Chapter 10.2- When Past Meets the Present

1476 Words
Ako ay isa talaga na loka-loka para pumayag sa deal na iyon ni Wyatt. Parang nahipnotismo ako sa lalaking ito at walang pagdadalawang-isip na umayon sa kan'ya. Kaya heto kami ngayon, palabas at papunta sa parkingan upang alamin kung totoo ang sinasabi niya. Nanggigigil din ako kay Mikel na bigla na lamang din nawala sa loob. Dahil kung hindi dahil sa kan’ya ay hindi ko kinakailangan na gawin ito. At oras na mapatunayan ko talaga na tama ang sinasabi ni Wyatt ay humanda talaga siya sa akin. "Paano ba ‘yan? Talo ka na sa deal natin." Nakaturo ang kamay niya sa dalawang tao na nag-uusap malapit sa kotse ni Mikel. At sigurado na sigurado ako na ang asawa ko iyon base sa postura at damit na suot nito. "Gusto mo ba na puntahan pa natin para marinig mo ang pinag-uusapan nila?" Kumakabog ang dibdib ko sa hindi malaman na dahilan. Nagngingitngit talaga ako sa Mikel na ito na makasabi pa na bawal na makipagrelasyon sa iba at putulin ang ano man na ugnayan na mayro'n hangga't nasa kontrata pa kami, pero siya naman ang nakikipagharutan ngayon sa ex niya. Lumakad ako papalapit sa kanila at dahil seryoso ang usapan ay hindi nila napansin ang paglapit ko. "Mikel, please take me back. Alam ko na hindi mo mahal ang babae na iyon. Pinakasalan mo lamang siya para saktan ako, and you’ve made your point already. Sobra-sobra na ang sakit na ibinibigay mo sa akin ngayon kaya hiwalayan mo na siya. Ayusin natin ito. Baby, you know how much I love you." Lumapit pa si Janine at ipinulupot ang mga braso niya sa leeg ni Mikel. Ang asawa ko naman ay naging tuod na at naghihintay na lamang yata na mahalikan siya ng ex niya. "And I told you so." Pagbulong ni Wyatt sa tainga ko. Hindi ako kumibo at muli na nagsalita is Wyatt. "Ehem. Too close for comfort between ex-lovers, I see." Sa lakas nang pagkakasabi ni Wyatt ay gulat na napasulyap sa amin ang dalawa. Hindi pa rin inaalis ni Janine ang pagkakayapos kay Mikel kaya naman salubong ang kilay at madidilim na tingin din ang ibinalik ko sa kanila. "Hindi mo naman sinabi, Mikel, na may lahi pala na unggoy ang ex mo? Bakit kailangan na nakalambitin ka sa leeg ng asawa ko?" mataray na tanong ko. Bumunghalit ng tawa si Wyatt sa sinabi ko at doon naman parang nahimasmasan ang asawa ko na marahas na tinanggal ang mga kamay ni Janine sa leeg niya. "Ano ang ginagawa mo rito at bakit kasama mo ang asawa ko?" galit na baling ni Mikel kay Wyatt. "Sinamahan ko ang asawa mo para hanapin ka. Asawa mo na iniwan mo na mag-isa sa loob. I thought this was supposed to be a party for the both of you, pero asawa mo lang ang naroon sa loob at nag-eestima sa mga bisita." "Wyatt, shut-up." galit na pagsaway rin ni Janine sa kan’ya. "Dahil mabait na pinsan naman ako at malapit naman tayo sa isa’t-isa, Mikel, ayos lang sa akin. You can have my date for tonight. Kaso kawawa naman ang asawa mo. Pero huwag ka mag-alala, I’ll take good care of her, while you two finish whatever business you both have." Hindi na ako nabigyan ng pagkakataon na makapagsalita muli dahil mabilis na ipinulupot ni Wyatt ang braso niya sa beywang ko at halos hatakin na ako pabalik sa loob ng venue. "What the f**k?!" Narinig ko pa na sigaw ni Mikel, pero diretso pa rin si Wyatt sa halos pagkaladkad na sa akin pabalik sa loob. "Huwag ka lilingon sa kanila. Tingnan natin kung sino sa inyo ni Janine ang mas matimbang para kay Mikel. Ayaw mo naman siguro na maging panakip butas lang niya, hindi ba?" Nakakailang hakbang pa lang kami ay may mga kamay na mahigpit na humawak na sa braso ko kaya napatigil ako sa paglalakad. Madidilim ang mga mata na ipinupukol ni Mikel kay Wyatt. "Bitiwan mo ang asawa ko." "Asawa mo na ulit ngayon? Pero kanina, hindi mo naalala na may asawa ka na iniwan sa loob nang kausap mo si Janine?" Pang-iinis pa ni Wyatt. "Let go." Marahas niya na tinanggal ang braso ni Wyatt na nasa beywang ko pa rin at hinatak ako papalapit sa kan’ya. Ang ganda ko lang, diba, para pag-agawan ako ng dalawang guwapo na magpinsan! Hay, Tamara, sige, mangarap ka pa ng gising, kahit na alam mo naman na parehas ka lang na ginagamit ng dalawa na mokong na iyan. "Leave! And bring your date with you." "Fine. Mabilis naman ako na kausap eh. Ayaw ko ng gulo sa espesyal na araw mo na ito, kaya I'll back off for now." Sinulyapan pa ako ni Wyatt at nakangiti na nagsalita sa akin. "Peaches, may utang ka sa akin. Nanalo ako." Kumindat pa siya at tuluyan nang lumayo sa amin at lumapit kay Janine na nanggigigil ang mga mata na nakatuon sa akin. Hinatak siya ni Wyatt papunta sa kotse nito na nakaparada malapit sa sasakyan ni Mikel. At kahit na mukhang ayaw ni Janine na sumunod ay wala siyang nagawa. Ilang segundo pa ay papalabas na ang sasakyan ni Wyatt sa lugar na iyon. "What was that?" galit na baling ni Mikel sa akin. "Hoy! Bago mo ako bungangaan diyan, ako na ang mauuna sa’yo. What was that?! Ang kapal mo lang din ano, na iwan ako roon sa loob tapos iyon pala ay narito ka lang sa labas at nakikipagmabutihan ulit sa ex mo!" "Wala akong ginagawa na masama." "Puwes, wala rin ako na ginagawa na masama." ganti na sagot ko. Hindi ako ngayon magpapatalo sa kan’ya dahil kung may nagkamali man sa amin dito, ay siya iyon at hindi ako. "Bakit kailangan mo na dumikit-dikit kay Wyatt? Kailangan talaga na nakapulupot pa ang braso niya sa beywang mo? Paano kung may makakita sa inyo? Lumalandi ka lang naman sa pinsan ko!" Lalo naman ako na naiinis sa mga sinasabi niya. Ang lakas ng loob niya na isisi sa akin ang lahat ng ito. "Hoy! Ang kapal mo rin talaga. Makasita ka riyan na lumalandi, ang ex mo nga ay nakalambitin diyan sa leeg mo, at baka natuka ka na kung hindi kami dumating. Paano rin kung may nakakita sa inyo? Paano kung nakita ka na lumalandi sa ex mo? Bago mo punahin ang kasalanan ko ay isipin mo muna ang kasalanan mo. Tandaan mo, kapag nakaturo sa akin ang isang daliri mo, ang tatlo riyan ay nakaturo sa’yo pabalik." Hindi na siya nakasagot pa nang makarinig kami ng boses na tumawag sa amin. "Tamara." "Mikel." Pareho kami na napalingon at gulat na gulat ako na matanaw si Chad na kasama ang matandang bilyonaryo na nakatakda ko dapat na pakasalan ngunit tinakasan ko. Nang sulyapan ko si Mikel ay lalo ang pagsasalubong ng kilay niya at galit ang tingin na ipinukol sa mga bagong dating. "Tamara, hindi mo ba ako ipapakilala sa kasama mo?" matapang na sabi ni Chad. "You must be the brother." Walang kagatol-gatol na sagot ni Mikel bago pa ako makapagsalita. "At ikaw, sino ka?" Mas lalo ang angas sa muli na pagsagot ni Chad. "Chad." Sinubukan ko pa siya na pigilan, ngunit sumingit ang matandang kasama ni Chad na parang kilala rin si Mikel. "Ano ang nangyayari rito, Mikel? Bakit hindi man lamang ako nakatanggap ng imbitasyon para sa pagsasalo-salo na ito?" Madiin ang pagkakasabi ng matanda na itinuturing ko na DOM. Pinagmamasdan ko ang matanda dahil may anggulo siya na nakakahawig si Wyatt. Napakarami naman na kamukha ng pinsan na iyon ni Mikel. Pero kung nakakahawig niya si Wyatt, ibig sabihin ay may anggulo rin ang walanghiya na matanda na ito na kahawig si Mikel. Hmm, sino na naman kaya siya sa buhay nila? "Hindi ka kailangan dito. Bakit ka pa umaasa na maiimbitahan ka?" "Nagtataka lamang ako nang sabihin ni Chad na nakakuha siya ng imbitasyon para sa pagsasalo-salo na ito." "Natural, kailangan ko imbitahan ang pamilya ng asawa ko kahit na ayaw ko." "Ano?" sabay na sigaw ng dalawa. Titig na titig sa akin ang matanda at bigla ang kaba ko. Natatakot ako sa mga tingin na iyon na ipinupukol niya na hindi ko alam ang ibig sabihin. "Tamara is my wife. Wala kang karapatan na pumunta rito. Hindi mo naman siguro inaasahan na iimbitahan kita para sabihin na nagpakasal na ako. Kahit kailan ay hindi ka na magiging ama sa akin, kaya mas mabuti pa na umalis ka na, dad." Dad?! Gusto ko himatayin sa mga oras na ito. Ama ni Mikel ang DOM na bumili sa akin kay Chad. Sa ama ni Mikel ako ibinenta ni Chad! Paano ko ngayon ito aaminin sa asawa ko? Tamara! Kahit kailan talaga ay lapitin ka ng problema. Samakatuwid, ang father-in-law ko ay ang pareho na lalaki na gusto ako bilihin at anakan! Susme! Anong problema itong napasok ko?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD