NAG-ANTAY ako kay Maam Sammy sa office niya. Pagbalik niya ay mugto ang mga mata at namumula na ang ilong. Bigla akong nailang dahil nga hindi maganda ang mood niya. Pakiramdam ko hindi dapat ako narito sa office niya. "Leave us for a while, please," pakiusap niya at nanginginig pa ang boses niya. Hindi ko siya matignan ng diretsyo dahil nahihiya. Nagpanggap ako na abala sa tinitignan na kontrata ng lumabas si Maam Lineth. Mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong nagsuot ng aviators si Maam Sammy ng makuha niya iyon sa kanyang lamesa. Marahil para itago ang namumula niyang mga mata. "How was it?" panimula niya. Tumikhim ako at tahimik na inabot sa kanya ang kontrata na pirmado ko na. Inisa-isa niya iyon at binalik sa akin ng may pahina akong nakalimutang pirmahan. "Signature, de