Kung natetensyon ako kanina ay mas triple na ang tensyon na nararamdaman ko dahil sa kaalaman na narito na naman ang mga kontrabida ng buhay ko. Buhay ko lang talaga dahil sigurado naman ako na ako ang pupuntiryahin nila lalo na ng Janine na iyon upang mabalikan niya si Mikel. Sabihin na ng lahat na feelingera talaga ako, pero iyan ang alam ko na mangyayari.
Alam na alam ko ang galawan ng mga kontrabida. At ang mga madidilim na titig pa lamang na ibinigay sa akin ni Janine noon unang beses na magkaharap kami ay alam ko na sa sarili ko na magiging isa siyang tinik sa buhay ko. At kahit ayaw ko ay wala akong magagawa dahil bilang asawa ni Mikel sa loob ng dalawang taon ay kailangan ko na harapin ang buwisit na babae na iyon.
Patuloy ko tuloy na naitatanong sa isip ko kung bakit ang mga ex ay ex na nga ay hindi pa manatili na lamang sa nakaraan. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa nila na magmulto sa kasalukuyan at guluhin ang mga nananahimik na buhay ng iba.
"Everything is going to be okay, bu." bulong ni Mikel sa aking tainga.
Sabay-sabay kami na pumasok nina Mikel at Stan at agad kami na pinalakpakan ng ilan sa mga bisita pagkakita nila sa amin. Pilit ko na ipinlaster sa mukha ko ang maningning na ngiti ko kahit na nagrarambulan na ang mga daga sa dibdib ko. It's showtime, and I cannot fail. Kailangan ko ito para matiyak ang kaligtasan ko sa matanda na bilyonaryo na iyon.
Ipinakilala ako ni Mikel sa ilan sa mga kamag-anak niya at malalapit na kaibigan ng kanilang pamilya. Naging abala kami sa pag-estima sa mga bisita na naroon kaya naman nawala na rin sa isip ko ang mga kontrabida na narito rin. Mabuti na lamang din at hindi pa nila naiisipan na magparamdam sa amin.
Hindi ko pa rin nasusulyapan ang aking pamilya, kaya naman iniisip ko na lamang na marahil ay hindi na sila makakadalo, at mas makakabuti iyon sa akin. Mas magiging maayos pa ang lahat kung walang Chad na darating. Nang makaramdam ako ng pagod dahil sa kanina pa namin na paglalakad-lakad at pag-ikot-ikot ni Mikel upang maipakilala ako sa kan'yang pamilya at kaibigan ay nagpaalam ako sa kan’ya na mauupo na muna dahil sumasakit na rin ang paa ko sa paglalakad.
Hinatid niya ako sa isang lamesa at sinabihan na babalikan na lamang niya dahil kakausapin muna niya ang kan’yang tiyuhin. "Iiwan muna kita rito. Sandali lang ako na mawawala para kausapin ang tito ko. Papupuntahin ko si Stan dito para may makasama ka na muna dahil abala pa rin si mama sa pag-estima sa ilang mga bisita." habilin pa niya sa akin.
"Ayos lang ako rito, Mikel. Hindi naman ako bata na alagain na kailangan pa na may magbabantay. Hindi rin naman ako mawawala sa lugar na ito. Sige na at makipag-usap ka na roon sa tito mo. Maya-maya ay susunod na lamang ako sa'yo. Sumasakit lang talaga ang paa ko na."
"I’ll be back." Hinalikan pa niya ang noo ko na ikinagulat ko bago siya tuluyan na lumayo sa akin.
Bakit ba hindi na ako masanay-sanay sa mga bago na pakulo ni Mikel tuwing magpapanggap kami sa harap ng maraming tao? Hindi kaya iniisahan na ako ng mokong na iyon sa mga payakap-yakap at paghalik-halik sa akin? Aba at nakakarami na siya sa akin, samantalang ako’y wala pa maski isa.
"There you are! Kanina pa kita hinihintay na mapag-isa pero mukhang masyado ka naging abala sa pagpapakilala sa’yo ng pinsan ko." Napaangat ako ng ulo ko at ang mukha ng pinsan ni Mikel na si Wyatt ang rumehistro sa paningin ko.
Malapad ang ngiti na ibinigay niya sa akin na nakita pa ang dimple niya kaya hindi ko maiwasan na humanga sa kan’ya. Napakaguwapo naman pala talaga ng lalaki na ito kaya siguro hindi naiwasan ng ex ni Mikel ang mahumaling sa kan'ya.
Wala ka talaga itulak kabigin sa dalawa kung itsura lamang naman din ang pag-uusapan. Kaya kung hindi ro’n, saan lumamang ang pinsan ni Mikel sa kan’ya para ipagpalit ni Janine si Mikel?
Natutop ko ang aking bibig ng isang rason lang ang maisip ko sa tanong ko na iyon sa sarili ko. Hindi kaya sa performance? Mas lamang ba sa performance ang Wyatt na ito kaysa sa asawa ko? Pinasadahan ko muli ng tingin si Wyatt mula ulo hanggang paa. Posible kaya ang naisip ko?
"Hey, dirty mind!" Natatawa na baling niya sa akin at hinila pa ang katabi na upuan ng kinauupuan ko.
Nahiya ako ng bahagya dahil mukhang nabasa niya ang laman ng maruming utak ko. "Ano ang ginagawa mo?" May bahid ng iritasyon na tanong ko sa kan’ya.
"Magpapakilala sa’yo. Mukhang naipakilala ka na ng magaling ko na pinsan sa buong angkan namin, pero sa akin ay hindi pa."
"Kilala na kita. Huwag ka na mag-aksaya pa ng oras at laway."
Hindi nawawala ang mga ngiti sa labi niya kaya hindi ko rin maiwasan na patuloy sila na pagkomparahin ni Mikel sa isip ko. "We haven’t met personally. At sigurado ako na kung nakilala mo man ako ay panay negatibo ang mga kuwento na nakarating sa’yo. Kaya, baka naman, puwede mo ako bigyan ng pagkakataon para magpakilala sa’yo para naman masabi ko rin ang mga positibo na katangian ko. After all, I am also part of your husband's kapamilya."
"Sigurado ka ba na kapamilya ka? Parang hindi naman. Kahit kapuso o kapatid nga hindi ka maituring ni Mikel ng gano’n."
"I like you. You’re funny." Hirit pa niya sa akin na hindi ko alam kung sadya ba siya na bolero o sanay na talaga na lumalandi ng babae.
"Huwag mo na ako i-like o kaya i-heart pa. I am married. Kasal na ako sa pinsan mo na ex ng babae na ka-date mo ngayon. Thumbs down ka na sa akin kaya huwag ka nang humirit pa."
Natawa siya sa mga sinabi ko habang patuloy na pinagmamasdan ako. "You’re really something else. Mikel have hit the jackpot on you."
"Ano ang tingin mo sa akin, slot machine sa casino? May pa-hit the jackpot ka pa riyan na nalalaman. Tigil-tigilan mo nga ako baka ikaw ang makatikim sa akin ng hit."
Sa kabila ng iritasyon ko ay hindi ko maiwasan na makaramdam ng tuwa sa pakikipag-usap ko sa kan’ya. Hindi kagaya ni Mikel na kapag pinaandar ko ang pagkapilosopa ko ay nagsasalubong na agad ang kilay, ang kan’yang pinsan na si Wyatt ay iba. Lalo nang lumalapad ang ngiti niya sa akin. Pero hindi ako dapat na tatanga-tanga dahil mukhang may masama na balak ang mokong na ito. Maaari na gamitin din ako ng lalaki na ito laban sa kan'yang pinsan.
"You’re really funny. Kaya tuloy lalo na hindi mo ako masisisi na gustuhin ka."
"Hoy, magaling na pinsan ng asawa ko, hindi ako comedian para patawanin ka. Tigil-tigilan mo nga ang pag-flirt sa akin. Hindi mo ako makukuha sa kagaganyan mo."
Lalo naman siya na natawa sa sinabi ko. "Alam mo na magaling ako?" Inismiran ko lamang siya sa kan'yang hirit. "Sa tingin mo this is flirting? Para sabihin ko sa’yo, this is not the way I flirt. This is me being friendly and really wanting to get to know you. Kapag nag-flirt na ako sa’yo ay baka makalimutan mo na kasal ka na sa pinsan ko at mapabilis ang paghihiwalay ninyo."
Tinaasan ko siya ng kilay at ipinagkrus ko pa ang mga braso ko sa harap ng aking dibdib. "Hoy! Lalaki na malaki ang-"
"Malaki ang ano?" Pagsingit pa niya sa sinabi ko kaya awtomatiko na rumolyo muli ang mga mata ko sa kan’ya.
"Malaki ang kayabangan! Hindi kita type."
"Talaga? Mikel and I almost looked the same, mas guwapo nga lang ako sa asawa mo. Kaya hindi ako naniniwala na hindi ang tipo ko ang type mo kung nagustuhan mo nga ang pinsan ko."
"Ay naman, ang hirap mo lang kausap din ano? Saan na ba ang date mo? Bakit hindi mo siya puntahan at ng hindi ako ang kinukulit mo rito?"
"Wala eh. Abala siya sa pagmamakaawa sa asawa mo na balikan siya."
"Ano?!" Nagpalinga-linga ako upang hanapin ang Janine na iyon at ang asawa ko. Hindi puwede na masira ang plano namin lalo na at darating ang pamilya ko ngayon. Malilintikan talaga sa akin ang Mikel na iyan kapag ngayon pa siya nagpaakit sa buwisit na ex-fiancee niya.
"Ayaw mo maniwala? Gusto mo ba na samahan kita sa kanila? Tumingin ka sa paligid mo, nakikita mo ba sila rito? Hindi, diba?" Naiirita talaga ako na hindi ko makita si Mikel ngayon at lalo na sa kaalaman na pati ang Janine na iyon ay wala sa paligid namin. "Let’s make a deal. Kapag totoo ang sinasabi ko na magkasama sila at nagpupumilit si Janine na balikan si Mikel ay papayag ka na maging kaibigan ako. Kapag naman nagsisinungaling ako sa’yo, I'll leave you alone. Puwede mo rin ako na ipahiya o isumbong mo ako sa asawa mo, whatever you want to do. Ano payag ka?"
"Bakit naman ako makikipag-deal sa’yo? May tiwala ako sa asawa ko."
"Maaari na sa asawa mo ay may tiwala ka, pero kay Janine mayro’n ba?"