NGUMIWI ako ng makita ang black silk halter dress. Paano kasi kita ang likod ko kalahati mismo ng likod ko. Ang lamig-lamig pa naman. Nahiya ako na tumangi dahil nag-effort siya na ipadala pa sa office niya iyong damit tapos may dumating pang make-up artist. Tahimik lang ako habang inaayusan na. Nakahalukipkip si Maam Sammy habang pinapanuod akong inaayusan. "Mahigpit si Mr. Wright sa itsura. Kapag nakita ka niya na parang napadaan lang galing sa palengke. Naku! Naku! Pare-pareho tayong mawawalan ng trabaho." Mariin kong tinikom ang aking bibig. Kanina ko pa naririnig sa kanya na mahigpit at masungit nga daw si Mr. Wright. Iyong CEO nitong Hotel. Kilala ko na siya dahil kasama iyong history ng company noong orientation. Tapos pinakita din ang mukha niya. Pagkita ko pa lang alam ko ng is