MAY mga bagay na alam kong hindi pa namin nahihipo. Mga pader na hindi pa nabubuwag. Bago pa lang kaming nagkakakilala ni Daxton kaya marami pa kaming hindi alam sa isa't-isa. Nakakailang na magkakasama kaming tatlo. Kung hindi lang dahil kay Mika syempre umuwi na lang ako. Lalo na noong kakain na. Awkward pati paghahanap ng resto. "We can head on to Wright Hotel. Hindi naman malayo dito," alok ni Daxton pero umiling ako. Ayoko nga kumain doon tapos magkakasama kami. Pag-uusapan lang kami ng mga empleyado doon. "Nagtatagalog pala. Akala ko talaga ingles lang. Boyfriend mo?" Nakangising tanong ni Dave habang hawak sa kamay si Mika. Kalalabas lang nila sa Kidzoona. Hindi ko gusto kung paano tumingin at ngumisi si Dave. Samantalang walang-wala naman siya sa kalingkingan ni Daxton. Noon, a