Chapter 9.1 -The Runaway Bride's Reason

1320 Words
Dumadagundong ang puso ko sa tanong na iyon ni Mikel. Lumakad siya papalapit sa akin at sumandal pa sa kitchen counter kaya naman lalo na nadepina ang kan’yang pangangatawan. At hindi ko maiwasan na pasadahan siya ng tingin kahit na ang puso ko ay nagsisirko na sa mga naging tanong niya. "I asked you a question, Tamara. I need answers at hindi ang pagtitig mo na naman sa akin." Teka nga, bakit ba napunta na rito ang usapan, gano'n ang pinagtatalunan lang naman namin ay ang pagtitig niya sa akin at gano'n din ako sa kan’ya kanina? "Bakit napunta riyan ang usapan?" naguguluhan na tanong ko. "I wanted to know. We’ve been living together for several weeks, lagpas isang buwan na nga yata, pero wala pa akong alam tungkol sa’yo maliban sa may tinakasan ka na kasal." "Ba-bakit kailangan mo pa malaman? Problema ko na iyon at labas ka na ro’n. At isa pa, wala sa kontrata natin ang alamin ang tungkol sa buhay ng bawat isa." "I need to know so I can protect you." Lalo ang kaguluhan ko nang sabihin niya iyon. Bakit niya ako kailangan na protektahan? Alam na ba niya ang tungkol sa sikreto ko? Pero paano niya nalaman? Natunton na ba siya ni Chad at ipinaalam ang katotohanan? "Bakit mo naman ako kailangan na protektahan?" "Paano kung habulin ka ng nakatakda mo na pakasalan? Paano kita maililigtas kung hindi ko kilala ang tao na iyon? And besides, I think I have the right to know. Asawa mo naman na ako at may alam ka na rin sa pamilya ko." Itinaas-baba pa niya ang kilay niya sa akin at hindi ko alam kung bakit para ako na nahihipnotismo sa mga galaw niya na iyon. Ang sumunod na napagtanto ko na lamang ay sinasabi ko na sa kan’ya ang mga naging rason ko nang pagtakas ko sa sariling pamilya ko. "Umalis ako dahil ipinagkasundo ako ni Chad na kapatid ko na maikasal sa isang mayaman na tao." "Bakit niya kailangan gawin iyon?" tanong ni Mikel. "Let me rephrase that. Umalis ako at lumayas dahil ibinenta ako ng kapatid ko sa isang matanda na bilyonaryo na naghahanap ng bubuntisin at magdadala ng kan'yang tagapagmana." "What?! That's sick." Nakita ko ang galit na ekspresyon sa mga mata ni Mikel. Iba ang galit na ito sa madalas ko na nakikita sa mga mata niya kapag nagagalit o naiinis siya sa akin. Parang may pinaghuhugutan ang emosyon niya na iyon. "Kapalit ang malaking halaga ay nagawa ako na ipagkanulo ng sarili ko na kapatid. Nagawa akong ibenta ng kuya ko." Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Kaya ayaw ko ito sabihin sa kan’ya dahil ayaw ko na kaawaan ako. Kinakaawaan ko na nga ang sarili ko, pati ba naman ang ibang tao ay gano’n din? "Bakit niya gagawin ang bagay na ‘yon? Hindi gano'n ang magkakapatid. Ang mga magulang mo? Pumayag ba sila? Wala ba silang ginawa para iligtas ka?" Sunod-sunod na pagtatanong pa niya. Halata na interesado siya na malaman ang lahat tungkol sa bagay na ito. "Gaya nang sabi ko, iba ang pamilya ko sa normal na pamilya. Walang pakialam ang mga magulang ko sa kahit na anong paraan pa ang gawin namin basta masigurado lang na makadelihensiya kami ng pantustos sa pangangailangan ng pamilya. Kaya kahit ibenta ako ni Chad ay ayos lang sa kanila. Pero hindi ko na kaya. Pagod na pagod na ako sa kakasuporta sa kanila tapos pati ang buhay ko ay kailangan pa nila na pagkakitaan." Patuloy ang impit na paghikbi ko at naramdaman ko na lamang ang paglapit ni Mikel at pa-alo sa akin. Hinimas niya ang mga braso ko at awang-awa na nagsalita. "I’m sorry. Hindi ko akalain na iyan ang istorya ng buhay mo. Hindi ko alam na ganyan kakomplikado ang pinagdaraanan mo." "Huwag mo akong kaawaan, Mikel. Ayaw ko sa lahat ang kinakaawaan ako." Pinahid ko ang mga luha ko gamit ang likod ng palad ko at tipid na ngumiti sa kan'ya. "Hindi kita kinakaawaan. Hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan na gawin iyon ng kapatid mo." Napa buntong hininga pa siya saka muli na nagsalita. "Huwag ka mag-alala, sisiguruhin ko na hindi ka na maibebenta ng kapatid mo. Habang asawa mo ako ay hindi makakalapit at makakagawa ng kahit na ano sa'yo ang pamilya mo." "Naibenta na niya ako, Mikel. Nakakuha nang pauna na bayad ang kapatid ko, kaya iyon ang dahilan kaya niya ako binigyan ng taning upang makauwi. Hindi nga ako sigurado kung magkano ang ipinadala mo sa pamilya ko gamit ang pangalan ko para pansamantala ako na tigilan ni Chad." Hanggang ngayon ay hindi ko alam ang halaga ng ibinigay ni Mikel sa pamilya ko. Humingi lamang siya ng detalye kung kanino ipapadala ang pera at sinabi na lamang niya sa akin na naipadala na iyon gamit ang pangalan ko. "Kanino ka ibinenta ng kapatid mo?" muli na tanong niya. Nagkibit-balikat ako bilang tugon. "Hindi ko alam ang pangalan. Basta isang araw, umuwi na lamang siya at sinabi sa akin na ikakasal na ako roon sa matanda na kakilala niya. Ang sabi lang ay kailangan ko iyon mabigyan ng anak na tagapagmana dahil wala raw iyon asawa at anak. Paano naman naisip ni Chad na papayag ako, eh mas matanda pa nga sa tatay ko ang matanda na iyon?" "Kaya ka ipapakasal ay para buntisin at mabigyan siya ng anak?" "Oo, parang gano'n na nga. Alam ko naman na hindi na ako bata, pero naman, halos mahigit doble na ang edad sa akin ng matanda na iyon. At isa pa, hindi ko maaatim na ibigay ang sarili ko sa kan’ya. Nang araw na ipakilala ako sa matanda ay ang pareho na araw na tinakasan ko sila at nagpunta ako ng Mindoro." "May I ask bakit sa Mindoro ka tumakbo nang naglayas ka?" Bakit nga ba sa Mindoro? Hindi ko rin alam, pero iyon ang unang lugar na tumatak sa isipan ko dahil sa bahagi ng maganda na nakaraan ko rin sa pook na iyon. "May maganda kasi akong alaala roon. Gusto ko makapag-isip at magagawa ko lamang iyon sa lugar kung saan may masaya ako na nakaraan." "Bakit tumira ka ba roon?" Nakakahalata na ako kay Mikel na sobra na ang dami ng mga tinatanong sa akin. "Teka nga, bakit ba ang dami mo na tanong? Interbyu na ba ito? Masyado na yata huli ang interbyu mo dahil nauna na tayo na naikasal." "Gusto ko lang masiguro na wala ka rin jowa." Napatawa ako sa paraan nang pagkakasabi niya ng salita na jowa. "Hindi bagay sa’yo. Hindi bagay sa soyal na milyonaryo na kagaya mo ang gumamit ng salita na pang sa amin lang." At sa unang pagkakataon ay nakita ko ang totoo na pagsilay ng ngiti sa kan’ya. Ngiti na ako ang dahilan. "Alam mo, guwapo ka kapag nangiti ka. Dapat madalas mo na gingawa iyan para hindi ka magmukha na matanda. Nakakahiya naman kasi kung lalabas tayo, tapos ako mukha na high school student lang tapos ikaw ay mukhang tatay ko na." Nagsalubong ang kilay niya at nawala ang mga ngiti na kanina ay naro'n dahil sa tinuran ko. Ipinagkrus pa niya muli ang mga braso sa harap ng dibdbib niya. "Para sabihin ko sa'yo, I’m just thirty. That’s five years ahead of you, maka high school ka riyan. At napakaguwapo na tatay ko naman kung gano’n. At isa pa, hindi mo dapat pinagnanasahan ang tatay mo na gaya nang pagtingin at pagnananasa na nasa mga mata mo kanina." Gulat na gulat na nahampas ko siya sa mga sinabi niya. Aba, walanghiya talaga ang lalaki na ito! Ang lakas ng bilib sa kan'yang sarili. "Hoy! Ang kapal mo talaga! Buwisit, diyan ka na nga." Tinalikuran ko siya dahil hiyang-hiya ako sa huling sinabi niya. "Hey, akala ko ba kakain ka? Tara na sabay tayo." "Mag-isa ka kumain. Bahala ka sa buhay mo. Isa ka pa na parang dirty old man!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD