"Patawarin ninyo ako tito'tita, ako po ang may kasalanan kong bakit nangyari ito kay chariz. Kong sinabi ko sa kanya ang tutuo at hindi inilihim ang katutohanan narito sana siya at masaya sila at hindi ako kinamumuhian ni dante. Hindi ako titigil tito"tita hanggang mahanap ko si Chariz at Dan Paul. "Alam namin na malinis ang intention mo para sa kanila, ginawa mo iyon para kay dante. Gusto mong magkaruon ng tiwala sa kanyang kakayahan ang kaibigan mo at matutonan niya ang paghawak ng mga negosyo. Binigay mo ang buong tiwala mo sa best friend mo na kaya niyang mapantayan ang mga mayayaman kahit mababa ang kanyang status sa buhay. Dahil gusto mo siyang umasenso sa paraan niya at hindi umaasa sa ibang tao. Tinuruan mo si dante, itinaya mo ang dignidad mo makapasok lang siya sa car company n