Chapter 11- Hiding the Truth From Him

1227 Words
I made it. Hindi ko alam kung paano pero nagawa ko na patatagin ang sarili ko sa harap ng kaalaman na ang tatay ni Mikel at ang matanda na bilyonaryo na bumili sa akin kay Chad ay iisa lamang. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nang muli kami na magkaharap. Nang ipakilala siya sa akin na hindi ko na nga matandaan ang pangalan niya ay hindi ko talaga kinaya ang mga paraan ng pagtitig niya sa akin. Kaya sa sobrang takot na bumalot sa akin ay agad-agad ako na nag-empake at lumayas sa amin. Ngayon ang tinataguan ko ay unti-unti na bumabalik, at ang nakaraan na pilit ko na tinatakasan ay muli na nabubuhay upang guluhin ako. Napakamalas ko lang ba talaga na sa dami ng tao sa mundo ay naikasal pa ako sa anak ng lalaki na bumili sa akin? Nakahinga ako ng maluwag nang agad din na nagpaalam si Chad at ang ama ni Mikel. Mabuti na rin lamang talaga na nakaramdam si Chad na hindi siya talaga welcome sa pagtitipon na ito. Malaki rin ang pasasalamat ko sa ina ni Mikel na nang maabutan at makita na hindi ako komportable sa sitwasyon na kaharap ang dati niya na asawa ay mabilis ako na inilayo sa mga kalalakihan na iyon. Hindi ko na nagawa pa na itanong kay Mikel kung ano ang mga na pag-usapan nila ni Chad nang hatakin na ako ng kan’yang ina papasok muli sa handaan. "Tamara, iha, are you okay?" Nag-aalala na tanong sa akin ng ina ni Mikel na si Marlene. "Ayos lang po ako, mama. Pasensya na at medyo napagod lang din ako sa dami ng mga panauhin." "Huwag mo pansinin si Leonardo, iha. Pangako ko na ito na ang una’t-huli na makakaharap mo siya. Alam ko na hindi ka naging komportable sa pagkikita ninyo kanina. At kaya inilayo na rin kita sa kan’ya ay dahil kilala ko ang dating asawa ko. Ayaw ko na pati ikaw na asawa na ng anak niya ay pag-interesan pa niya." Sa punto na ito ay gusto ko na magtapat kay Marlene na huli na ang lahat dahil sa katotohanan na ako ay nabili na ng dati niya na asawa sa mismong kapatid ko pa. Pero wala akong lakas ng loob upang ipagtapat ang lahat ng iyon lalo pa sa kan’ya. "Hindi ko nga rin inaasahan na kakilala siya ng iyong kapatid kung kaya’t nagawa pa niya na pumunta rito. Sigurado ako na nabalitaan niya ang pagsasalo-salo na ito sa ama ni Wyatt na kapatid niya at dahil alam niya na hindi siya welcome rito ay nakita niya ang oportunidad na sumama sa kapatid mo." "Pasensya na rin po at hindi ko rin inaasahan na magsasama ang kapatid ko ng iba. Sa totoo lamang po ang inaasahan ko na kasama ng aking kapatid ay ang mga magulang ko, ngunit hindi rin sila nakarating." Napansin ni Marlene ang bahagya na lungkot sa boses ko. Hinawakan niya ang mga kamay ko at sa nag-aalala na tinig ay muli ako na kinausap. "Are you okay, iha? I mean with your family? Is everything okay with you?" Ayaw ko man na magsinungaling pero wala rin naman ako na pagpipilian. Ang relasyon namin ng ina ni Mikel ay panandalian lamang din kagaya ng kasal namin ng kan’yang anak. At mas makakabuti sa amin lahat na huwag na masyado na mag-invest pa ng feelings at makipaglapit pa ng tuluyan sa isa’t-isa. "Iha, kung may problema ka sa mga magulang mo, I am here. Alam ko na kailan lamang tayo na nagkakilala, pero magaan ang loob ko sa’yo at natutuwa ako na ikaw ang napili na pakasalan ng anak ko. At kung ano man ang dinaramdam mo ay handa ako na maging ina para sa’yo. Kung ano ang pagmamahal na ibinibigay ko kay Mikel ay iyan din ang pagmamahal na handa ako na ibigay sa’yo, if you will just let me. Kung papayagan mo lamang ako na maging ina para sa’yo." Sa mga sinabi niya ay hindi ko na napigilan ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata. Ngayon lamang ako nakaramdam ng pag-aalala sa isang tao na hindi ko inaasahan. Ipinaparamdam niya sa akin na tanggap na tanggap niya ako sa pamilya nila at hindi ko maiwasan na ikumpara ang kabutihan niya sa akin at ang sa mga magulang ko. "Don’t cry, Tamara. Mama will be here. Mikel will be here for you. Kapag handa ka nang magkuwento at kausapin ako, bukas ang bahay ko parati para sa’yo. Alam ko masyado na abala si Mikel sa trabaho at kung nalulungkot ka sa bahay ninyo, you can always come and visit me." Hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin siya. Ngayon lang ako nakaranas ng pagmamahal buhat sa ina. Sa ina na hindi pa nagluwal sa akin. At kung mayro’n man ako na ipagpapasalamat sa kasinungalingan namin na ito ni Mikel ay walang iba iyon kung hindi ang pagkakataon na maranasan ko ang mahalin at alagaan ng isang ina. "Thank you, mama. Salamat sa pagtanggap mo sa akin sa pamilya ninyo. This means so much to me." Hinagod pa niya ang aking likuran ko upag pakalmahin ang aking kalooban. “What’s happening, bu? Why are you crying? What’s wrong, Tamara?" Boses ni Mikel na sunod-sunod ang pagtatanong sa akin ang pumutol sa pag-uusap namin ng kan'yang ina. "Bu, tell me, ano ang nangyari?" “She just misses her parents, anak. Nothing to be worried about. Nakakalungkot lamang na hindi nakarating ang mga magulang niya sa kabila ng ating imbitasyon." Pagsagot ni Marlene sa anak niya. "Ayos ka lang ba?" Muli na tanong niya sa akin na lalo naman na nagpangiti sa kan’yang ina sa nakikita sa amin dalawa. "I will leave you two alone. Napagod lamang din ang asawa mo sa dami ng bisita kanina. Ang mabuti pa siguro ay iuwi mo na siya sa mansyon." Tumayo siya at itinulak si Mikel sa upuan sa tabi ko upang pumalit sa inalisan niya na puwesto. Nang makatayo ay muli siya na humarap sa akin. "Dahil busy masyado ang asawa mo sa trabaho, stay with me until next week. Doon ka muna sa bahay ko." "What? Sa bahay mo? No!" Pagtutol agad ni Mikel sa kan’yang ina kaya sabay kami ni Marlene na napatingin sa kan’ya. "Sino ang makakasama ko sa bahay namin kung doon siya sa bahay mo mananatili?" "Mikel, you’re used to living alone. Ano ba naman ang ilan gabi lang na hindi mo makasama ang asawa mo?" "No. Ihahatid ko na lamang siya sa mansyon sa umaga at susunduin ko sa hapon kapag labas ko sa trabaho. But my wife will stay in our house. Sa bahay din namin kami uuwi ngayon gabi." Naiiling na lamang si Marlene na tinapik ang anak sa balikat. “Possessive ka masyado. O siya, that’s a promise from you, Mikel. Kailangan mo na ihatid si Tamara sa mansyon starting Monday." "Fine. Whatever, mom." Nang makaalis ang kan’yang ina ay muli niya ako na binalingan. "Are you okay? Gusto mo na ba na umuwi sa bahay natin?" "Puwede ba? Hindi ba nakakahiya sa mga bisita na aalis na tayo?" "Come on, let’s go. Sanay na ang mga iyan sa akin na basta na lamang ako na nawawala sa mga pagtitipon. They know better. Halika na at umuwi na tayo sa bahay. We need to talk about a lot of things."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD