NAILANG at nahihiya ako sa unang araw na naging kami. Hindi lang dahil sa gusto siya ni Mika kaya ko sinagot si Daxton dahil gusto ko na siya. Pinakita niya sa akin na seryoso siya dahil nakuha niyang tumira dito sa bahay namin. Nakisama sa pamilya ko. Tinanggap ako ng buo. Bukod doon ay nirespeto niya ako. Akala ko ang tulad niya ay hindi makakatiis ng hindi man nakaka-score kahit na halik. Siguro nga maaga pa ang tatlong linggo para sa iba para mamangha ako sa ginawa niya pero iyong tatlong linggo na 'yon na araw-araw kaming magkasama, 24 hours nga eh. Nakakabilib din naman kung sa panahon lang din naman ngayon ang pagbabasehan. Natuto si Daxton sa simpleng buhay namin. Marami siyang natutunan hindi lang sa pagnenegosyo. "We should move into my penthouse so we can—" "Daxton wala akon