal rin sa asawa. At kahit na peke ang lahat ng ito sa amin ay gusto ko rin maranasan na maayos na pakisamahan at mabigyan ng importansya ng lalaki na tinatawag ko na asawa. "Puwede ba ako magtanong?" paglalakas-loob ko sa kan'ya. "Basta hindi tungkol sa eksena kanina ay ayos lang." "May tatay ka pa ba? Ang ibig ko sabihin is he dead or alive? Kasi parang hindi mo siya nababanggit eh." "I do. Sa kasamaang palad ay mayro’n ako na isang walang kuwentang ama." "I-I’m sorry." "It’s okay. Tanggap na namin iyon. He left us for another woman. Then every year thereafter, may iba’t-ibang babae na pumapalit. Masasanay ka na lang. I don’t see him anymore, simply because I don’t want to. Gusto ko nang putulin kung ano man ang ugnayan na mayro’n kami sa isa’t-isa. At sana lang talaga ay tuluyan na siya na tumigil sa kakapilit sa akin na maging tagapagmana niya. I don’t need his money. I have my own." Hindi ko maiwasan na lalo na mapabilib kay Mikel. Ang iba ay humahabol pa sa yaman ng mga magulang, pero iba si Mikel. Siya pa mismo ang umaayaw at tumatanggi sa mana na maaari niya na makuha. "Ang yaman mo pala kung ganoon?" "I want to prove something to my father. Gusto ko patunayan na I can stand on my own. Gusto ko ipamukha sa kan’ya na kaya namin ng nanay ko na mabuhay ng wala siya at kaya ko pantayan ang lahat ng mayroon siya dahil sa sarili ko na pagsisikap."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD