Chapter 11.1 - Hiding the Truth From Him

1307 Words
Kagaya nang napagdesisyunan namin, mabilis na nagpaalam si Mikel sa kan'yang ina upang makauwi na kami. Hindi naman tumutol si Marlene sa kagustuhan ng kan'yang anak. Nang makauwi kami sa bahay ni Mikel ay hindi pa man ako tuluyan na nakakapasok sa pintuan ay hinarap na agad ako ng asawa ko. "Stay in the living room. We need to talk." Humugot na lamang ako ng malalim na hininga at dumiretso sa sala at pasalampak na naupo roon. Kung ano man ang pag-uusapan namin ay sigurado ako na hindi ko ito magugustuhan. "I didn’t know that your brother and my father are friends. Masyado na malayo ang agwat ng edad nila upang magkasundo sila at maging magkaibigan. Kilala ko ang ama ko na hindi basta-basta na nakikisama sa kung sino lamang, and don’t get me wrong, Tamara." Bumilis ang t***k ng puso ko lalo na nang ungkatin na niya ang tungkol kay Chad at sa ama niya. Alam ko na kailangan ko na sabihin sa kan’ya ang totoo, ngunit paano? Ayaw ko na ako pa ang dumagdag sa hidwaan na mayro’n sila ng kan’yang ama. Sigurado rin ako na makakarating kay Marlene ang katotohanan na iyon at mas lalo na hindi ko alam ang magiging takbo ng isip niya patungkol sa akin. Nakahanap na ako ng ina sa katauhan niya at hindi ko nanaisin na sa isang iglap ay mawawala at masisira iyon. "Iniisip ko kung ano ang dahilan ng pagsasama nila ng kapatid mo. I don’t want to judge or anything, I just find it really weird, lalo na at alam ko ang ugali ng walang kuwenta na ama ko. He doesn’t befriend anyone unless he gains something out of that person." Nanatili lamang ang mga mata niya na nakapokus sa akin. "H-hindi ko nga rin inaasahan na iyon pala ang tatay mo. Ewan ko rin ba riyan sa kapatid ko, malakas din ang trip at mas nakikipagbarkada pa sa mga mas may edad pa sa kan’ya." Hindi maipinta ang reaksyon na rumehistro sa mukha ni Mikel nang sabihin ko iyon. Alam ko na hindi siya naniniwala sa akin, pero wala akong balak na ipagtapat sa kan’ya ngayon ang mga katotohanan sa buhay ko. "Hindi raw nakapunta ang mga magulang mo dahil may inaasikaso raw ang mga iyon." Pag-iiba na lamang niya sa usapan namin. "Ayos na rin. Wala naman magbabago kung nakapunta sila o hindi. Mas mabuti na nga rin siguro talaga na hindi na sila nakarating pa at wala nang mahaba na paliwanagan pa ako na ginawa." Pareho kami na natahimik sa sandali na iyon. Gustuhin ko man na magtanong sa kan’ya kung may na pag-usapan sila ni Chad patungkol sa akin ay hindi ko magawa dahil natatakot ako. Natatakot ako sa mga maaari na naibunyag ng kapatid ko. "Spill it, Tamara. Alam ko na may nais ka na sabihin." Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Mikel. Gano’n na ba niya talaga ako kakilala, o baka naman sobra lang din talaga ako na mabilis mabasa kaya’t kahit hindi ako magsalita ay parang alam na niya ang mga bagay na naiisip ko? "Wala akong sasabihin sa'yo." Sarkastiko siya na ngumiti, "Liar! Ikaw pa? Kilala na kita sa mahigit isang buwan natin na pagsasama. Hindi ka rin sanay na tumatahimik at hindi nagtatanong, kaya huwag mo iyan kimkimin diyan sa loob mo at itanong mo na." "Nag-usap ba kayo ni Chad? Ano ang sinabi niya tungkol sa atin? Ano ang sinabi mo tungkol sa relasyon natin?" Sunod-sunod na tanong ko kaya naman pinagtawanan niya ako. "Wala pa lang itatanong ha, pero tatlo na agad ang lumabas diyan sa bibig mo. Paano na lang kung bukal na sa loob mo na tanungin ako? Baka abutin na tayo ng kinabukasan pala." "Ang dami mo na satsat. Sagutin mo na nga kasi." "Bakit ano ba ang sa tingin mo ang dapat niya sabihin sa akin? Mayro'n ka ba na isinisikreto sa akin na sa tingin mo ay sinabi niya?" "Si-sikreto? Ano ba ang pinagsasasabi mo? Lagi ka na lang na tamang hinala, adik ka ba?" Pero sa loob-loob ko ay sobra na ang kaba ko. Sinabi na ba ni Chad ang katotohanan patungkol sa ama niya? "Wala naman kami na pinag-usapan kung hindi ang tungkol sa kasal natin sa Mindoro." "Ano ang tungkol sa kasal natin?" "Bakit ba may pakiramdam ako na may itinatago ka sa akin kaya gan’yan ka na lang kung magtanong?" Pinagmamasdan niya ako at pilit ko na ikinukubli ang kaba sa dibdib ko. "Ano naman ang itatago ko sa’yo? Sinabi ko na nga ang katotohanan sa naging paglalayas ko, pati na rin sa pagbenta sa akin ng magaling na kapatid ko. Ano pa ang gusto mo?" "Sigurado ka ba?" Pinaningkitan ko siya ng mata, "Wala na akong itatago pa at itinatago pa sa’yo." "Sinabi pala ng kapatid mo ang tungkol sa dapat ay kasal mo." "Ano?" Talaga ba na gagawin pa rin ni Chad ang nais niya at sisirain ang kasal ko upang tuluyan lamang ako na maibenta sa matandang iyon? Sa tatay ni Mikel? "Sinabi niya na nakatakda ka na raw ikasal sa iyong nobyo noon pero hindi natuloy. Masuwerte raw ako at napapayag kita, kaya tinatanong niya ang nangyari na kasal natin sa Mindoro. Now, care to tell me kung sino ang tinutukoy niya na nobyo na nakatakda mo na dapat na pakasalan?" Kay hirap naman lagi ng aking sitwasyon. Malimit na naiipit ako sa mga bagay na nais ko na lamang itago at sa mga bagay sa nakaraan na pilit naman na pinanghihimasukan ang aking kasalukuyan. "My past is not your business, Mikel. Kaya kung ano man ang mayro’n sa buhay ko bago tayo nagkakilala ay sa akin na lang iyon." Walang salita na lumapit siya at umupo sa aking tabi. "Kung may problema ka naman, sasabihin mo naman sa akin hindi ba?" Ilang beses na ako na ginugulat ni Mikel sa pabigla-bigla na pagbabago ng kan’yang emosyon. Kadalasan ay naiisip ko na bipolar ang lalaki na ito sa dami ng mood swings sa akin. Ngayon, hindi ko na naman alam kung saan nanggaling ang tanong na iyon. "I want you to tell me, Tamara, kung may problema ka na kinakaharap. We might not like each other at pareho lamang tayo na napipilitan sa kasal na ito, pero kagaya ng paulit-ulit na sinasabi ko sa’yo, responsibilidad kita. At habang kasal tayo ay mananatili ang responsibilidad ko na iyon sa iyo." "Bakit naman ako magkakaproblema? Wala naman akong iba na problema maliban sa pamilya ko na ginawa na akong gatasan sa mga pangangailangan nila sa buhay." "Hindi ko lang talaga maiwasan na mag-isip na mayroon dahilan kung bakit magkasama ang kapatid mo at ang tatay ko. Kilala ko ang ama ko, Tamara, and he’s not a good person to be with. At ayaw ko na pati ikaw ay madamay sa problema namin dalawa. Can you promise me one thing?" "I don’t do promises, Mikel." "Can you make an exception then, just for this one?" Titig na titig siya sa mga mata ko at muli ay parang nahihipnotismo ako. Ganitong-ganito rin ako kay Wyatt kanina. Ano ba ang mayro’n sa mga mata ng magpinsan na ito at parang lagi nang nang-e-engganyo na mapapayag ako sa nais nila. "Tamara?" Muli ay pagtawag niya sa akin sa mahina na boses. Itinaas-baba ko ang ulo ko upang umayon na lang sa kan’yang sinabi. "Ipangako mo sa akin na kung ano man ang gagawin sa’yo ng tatay ko, kahit pa katulong niya ang kapatid mo ay ipapaalam mo sa akin ang lahat. I will protect you at all cost. Hindi lang dahil sa asawa kita, kung hindi dahil alam ko ang masasama na gawain ng tatay ko. At ayaw ko na mapabilang ka pa sa mga babae na ginagamit at niloloko niya. Huwag ka mag-alala, ako ang bahala sa’yo basta’t lagi mo lang sabihin sa akin ang totoo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD