SA araw-araw na magkasama kami ni Daxton sa bahay. Unti-unti naming nakilala na ang isa't-isa. Kahit hindi niya sabihin kahit papaano nababasa ko na ang ugali niya. Kung kailan siya masaya at kailan siya pikon. Kung anong ang hilig talaga niya at paano siya sa bahay. Tatlong linggo na siya sa amin. Close na rin sila ni Mika. Kaya kapag darating kami. Tumatakbo si Mika para yumakap na sa kanya. Ang bahay namin ay sinimulan ng ipaayos. Inaalok kami ni Daxton na sa Hotel matulog muna habang inaayos ang bahay kaya lang ayaw nila Lola. Sanay sila sa ganitong buhay. Hindi ko naman kayang iwanan kaya nagpasya kaming manatili na din. Inuna muna ang sa kabilang side. Sa kusina at sa banyo. Kaya magulo ang bahay dahil inusog ang mga gamit. "Hindi ka sanay na magulo, ano? Naiintindihan ko naman k