Walang gabi na hindi umiiyak si chariz, hanggang ngayon ay sinisisi pa rin niya ang kanyang sarili. Dalawang taon na namuhay silang mag ina na wala siyang asawa at walang ama ang kanyang anak. Lahat ng hirap ay kanyang kinaya mailuwal lang niya ang kanyang pinakamamahal na anak. Pero hindi habang panahon na mabubuhay siya sa mapait na nakaraan, kailangang magising na siya sa katutohanan na patay na si dante. At kong mananatili siya ng pilipinas ay hindi siya makakaahon sa masamang alaala. Gumawa siya ng sulat para sa mga magulang, aalis silang mag ina para maiayos niya ang kanyang buhay. Kakayanin niyang buhayin ang kanyang anak ng walang assistance mula sa kanyang pamilya. Tinawagan niya ang kanyang kaisa isang kaibigan na nakilala niya nuon sa hawaii. "Gusto kong magsimula uli, matut