Ilang araw na rin kami na abala muli ni Mikel upang isaayos ang simple na kasal na napag-usapan namin ng kan’yang ina. Hindi man ito ang talaga na nais ko, pero napagkasunduan na namin ito ni Tita Marlene. Oo, 'yan pa rin ang tawag ko sa ina ni Mikel kapag hindi siya kaharap. Ayaw ko naman na umarte na totoo ang lahat kahit na alam ko naman na isang pagbabalat-kayo lamang ito.
Unti-unti na rin ako na nasasanay sa nagiging pag-arte namin kapag nasa labas kami ni Mikel at nakaharap sa ibang tao. Awtomatiko na nagiging isang mabuti na asawa ang dating ko kapag gano'n. Para kami na isang tunay na mag-asawa na mahal na mahal ang isa’t-isa kapag kami ay wala sa apat na sulok ng bahay niya. Pero oras na makapasok kami rito at maiwan na kami na lamang dalawa ay nag-iiba na ang ihip ng hangin. Pareho na kami na bumabalik sa sariling mundo na ginagalawan namin.
Hindi naman na masyado na nagsusungit si Mikel sa akin dahil hindi naman din niya ako masyado na kinakausap kapag nasa bahay kami. Maliban na lang kung may mga itatanong siya sa akin ay roon lang kami nagkakaroon ng oportunidad na makapag-usap. Kapag wala naman siya na kailangan ay para lamang ako na hangin na dinadaan-daanan niya rito sa bahay.
Natutunan ko na nga lang na kausapin ang mga halaman sa hardin at ang ilan sa mga litrato niya at ng kan’yang ina sa sala. Sa sobrang lungkot ng pamumuhay ko rito ay minsan ninanais ko na sana bumisita si Stan kahit na hindi ako natutuwa sa pagkamakulit niya. Mas nanaisin ko na rin kasi ang may makausap kaysa ang mag-isa sa maghapon. Sa susunod nga ay baka tuluyan na ako na mabaliw at baka pati mga lamesa at upuan dito ay kaibiganin ko na rin.
Daig ko pa ang nagtatrabaho bilang caretaker sa bahay niya. Kapag wala kami na kailangan na asikasuhin na magkasama ay pumapasok siya sa trabaho sa umaga at buong araw na ako na maiiwan na mag-isa rito. Uuwi siya para matulog na lamang din. May mga araw na hindi na nga rin kami nagkikita at nagkakausap dahil sobra na ang late niya na bumabalik.
Kahit na ganito ang ayos ng relasyon namin ay wala naman din ako na mairereklamo dahil kagaya nang naipangako niya, ay sustentado niya ako rito sa lahat ng pangangailangan ko. Puno ng pagkain ang bahay kaya hindi rin naman ako gugutumin. Kung gano'n, ano pala ang pinoproblema ko? Ang problema sa lahat ng ito ay hindi ito ang buhay na kinasanayan ko. Hindi ito ang nais ko. Ang tingin ko tuloy sa sarili ko ay isang bayaran na babae na sinusuportahan ng kalaguyo na may asawa na. Mistress kumbaga. Ang kaibahan lamang, wala akong pisikal na responsibilidad sa kan’ya.
Nakakabagot din ang lagi na nag-iisa rito sa bahay. Kagaya ngayon na kahit weekend naman, hindi ko alam kung nariyan ba si Mikel sa kuwarto niya o umalis siya. Minsan ay iniisip ko na mas gusto ko pa iyon mga oras na nagtatalo kami at nagdedebate kaysa ang araw-araw na matuyuan at mapanisan ako ng laway sa pag-iisa ko rito.
Napa buntong hininga na lamang ako at bumangon sa pagkakahiga. Ano pa nga ba ang puwede ko na naman na magawa sa araw na ito kung hindi ang libangin ang sarili ko sa pagluluto. Mukhang tahimik sa labas kaya tiyak ako na wala na naman si Mikel ngayon. Ilang weekend na rin naman siya na umaalis at nakikipagkita kay Stan. Hindi man lamang nga ako niyayaya para kahit na paano ay makalanghap naman ako ng sariwa na hangin sa labas.
Padaskol ako na lumabas ng kuwarto. Naiinis man ay may magagawa pa ba ako. Nagdiretso ako sa kusina at naghanap ng kung ano naman ngayon ang puwede ko na pag-eksperimentuhan. Kagaya nang inaasahan ko, mukha naman na wala si Mikel. Mabuti na lamang din at wala siya dahil hindi na ako nakapagbihis pa. Nakamaigsi na shorts lamang ako at manipis na t-shirt, ito naman ang nakagawian ko na isuot dahil lagi naman ako na nag-iisa rito.
Bumalik ako ng kuwarto at kinuha ang telepono ko at earphones. Nang makabalik sa kusina ay ibinulsa ko ang telepono ko at nagpatugtog ng musika at saka isinuot ko ang earphones ko para muli na masentro ang atensyon ko sa aking gagawin. Kinuha ko sa ref ang ilang sangkap na puwede sa pasta. Wala kasi ako na maisip na lutuin na ulam kaya magpa-pasta na lamang ako ngayon para sa aking agahan at tanghalian mamaya. Habang nagluluto ay sinasabayan ko pa nang pagkanta at pag-indak ang musika sa aking telepono.
Tama iyan, Tamara! Libangin mo ang sarili mo yaman din lamang na malapit na malapit ka nang mabaliw. Iniisip ko na nga kung aabot ba ako ng dalawang taon na mahigpit pa ang turnilyo ng utak ko o baka naman sa mental na ako pulutin hindi pa man tapos ang kontrata namin.
Ilang beses ko na rin na naisip na maghanap ng trabaho na maaari ko na mapaglibangan. Ito ang naisip ko na paraan upang hindi ako tuluyan na maburyong dito. Ano kaya ang maganda na pagkakitaan sa online ngayon? Patuloy ako sa pagsasayaw at paggiling-giling habang patuloy rin na nag-iisip ng pagkakakitaan at hinihintay na kumulo ang pasta. Baka puwede ako mag-vlog? O sa mga social media kaya? Tutal mahilig naman ako sa pagsayaw-sayaw, bakit kaya hindi ko na lamang pagkakitaan ito?
Feel na feel ko pa ang pagsasayaw ko at walang pakialam sa mundo nang halos malaglag ang puso ko nang pag-ikot ko ay ang mga mata ng asawa ko ang tumambad sa akin habang nakatulala siya sa akin. Nakabitin ang kamay na may hawak ng bote ng mineral water na mukhang iinumin dapat niya pero hindi naituloy. Dahil ba sa akin? Lagot na naman yata ako sa asawa ko na parang lider ng militar.
Shit! Nakakahiya, Tamy! Isang kahihiyan na naman ang naipakita mo sa asawa mo. Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko. Pareho kami na natigilan ni Mikel at nakatitig lamang sa isa’t-isa. Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip niya. Mapapagalitan na naman ba ako? Kinakabahan ako bigla dahil hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha niya ngayon. Hindi kagaya dati na isang tingin pa lang niya sa akin ay alam ko na kung galit na siya at iritang-irita na.
Walang salita ang lumabas sa akin at patuloy ang mabilis na t***k ng puso ko. Pinilit ko na pakalmahin ang sarili ko at palakasin ang loob ko. "Ehem. Pasensya na, narito ka pala. Akala ko kasi umalis ka at ako lang ang narito." Mabilis na pagpapaliwanag ko.
"Uh, nag-jogging ako." tipid na sagot niya na hindi pa rin inaalis ang mga mata sa akin.
Bumuga ako ng hangin at muli na nagsalita. "Are you checking me out?" matapang na tanong ko pa.
"What?" Nanlaki ang mata niya at bahagya na namula ang pisngi niya sa sinabi ko. Nag-blush ba siya? Bakit, nahihiya ba siya dahil totoo ang sinabi ko? Wow, asa ka, Tamara!
"Ano? Gusto mo na naman ba na ulitin ko ang tanong ko?"
"Feeling mo naman, Tamara. Baka nakakalimutan mo ang sinabi ko sa’yo na hinding-hindi kita magugustuhan. Sa una pa lang ay na-turn-off na ako sa'yo." Wow sa wow lang talaga, besh! Lagi na lang straight to the heart ang tama ng mga salita niya sa akin. Hindi ako nagpahalata na nainsulto ako sa sinabi niya.
Mataray ko siya na tinitigan at muli ay nakipagsukatan ng tingin sa kan'ya. "Para kasing titig na titig ka sa katawan ko eh at baka may bumukol na naman na hindi dapat bumukol sa'yo. Pero baka naman tama ka nga, hindi mo nga ako tinitingnan. Baka pinagpapantasyahan mo lang ako."
"Sige, tama iyan, confidence level at it’s finest." Tumalikod siya sa akin at dumiretso sa may ref. May hawak na ng tubig ay pumunta pa ulit sa ref? Lutang ka lang ba Mikel?
Hindi ko rin maiwasan na pasadahan siya ng tingin. Hulmang-hulma ang katawan niya sa suot niya ngayon. Tiyak ako na kung hindi lang masungit si Mikel ay marami ang babae na maghahabol sa kan’ya. Pero malamang na kahit masungit ay marami pa rin talaga ang naghahabol. Kung ang ex nga niya ay ayaw siya tigilan eh.
"Who’s checking who now? Baka ikaw ang nagpapantasya sa akin." Napaangat ako ng ulo at napagtanto na nahuli na naman ako na pinapasadahan siya ng tingin.
Buwisit talaga! Bakit ba lagi na lang niya ako na nahuhuli? Pero bakit naman ako maiilang? Siya nga ay huli na in denial pa rin.
"Eh ano ngayon kung tinitingnan kita? Ano ngayon kung nagpapantasya ako? May karapatan naman ako dahil asawa kita sa ngayon. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, wala ka nang magagawa. Huwag kang dumi-display-display riyan kung ayaw mo na tinitingnan ka. Ano ang gusto mo, pumikit ako?" Mahaba na litanya ko pa sabay talikod at itinuon ang pansin sa niluluto ko na pasta. Pinatay ko ang nakasalang at mabilis na hinango iyon sa mga nanginginig ko na kamay. Whew! Buti na lang, Tamara, ay nakabawi ka. Ngayon, siya ang walang nasabi.
"Ayos lang naman kung inaamin mo. Tutal, sa'yo na rin nanggaling, eh ano rin naman kung tinitingnan kita? Asawa rin naman kita at may karapatan ako na gawin iyon sa'yo. Bakit may boyfriend ka ba na magagalit kapag ginawa ko iyon? Sino ang dapat na pakakasalan mo, ang boyfriend mo ba?" Napalingon ako sa kan'ya sa mga tanong na iyon.
Inamin ba niya na tinitingnan niya ako? At ano ang koneksyon at bakit niya ako tinatanong ng tungkol sa kasal na tinakbuhan ko? May alam na ba siya? Sagot, Tamara! Bakit ngayon, ako ang hindi makasagot?!