Chapter 10 - When Past Meets the Present

1525 Words
Dumating ang araw ng pagsasalo-salo na inihanda ni Mikel para ipakilala ako bilang asawa niya. Hindi ko alam ang mararamdaman ko dahil bukod sa pamilya niya ay inimbitahan niya rin ang aking pamilya. At ito ang unang pagkakataon na malalaman nila ang tungkol sa pagpapakasal ko. At ito rin ang magiging muli na paghaharap namin matapos ang naging paglalayas ko. Oo at ilang linggo rin na natahimik si Chad dahil sa sustento na ipinapadala ni Mikel, pero sigurdo ako na hindi pa rin siya lubusan na natatahimik ukol sa pagbebenta niya sa akin sa matanda na bilyonaryo na iyon. Kilalang-kilala ko si Chad, hindi niya gano'n na lamang na susukuan ang mga bagay na nais niya na mangyari. Kabadong-kabado ako habang naghahanda. Kahit na maayos ang pakikitungo sa akin ng ina ni Mikel ay hindi ako sigurado sa iba nila na kapamilya. Ang sabi ni Mikel, bukod sa kamag-anak ng kan'yang ina ay may ilan din siya na bisita mula sa partido ng ama na malamang ay darating. Matatanggap ba nila ako kapag nalaman nila na hindi ako galing sa isang mayaman na pamilya? Magiging kontrabida ba sila sa pagsasama namin ni Mikel ng dalawang taon? Ito ang mga katanungan na patuloy na gumugulo sa aking isipan. Kagaya nang nakagawian na ay may nakahanda na ako na damit at sapatos na ipinadala rito kanina ni Mikel sa bahay. Ang tangi na gagawin ko na lamang ay suotin ito at mag-ayos upang maging presentable mamaya. Ayaw ko na masanay sa ganito na buhay dahil alam ko naman ang katotohanan na panandalian lamang ito. Kaya sa bawat pagkakataon ay itinatanim ko sa isip ko na ang lahat ng ito ay kasama sa pag-arte lamang namin. Isa itong parte ng trabaho na dapat ko na gampanan. "Handa ka na ba, Tamara?" tawag ni Mikel sa akin mula sa pintuan. Hindi ko na siya sinagot at nagmamadali na lamang na tinungo ang pintuan. "Whoa!" Iyon lamang ang nag-iisa na kataga na namutawi sa kan’yang labi nang makita ako. Nangunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung ano na naman ang problema sa akin ngayon. "Ano? May problema ba? Hindi ba bagay sa akin? Bakit naman kasi ang hilig mo na nagpapadala lamang ng damit? Puwede naman na ako ang pumili ng mga susuotin ko. Hindi mo na kailangan na gawin ang mga ganito na ibili pa ako ng mga mamahalin na bagay." "You look perfect." Napamaang ako. Ito ang kauna-unahan na beses na nagsabi siya ng maganda tungkol sa akin, at musika iyon sa aking pandinig. Hindi madalas na may pumupuri sa akin at ang mga salita na iyon galing kay Mikel ay nagdala ng kasiyahan sa puso ko. "Let’s go. Kanina pa sila naghihintay sa atin. Kanina pa tawag nang tawag ang mama." Hinawakan niya ang kamay ko at inalalayan ako palabas. Inalalayan pa niya ako sa pagsakay sa kotse gaya ng kan'yang nakagawian. Bigla na naman ang mga kakaiba na emosyon na nararamdaman ko. Kailangan ko na pigilan ang sarili ko sa mga ganito na pagkakataon. At kahit parang sirang plaka na ako ay paulit-ulit ko pa rin na sinasabi sa sarili ko na hindi maaari na maapektuhan ako sa mga kilos ng asawa ko. Ang lahat ng ito ay bahagi lamang ng kasunduan. "Asahan mo na ang mga magiging katanungan sa’yo mamaya. Naroon ang mga kamag-anak namin sa pareho na side ni mama at ng walang kuwenta na ama ko, at tiyak ako na gulat na gulat sila nang malaman ang balita na nagpakasal na ako." Ang sunod-sunod na pagbibilin niya sa akin ang bumasag sa sariling debate at diskusyon na ginagawa ko sa sarili ko. "Okay." tipid na sagot ko. Tiningnan niya muna ako bago sinimulan na paandarin ang sasakyan. "We stick to the truth kapag tinanong tayo ng tungkol sa kasal natin. Well, all the truth, except sa lasing tayo nang gawin ang bagay na iyon. Ang istorya ay nagkita tayo sa tabing dagat kagaya ng totoo na nangyari. Then it was love at first sight, a magical moment that prompted us to marry there and then. Ako na ang bahala na magpaliwanag sa iba pa. Ang kailangan mo lang gawin ay umarte ng tama at naaayon. Kailangan na maipakita natin sa kanila na mahal na mahal natin ang isa't-isa. Nakuha mo ba?" Tumango na lamang ako at walang salita na isinagot pa. Tumingin ako sa bintana upang ihanda ang sarili ko sa napipinto na pagpapakilala sa angkan niya. "Ayos ka lang ba? May problema ka ba?" tanong niya muli sa akin. Umiling lang ako bilang sagot. "Ano ang problema mo, Tamara?" May bahid nang iritasyon na ang sumunod na pagtatanong na iyon. "Wala. Kapag tumahimik ba may problema na agad? Hindi ba puwede na wala lang ako sa mood na makipagkuwentuhan sa'yo ngayon? And besides, ganito naman talaga tayo sa isa't-isa kapag walang ibang tao na kaharap. Kaya ano ang problema mo kung hindi ako magsalita?" "I want this to be perfect. Ayaw ko na makahalata sila na gawa-gawa lamang natin ang lahat ng ito. Kaya siguraduhin mo na magiging maayos ang pagpapanggap natin na ito." Sinaluduhan ko na lamang siya sabay sabi ng, "Yes, sir! Well noted, sir." Ikinainis naman niya ang naging tugon ko dahil sa pagsasalubong ng kilay niya. "Alam mo, bakit hindi mo gawin na panata mo na umarte ng ayon sa edad mo. Ilang taon ka na pero napaka-isip bata mo pa rin sa lahat ng pagkakataon." "Ikaw naman, ilang taon ka pa lang, akala mo ay matandang hukluban ka na sa sobrang sungit mo. Matuto ka nga na ngumiti at huwag maging masyado na istrikto. Daig mo pa ang tatay ko sa sobra na kasungitan mo. At huwag mo na akong sagutin dahil tiyak ako na hindi na naman matatapos ang diskusyon na ito. Zipper ko na ang bibig ko, sir." Iminuwestra ko ulit ang pag-zipper ng aking bibig at tumanaw na lamang muli sa bintana. Kinakabahan ako na makaharap ang alta sociedad na pamilya ni Mikel. Pero mas higit ang kaba ko dahil sa pagdating ng sarili na pamilya ko. Ito ang numero uno na dahilan kung bakit wala rin ako sa wisyo na intindihan ang mga sinasabi ni Mikel ngayon. Paano ko ba ipapaliwanag sa kanila na kasal na ako? Alam ko na hindi ako pababayaan ni Mikel sa pagharap namin kay Chad, pero may magagawa nga ba siya kung sakali na bawiin ako ng kapatid ko? Alam ko na milyonaryo ang asawa ko, pero gano'n din ba siya ka makapangyarihan kagaya ng matanda na bilyonarayo na bumili sa akin? "We’re here." Hindi ko namalayan na sa sandali na oras ay narating na namin ang lugar na pagdarausan ng salo-salo. Masyado natutok ang isipan ko sa muli na paghaharap namin ng pamilya ko. "Ayos ka lang ba? You’re acting really strange today, Tamara." basag ni Mikel sa katahimikan na namamayani sa akin. "Ayos lang ako. Huwag ka mag-alala at pang best actress ang magiging pagganap ko ngayon." tipid na sagot ko. "Are you ready?" tanong niya muli sa akin na tinanguan ko na lamang. Kagaya nang nakagawian niya, nauna siya na bumaba upang alalayan ako sa aking pagbaba sa sasakyan. Nang makababa ay una na tumambad sa akin ang magandang lugar na pagdarausan ng handaan. It’s a garden venue at mukha na mamahalin talaga ang lugar na ito. Halata rin na masyado ito na pinagkagastusan mula sa mga dekorasyon at sa lawak ng espasyo na okupado para sa pagtitipon. Ganito ba ang handaan ng mga mayayaman? Mas magarbo pa ito sa mga handaan na ginagawa namin noon waitress pa ako kahit na high-end na rin ang restawran na pinagtatrabahuhan ko. Napasinghap pa ako nang hawakan ni Mikel ang kamay ko kaya naman tinaasan na naman niya ako ng kilay. "Nagulat lang, ito naman magsusungit agad. Huwag ka kasi pabigla-bigla na nanghahawak, alam mo naman na magugulatin ako." Pagbibiro ko na lamang upang hindi na siya magsungit pa. "This is it, Tamara. It’s show time. Let’s do this, okay. Huwag ka mag-alala dahil kasama mo ako. We can do this together." Pinisil pa niya ang kamay ko na hawak niya kaya ngumiti na lamang din ako at pilit na inaalis ang ano man na takot at pangamba na aking nararamdaman. Bago pa man kami tuluyan na makapasok sa loob ay sinalubong na kami ni Stan na salubong din ang kilay. Aba, bago ang ganito na ekspresyon kay Stan. "Mikel." seryoso na tawag ni Stan kay Mikel. "Seryoso ka yata ngayon, Stan? It’s a time for celebration at hindi ito ang oras sa pagbusangot mo." Naparolyo ako ng aking mga mata sa tinuran niya. Makasabi kay Stan na nakabusangot, eh siya nga ang lagi na nakabusangot. Gano’n din kaya ang itsura niya kanina, ay hindi lang pala kanina, kung hindi sa lahat ng pagkakataon. "Dahil seryoso ang sasabihin ko sa’yo." "Ano na naman iyon?" "Your ex is here." Parehas kami na natilihan ni Mikel sa sinabi ni Stan. Si Janine ay narito? Bakit kailangan niya na pumunta gano'n hindi naman siya kapamilya ni Mikel? "Paano nangyari iyon?" Halata na pinipigil ni Mikel ang kan'yang galit. "Wyatt happened. Sinama siya rito ng pinsan mo bilang ka-date niya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD