NAMUNGAY ang mga mata ko ng magsabi siya ng salamat tito. Nakita kong ngumiti din si Daxton pero nahihiya pa siyang kausapin ang anak ko. Naiintindihan ko naman kasi siguro ang lalaki hindi mahilig sa bata. Wala din yata siyang ibang pamangkin. "Saan kayo pupunta?" tanong niya ng magsabi ako na aalis kasi ni Mika. "Makikipagkita kami sa Papa niya," sagot ko at hindi ko matignan ang mga mata niya. Hindi ko alam kung bakit dapat akong mahiya o ano sa pag-amin ko sa kanya pero ang awkward lang kasi sa pakiramdam. Nanliit ang mga mata ni Daxton. "Nagkikita... kayo?" "Nito lang kasi umuwi siya dito para makasama si Mika. Aalis din naman kasi sasampa na ng barko," sagot ko. Tumango siya. "Alright, I'll drive you two, and I insist." Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Mabilis siyang tumalik